Kabanata 4

3750 Words
NAKATAYO AKO HABANG nakalihis ang tingin sa naliligong si JP. Nakababad ito sa bathtub habang umiinom ng wine na pinahanda nito. Nakasampay sa braso ko ang roba at towel na gagamitin niya. Hindi naman siya hubo’t hubad dahil naka-boxer siya. Siguro ay para hindi ako lalo mailang kaya nagsuot siya no’n. Pero paano naman ako hindi maiilang, nakabalandara ang katawan niya na may abs at ang dibdib niya ay tila matigas na may kaunting balahibo pa. Isama pa ang mga braso niya na parang perpekto ang pagkakahulma. Bakit ganoon, lumpo na siya pero maganda pa rin ang katawan? Ano kayang sikreto nito?. “How old are you, Hera?” tanong nito bigla na ikinagulat ko.  Napatingin ako rito at nakita ko na inaalog-alog niya ang baso na pinaglalagyan ng wine na iniinom niya. Ang kinabigla ko ay ang unang beses niyang pagbanggit sa pangalan ko. Parang kakaiba rin ang paraan niya ng pagbanggit. Parang . . . ang sexy. “Twenty po,” tugon ko at yumuko. “I see . . .” wika nito at tumango-tango. “So, what’s your age when you had a boyfriend?” tanong muli nito. “Ah, Sir . . . pasensya na po pero hindi po ako magaling sa pag-intindi ng ingles. Ano po ’yong tanong n’yo?” sabi ko na nahihiya. Napahalakhak siya at napapailing na kinainit ng pisngi ko. Ang gwapo niya palang ngumiti. Hindi ko alam kung ano ang nakain niya at tila mabait siya ngayon. Kanina ay ang sungit niya pero nang mababad lang siya sa bathtub ay parang lumamig na ang ulo niya. “You’re so cute,” sabi niya kaya lalo akong namula dahil naunawaan ko ang word na cute. “Ang sabi ko ay anong edad ka nagkaroon ng boyfriend?” tanong niya kaya naunawaan ko na. “Nineteen years old ako nang maging kami ni Chard. Bakit n’yo po tinatanong?” tugon ko pero nasa isip ko ang pagtataka. Bakit naman niya itinatanong kung anong edad ako nagka-boyfriend? Nakita ko ang pagtiim-bagang niya at sumimsim siya muli ng wine. “Ang pamilya mo, nasaan sila?” tanong niya at inilapag ang baso ng wine sa gilid niya saka tumingin siya sa akin. “’Yong mga kapatid ko po, iniwan ko sa ampunan nang mapasok ako rito bilang private nurse n’yo,” sabi ko na biglang nakaramdam ng pangungulila sa mga kapatid ko. Hindi ko pa nakakamusta ang mga ito dahil naging busy ako ngayon kay Señorito JP. “Bakit sila nasa ampunan?” taka niyang tanong na tila interesado. Medyo nawala naman ang ilang ko. “Kasi ho ’yong tatay—” “Opps. Pwede bang ’wag mo na akong ‘i-po at ho’? And stop calling me Señorito. Ibig kong sabihin, ’wag mo na akong tawaging senyorito. Tawagin mo na lang akong Jam,” nakangiti niyang sabi kaya ngumiti ako at tumango. “Sige, ipagpatuloy mo,” sabi niya at ipinatong ang dalawang braso sa sinasandalan niya. “Hindi ko kasi pwedeng iwanan ang mga kapatid ko kay Tatay.” “ Bakit naman?” tanong niya kaya napabuntonghininga ako. “Lasinggero at adik kasi ang tatay ko. Kapag iniiwan ko ang kapatid ko sa bahay para magtrabaho, naaabutan ko na puro bugbog sila sa katawan dahil sa kagagawan ni Tatay. Kaya nga kapag nasa trabaho ako, kailangan ko pa silang iwanan sa iba para hindi sila mabugbog ni tatay. Pero mali rin pala na ipagkatiwala ko sila sa ibang tao . . .” pagkukwento ko. “Bakit naman? Binugbog din ba ng ibang tao ang mga kapatid mo?” tanong niya kaya napailing ako at napangiti. “Ayoko nang magkwento. Sa akin na lang ’yong nangyari,” sabi ko kaya napatango siya at napangiti. “Okay. Pero bakit ikaw na lang ang nag-aalaga sa mga kapatid mo? Base sa kwento mo, tatay mo lang ang nabanggit mo.” Napahinga ako nang malalim dahil alam ko na aabot sa punto na dapat pag-usapan pa rin si Nanay. “Kasi ang Nanay ko, sumama na sa ibang lalake at hindi ko na alam kung nasaan na siya ngayon. Hindi ko na rin siya hinanap pa dahil may paniniwala kasi ako sa sarili ko na kapag iniwan ako ng isang tao, hindi ko na aabalahin pang hanapin ito. Kusa siyang umalis sa buhay naming magkakapatid, kaya kung gusto talaga niya kaming makasama, sana noon pa ay bumalik na siya,” sabi ko at sumandal sa pader. “I’m very impress to you. I mean . . . humahanga ako sa ’yo. Naging magulang ka sa mga kapatid mo. Siguro, wala ng ibang babaeng kagaya mo,” sabi niya habang titig na titig sa akin kaya medyo nakaramdam ako ng ilang na dinaan ko na lang sa halakhak para hindi siya makahalata na naiilang ako sa tingin niya. “Ano ka ba. Hindi naman ako lang ang ganito na may malasakit sa mga kapatid. Meron pang mas higit sa akin kaya ’wag mong sabihin na wala na akong kagaya,” sabi ko at napakamot sa kilay para mawala ang ilang ko. “Well, It’s my opinion. Kaya nasabi ko iyon,” sabi niya at inabot ang saklay niya na nasa gilid lang niya. Pwede naman pala siyang magsaklay paminsan-minsan sa t’wing maliligo siya. Sabi niya sa akin, ginagamit lang daw niya ang saklay t’wing maliligo siya. Hindi naman daw kasi pwede na umasa siya sa ibang tao kapag tungkol sa paliligo niya. “Help me to stand,” sabi niya pero napahinto siya at napangiti bago napailing. “I mean . . . Tulungan mo ako na tumayo,” pagtatama niya kaya tumango ako at nilapag ko muna sa malinis na lababo ang tuwalya at roba niya. Hinawakan ko siya sa braso at pinasampa sa balikat ko para makatayo siya. Kumapit siya sa balikat ko at tumayo. Napaiwas ako ng tingin sa katawan niya na mas lalong nabunyag dahil wala na siya sa tubig at bula. Ngayon ay nailang muli ako dahil dikit na dikit ako sa basa niyang katawan habang nakaakbay siya sa akin. Kinuha niya ang saklay na pinahawak sa akin pero agad akong napahawak sa baywang niya nang mawalan siya ng balanse. “Teka . . . ’Yong isang saklay muna ang hawakan mo para hindi ka mahirapan,” sabi ko sa kanya at agad na inalis ang kamay ko sa baywang niya dahil nahawakan ko ang matigas niyang tiyan. “Okay . . .” nakangiti niyang sabi at kinuha ang isang saklay. Inilagay niya sa ilalim ng kili-k**i niya ang saklay at tumayo siya nang tuwid. “Tulungan mo ako na makarating sa shower. And then, sabunin mo ang katawan ko,” sabi niya na napapaangat ang sulok ng labi. “Huh? Pero bakit ako?” angal ko. “Of course. I can’t use my both hands because of this.” sabi niya at nginuso ang saklay. “You get it? I mean.. Naintindihan mo?” tanong niya kaya napatango ako dahil na-gets ko na hindi niya magagamit ang parehong kamay dahil nga hawak niya ang saklay. Hinawakan na niya ang isang saklay at humakbang siya nang