CHAPTER FORTY FIVE

2647 Words

Pakiramdam ni Dianne ay naging maganda ang mga sumunod na araw. Simula nang malaman ni Luis na nagseselos siya kay Melanie ay mas naging maingat na ito sa pakikitungo sa babae lalo na kapag kaharap siya. Makita man niyang magkausap ang mga ito ay kapansin-pansin na ang pagitan sa dalawa. Sa umaga ay lagi siya nitong hinihintay sa silid ng magulang nito para sa morning monitoring ni Mayor Ignacio bago ito lumabas at bumalik sa silid nito habang naghihintay ng almusal. Pag-aalis na ito para pumasok sa trabaho ay sinisigurado muna nito na nakakapag-paalam muna sa kanya habang sa gabi naman ay kumakatok muna ito sa kwarto niya para ipaalam na nakarating na ito bago ito tumungo sa magulang nito. Sa mga araw na lumilipas na nagiging mas malapit sila ay ramdam niya rin ang pagiging mapangahas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD