"Ang cute 'nung bata no?" Pagkababa nila ng sasakyan ay wika ni Luis mula sa kabilang pinto ng sasakyan. Kakarating lang nila ng bahay at halos kakapasok lang ng sasakyan sa loob ng garahe. Lagpas tanghali na ng makaalis sila doon sa pinangyarihan ng reception pagkatapos makailang beses na pinigilan si Luis ng guro nito na umalis. Ipinakilala rin siya nito sa mga dati nitong kaklase kaya nagkaroon ng kantiyawan lalo na nang makilala siya ng mga ito na siya iyong lagi nitong pinupuntahan sa third year building noong huling taon nito sa high school. Ani ng mga ito ay talagang binantayan daw siya ng binata ng maayos na naging dahilan naman ng ilang beses niyang pananahimik roon. "Sa tingin mo?" Untag nito sa pananahimik niya. Nagkunwari na lang siyang abala sa pagkuha ng kanyang bag kaya hi