dahan-dahan habang nakaalalay ako sa kanya. Nang makalapit na kami sa tapat ng shower ay hinanap ko kung saan ang buhayan ng shower. “Pihitin mo lang ’yang crystal na ’yan,” turo niya sa isang bilog na nakakonekta sa mga silver na hose. Ginawa ko ang sinabi niya pero napatili ako nang bumuhos din sa akin ang tubig na kinahalakhak niya. Napasimangot ako habang siya ay tawa nang tawa. Nang makita ko iyon ay natuwa ako dahil marunong pala siyang tumawa sa simpleng bagay na iyon. Kinuha ko na lang ang dulo ng shower at tinapat sa kanya kaya ako naman ang napahalakhak nang iniwas niya ang mukha niya. “Ang pilyo mo pala, ha. ’Yan ang sa ’yo,” sabi ko at itinapat muli ang hose. “Stop. Okay, hindi na,” sabi niya habang nakapikit kaya tinigil ko na at hininaan ang shower. “Sabunin mo na ako,” sabi niya kaya ibabalik ko na sana sa dating pagkakawit ang shower hose ngunit pinigil niya ako. “Akin na. Para makakabanlaw ako ’pag nasabon mo na ang katawan ko.” “Alin ba dito ang sabon mo?” tanong ko na binuksan ang isang mini cabinet na may salamin na naglalaman na mga de boteng shampoo, cologne, at mga gamit na panlalake na hindi ko alam kung ano ang tawag. “Kunin mo ’yang black na lalagyan,” sabi niya kaya kinuha ko at saka ako humarap sa kanya. Pero napasinghap ako at nagulat na nasa likod na pala siya. Napadulas ang mga paa ko dahil sa pagkabigla. Napapikit ako nang agad akong hinawakan ni JP sa baywang para hindi madulas pero dahil sa sitwasyon niya ay pareho kaming natumba. Hindi sumakit ang likod ko sa pagkabagsak kaya nagtaka ako. Dumilat ako at napasinghap na si JP ang nagpabagsak sa sahig at ako ang nasa ibabaw niya. Napangiwi siya kaya nag-alala ako. “Naku, Sorry, Señorito!” sabi ko at agad na tatayo sana nang pigilan niya ako sa pamamagitan ng pagpulupot ng isa niyang kamay sa baywang ko. Dumilat siya at napatitig sa mga mata ko ang napakamisteryoso niyang mga mata na hindi ko mabasa ang sinasabi. “’Wag. Masakit ang paa ko kaya baka mas lalong sumakit pag gumalaw ka,” sabi niya habang nakatitig sa akin. Naiilang ako pero sinunod ko siya dahil baka nga sumakit ang mga paa niya. Tumatalsik ang tubig mula sa shower hose na bumagsak din sa sahig. Nababasa na kami habang ako ay hindi makayanan ang tingin niya kaya napababa ako ng tingin sa dibdib niya. Tumutulo na rin ang tubig sa buhok ko maging sa mukha ko. Tila naman may biglang boltaheng kuryente akong naramdaman nang gumapang ang kamay niya sa baywang ko at tila hinahaplos-haplos niya iyon. Napalunok ako at napatingin sa kanya muli. Kinabahan ako sa klase ng tingin niya tila meron doong sinasabi na hindi ko lang maipaliwanag kung ano. “You’re so beautiful, Hera. I can’t stop myself, even my hardness to react,” sabi niya na hindi ko maunawaan. Inangat niya ang kanyang ulo at nagulat ako nang sakupin niya ang mga labi ko. Hindi makagalaw at tila ako kinilabutan nang angkinin niya ang mga ito at tila sabik na sabik habang sumasabay ang bagsak ng tubig sa amin. Bumitiw siya at pinatong ang ulo sa isa nuyang braso at ngumiti siya sa akin. “I’m not sorry for that. I can’t help it,” sabi niya. “Señorito!” May sigaw akong narinig kaya agad akong