"Hi." Pagkalabas niya ng silid ay bungad ni Luis sa kanya. Nasa may salas ito at itinutupi ang mga damit na hinubad kagabi at nakita niya rin ang dalawang food container na kasamang inililigpit nito. Kumpara kagabi ay parang mas maganda ang mood ng binata sa umagang iyon base sa bati nito sa kanya. Sinilip niya ang bintana at maliwanag na sa labas. Wala na ang malakas na ulan bagaman at may kaunting ambon pa. "Aalis na ba tayo?" Linga niya rito. "Oo." "Saglit lang. Kuhanin ko lang yung damit ko kahapon." "Nandito na." "Ha?" Napatingin siya sa kasalukuyang hawak nito at nakita niya ang kanyang damit. Mabilis siyang napalapit dito at inagaw ang mga iyon kasama ang mga pang-ilalim niya na nakatupi na sa ibabaw ng damit nito at isinilid sa dalang bag noong magpunta siya roon. Hindi