umalis sa ibabaw niya at agad na tumayo. Napatingin ako sa kanya na sinuyod ako ng tingin mula sa aking paa paakyat kaya agad kong hinawakan ang dulo ng suot kong palda dahil tila ako nakitaan ng panloob. “Diyos ko! Señorito!” hiyaw ni mayordoma na siyang unang pumasok at nakita ang nakabagsak na si JP. May pumasok na mga bodyguard at tinulungan na tumayo si JP. Habang ako ay walang ginawa kundi tumayo habang natutulala dahil hindi ko maunawaan kung bakit niya ako hinalikan. Nang maitayo siya ay napatingin siya sa akin at yumuko. Nakita ko pa ang pagngiti niya nang makahulugan bago niya iniangat ang mukha na iba na ang emosyon, hindi katulad ng kanina na pinapakita niya. “Anong nangyari, Miss Vergara? Bakit hindi mo tinulungan ang Señorito na tumayo?” pagalit na sabi sa akin ng mayordoma kaya napayuko ako. “Don’t shout at her. She’s doing her best to take care of me,” sabi ni JP kaya napatingin ako rito. Tumingin siya sa akin at napaiwas agad ako. Nakakailang . . . “Lumabas ka na muna, Miss Vergara. Sina Manuel na ang bahala kay Señorito,” sabi sa akin ng mayordoma kaya agad akong tumalikod para lumabas. Paglabas ko ay napasandal ako saglit sa pinto at napatulala na napahawak sa labi ko. Ramdam ko pa rin ang labi niya sa labi ko na sa kauna-unahang beses ay may nakahalik doon. Oo, may boyfriend ako pero wala pang halik na namamagitan sa amin ni Chard. Dahil alam niya na hindi ako handa sa ganoon. Bigla tuloy akong nakaramdam ng konsensya nang maalala si Chard. Piling ko ay pinagtaksilan ko siya. Napailing ako at pinunasan ang labi ko para iwaglit din sa isip ko ang halik na nangyari. Hindi na dapat mangyari pa iyon. Ayoko na magkasala at ayoko na magkaroon ng ilang sa Señorito. Dapat ay lagyan ko ng distansya ang pagitan namin at sasabihin ko sa kanya na dapat ay kalimutan na ang nangyari. Napabuntonghininga ako at humakbang na para magtungo sa walking closet para din magpalit ng damit. Nanghihina ako at hindi ko alam kung bakit ganito ang reaksyon ko simula nang halikan ako ni JP. Narito din ang kilabot dahil pakiramdam ko ay buong sistema ko ang kinuha ng halik niya. May narinig akong batingting kaya agad kong binutones ang suot kong lumang bestida na may butones bilang lock. Nang ayos na ay isinara ko na ang closet kung saan nakalagay ang mga damit ko. Pinusod ko ang buhok kong medyo basa pa habang naglalakad na ako palabas. Paglabas ko ay nakita ko siya na nakaroba habang nakaupo sa wheelchair niya. Nagpupunas siya ng buhok ngunit napatigil nang makita ako. Napayuko ako dahil bigla ay parang ayokong lumapit sa kanya. Nando’n ang ilang at pangamba na baka may gawin na naman siya na hindi ko inaasahan. “’Wag ka nang mailang. Pasensya na sa nagawa ko,” sabi niya kaya napaangat ako ng tingin. Nakangiti siya sa akin na parang wala lang iyon sa kanya. “Dapat nga hindi ka naiilang sa gano’n. Sa America nga, kahit hindi naman magkasintahan ay naghahalikan. Tsaka ’di ba may boyfriend ka? Bakit hindi ka sanay sa gano’n?” sabi niya. “Señorito, iba naman tayo sa ibang lahi. At may boyfriend nga ho ako kaya bakit ako masasanay na makipaghalikan sa iba,” sabi ko sa kanya na kinahalakhak niya. “Nice answer. Pero matanong ko lang. Nahalikan ka na ba ng boyfriend mo?” tanong niya at napahawak siya sa labi niya habang nakatingin sa akin. Umiling ako at tila nag-init ang pisngi ko sa tanong niya. Nakita ko ang pagngiti niya nang makahalugan at tumikhim siya na tila maligalig. “Sorry to him,” sabi niya. “Ho?” takang usal ko dahil pabulong ang sinabi niya at Ingles pa. “Nothing. Sabi ko ay ihanap mo ako ng damit na pantulog,” sabi niya kaya tumango ako at bumalik sa walk-in closet. Kumuha ako ng pantulog niya na may nakalagay pa na mga guidelines kung ano ang gagamitin niya sa araw na ito. Lumabas ako na bitbit ang pantulog niya. Nakita ko siya na nagpupunas ng buhok habang hawak-hawak ang phone ko. Agad akong lumapit at inagaw sa kanya kaya napaangat siya ng tingin. “Bakit hawak n’yo ito?” tanong ko at tiningnan ang tinitignan niya sa phone ko. “Tiningnan ko kasi may tumatawag. And your caller is Chard. Is he your boyfriend?” tanong niya habang may kakaiba sa reaksyon niya at tono. Oo, si Chard nga ang tumatawag. At mabuti naabutan ko bago pa niya masagot. Baka kung ano ang isipin ni Chard at magtaka kung bakit lalake ang sumagot. “Oo, siya nga. Dapat po hindi n’yo pinapakialam ang hindi inyo,” sabi ko na medyo may halong inis. “Tsk. Get out. Kaya kong magsuot ng damit sa sarili ko,” sabi niya at inagaw ang damit. Napamaang ako dahil agad-agad ay nag-iba ang ugali niya. Pero agad naman ako napalakad palabas dahil galit na sinigawan na naman ako para lumabas. Napahinga ako nang malalim dahil hindi ko maunawaan ang ugali niya. May oras na masungit siya. Meron ring oras na ngumingiti siya. Tapos ngayon ay nakita ko ang side niya na galit. Umalis na na lang muna ako doon dahil nabwisit din ako kung bakit niya pinapakialam ang hindi ka niya. Ayoko pa naman ng gano’n. Pakiramdam ko kasi na paglabag na iyon sa pribado kong buhay. Bumaba ako at nakita ko ang mga maid na kagagaling sa labas at may bitbit na mga nilabhan. “Hello,” bati ko kaya huminto sila at ngumiti rin. “Hello rin. Ikaw si Hera, ’di ba?” tanong ng isa kaya tumango ako at sumabay sa paglalakad nila. “Oo, paano n’yo nalaman?” “Nabasa namin sa profile mo. At sinabi rin sa amin ni Madam Sally. ’Yong mayordoma,” sabi ng isa kaya napatango ako at napangiti. “Ako si Wena. Siya naman si Ysa,” sabi ni Wena kaya tinandaan ko ang pangalan ng dalawa. Napatingin ako sa isa na umirap lang at naunang maglakad na kinataka ko. “’Wag mo nang pansinin si Rita. Ganyan ’yan ’pag may magandang nurse si Señorito. May crush kasi siya kay Señorito,” sabi ni Ysa kaya napatango ako. “Kaya pala,” sabi ko at napatingin sa bitbit nilang bagong laba na mga kumot at kurtina. “Tulungan ko na kayo,” alok ko. “Naku, ’wag na. Hindi mo ito gawain,” tanggi ni Wena. “Hindi, ayos lang. Pinalabas muna kasi ako ng Señorito kaya tiyak na hindi pa naman ako hahanapin no’n,” sabi ko at tinulungan si Wena sa pagbuhat ng basket na pinaglalagyan ng mga kumot. “Kung gano’n ay salamat,” sabi nito kaya ngumiti ako. Pagdating namin sa maid’s room ay nagkapalagayan na kami ng loob nina Ysa at Wena. Nagkwentuhan kami habang nagtitiklop ng mga kumot na bagong laba. “Alam mo, walang nakakatagal na nurse kay Señorito. Isang araw pa lang o dalawa, agad nang nagre-resign ang mga iyon dahil hindi nila kinaya ang ugali ng Señorito,” sabi ni Wena. “Talaga?” tumango sila sa usal ko. “Sabagay, kung ako man ay aalis din. Pero hindi ko magawa dahil kailangan ko ang sweldong matatanggap ko sa pag-aalaga sa Señorito,” sabi ko pa. “Malaki ang sahod ng pagiging nurse ng Señorito kaya hindi ka namin masisisi. Pero alam mo, ikaw lang ang nakatagal ng dalawang araw sa kanya. At himala at hindi ka niya tinatanggal sa trabaho lalo na nang makita na nakabagsak ito sa sahig sa banyo nito,” sabi ni Ysa. Bigla ay bumalik sa isip ko ang nangyari sa banyo, pero umiling ako at agad na winaglit iyon sa isip ko. “Baka dahil wala na siyang choice,” sabi ko. “Hindi rin. Basta ’pag ayaw niya ay tanggal agad. Baka natipuhan ka niya kaya hindi ka pa niya inaalis,” sabi ni Wena na kinailing ko. “Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ako ang tipo no’n. Tsaka alam no’n na may boyfriend ako.” “Talaga? Alam ng Señorito na may boyfriend ka?” hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Wena. “Oo. Pinagkwento niya kasi ako sa buhay ko kaya alam niya,” sabi ko at inayos ang pagkakatilop ng kumot. “Alam mo. Isa lang ang alam ko kapag interesado na malaman ng isang lalake ang tungkol sa buhay ng isang babae. Ibig sabihin lang no’n ay tipo ka ni Señorito. Sabagay, maganda ka at maganda ang katawan mo kaya hindi nakakapagtaka,” sabi ni Ysa. “Naku, wala nga lang iyon. Nagkwentuhan lang kami dahil awkward naman na tahimik lang kami habang naliligo siya sa bathtub niya. Ang dumi ng isip n’yo,” sabi ko sa kanila. “O sige, hindi na. Pero ano, yummy ba ang katawan ni Señorito? Kasi alam mo, kahit lumpo siya, pansinin ang built ng katawan niya. ’Pag nakaupo siya, bakat na bakat,” kinikilig na sabi ni Wena na binatukan ni Ysa. “Ayan ka na naman, Wena. Pinagpapantasyahan mo ang katawan ni Señorito. Pag narinig ka ni Rita, tiyak na world war 3 na naman,” saway ni Ysa kay Wena. “Pakialam ko kung marinig niya. Hindi naman sa kanya si Señorito kung makaangkin siya. Hindi nga siya pinapansin dahil wala namang kapansin-pansin,” sabi ni Wena kaya napailing na lang ako at pinagpatuloy ang pagtiklop. “Pero alam mo ba kung bakit nalumpo ang Senyorito?” sabi bigla ni Ysa kaya napatingin ako rito at napailing. “Hindi. Bakit nga ba?” curious kong tanong. “Noong bata kasi ang Señorito JP at Señorito Gab ay mayroong pangyayari na pinagmulan ng pagkalumpo niya. Hindi alam ni Lord James na sumabit pala sa kanya ang kambal na senyorito patungo sa kampon ng mga kaaway nila. Nagkabarilan daw at nakuha ang kambal ng mga kaaway. Pero gumawa ng paraan ang kambal at tumakas sa kamay ng kaaway ng daddy nila. Kaso nadapa noon si Señorito JP at bigla raw bumagsak ang mabibigat na bakal sa paa ng Señorito kaya ngayon ay lumpo na siya dahil nabali ang buto sa kaliwang binti niya,” pagkukwento ni Ysa na hindi ko mapaniwalaan. Bigla ay nakaramdam ako ng awa kay JP. Hindi rin pala maganda ang nangyari sa kabataan niya. Dati naman pala ay nakakapaglakad siya, pero mula nang mangyari ang aksidenteng iyon ay hindi na muli siya nakalakad. Kaya siguro ganoon ang ugali niya . . . Napabuntonghininga ako at pinakinggan ko lang ang pagkukwentuhan ng dalawa hanggang sa matapos ako sa pagtitiklop. Napatingin ako sa wall clock at nakita ko na mahigit isang oras na pala akong narito sa maid’s room kaya tumayo na ako na kinatingin ng dalawa. “Akyat na ako, baka hinahanap na ako ni Señorito,” sabi ko. “Huh?” usal ni Wena at napatingin din sa wall clock,. “Alas otso na pala. Tiyak na namamahinga na iyon. Kumain ka na ba?” pagpapatuloy niya at tanong kaya umiling ako. “Kung gano’n ay tara na. Kumain na tayo habang tulog naman ang alaga mo. Tapos na rin naman tayo sa pagtitiklop,” sabi ni Ysa at tumayo rin. Nagtungo kami sa kitchen at kumain. May nakilala akong iba pang maid pero ang ilan ay tila hindi ako gusto at mga kaibigan ni Rita ang mga iyon. Pagkatapos kumain ay iniwan ko na sila at umakyat sa kwarto ni JP. Pagpasok ko ay napatingin ako sa kama at nakita ko na umuungol siya na tila nanaginip? Hindi, binabangugot! Humahangos akong lumapit sa kanya at niyugyog siya. “Señorito! Señorito!” gising ko rito. Napasinghap siya at napadilat habang pawis na pawis. Hingal na hingal siya na napatingin sa akin at sa mga paa niya. “f**k! f**k!” mura niya at pinagsusuntok ang hita niya kaya agad ko siyang pinigilan. “Tama na. Baka mapano ka,” nag-aalala kong suway sa kanya ngunit nabigla ako nang hawakan niya nang mariin ang braso ko na nakapigil sa isang kamay niya. Napangiwi ako at napatingin sa kanya dahil ang sakit ng pagkakahawak niya. “Stop acting like you really care to me. I don’t need you!” galit niyang sabi habang galit na galit ang mga ugat niya sa leeg dahil sa galit na lumulukob sa kanya. “Hindi ko man maunawaan ang sinasabi mo, pero hindi naman tama na sigawan mo ako. Hindi porket lumpo ka at galit sa mundo ay idadamay mo ako sa galit mo. Nagtatrabaho ako para may maipakain sa mga kapatid ko. Maswerte ka pa nga dahil dito ka sa mala-palasyong bahay nakatira. May mga taong nagtatrabaho para paglingkuran ka. May nakakain ka na masasarap na pagkain hindi tulad ko na kahit kaning lamig ay kinakain para matugunan lang ang sinisigaw ng sikmura. Maswerte ka, kaya hindi ko alam kung bakit ganyan ka pa, parang hindi ka tuloy karapatdapat d’yan sa swerteng tinatamasa mo,” mahaba at inis kong sabi sa kanya. Binitiwan niya ang kamay ko kaya umalis na ako sa pagkakaupo sa kama niya. “Kung may kailangan kayo, gisingin n’yo na lang ako. Sige ho, matutulog na ako,” sabi ko at umalis na sa harap niya at tinungo ang sofa para mahiga. Nahiga ako na inis ang kalooban. Nagkumot ako at tinalikuran siya dahil nakaharap ang sofa sa kama niya. Napapikit ako nang maunawaan ko ang pinagsasabi ko sa kanya. Baka matanggal ako sa trabaho . . . kasi naman, bakit kasi ganoon ang ugali niya? Kung ako ang nasa katayuan niya, hindi ko isisisi sa mundo ang nangyari sa kanya, bagkus magpapasalamat pa ako na hindi ako namatay. Tuluyan na akong napapikit at hindi ko na alam ang nangyari nang makaidlip na ako. Pero bago iyon ay narinig ko pa ang pagso-‘sorry’ niya. BOOK VERSION 2020 © MinieMendz
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD