Kabanata 5

4023 Words
KINABUKASAN, PAGGISING KO ay wala akong nakitang Señorito sa higaan nito. Kaya naman nag-ayos ako ng sarili at naligo na rin bago ako bumaba para hanapin ito. Busy ang mga maid na naabutan ko at nakita ko si Wena at Ysa kaya lumapit ako sa mga ito para magtanong. “Wena, Ysa,” tawag ko kaya napalingon sila at huminto sa gawain nila. Nagba-vacuum at nagpupunas sila ng sahig at mga kagamitan. “Oh, Hera, mabuti at gising ka na. May natira kaming pagkain doon, kumain ka na,” sabi ni Ysa kaya tumango lang ako. “Itatanong ko lang sana kung nakita n’yo ba ang Señorito? Paggising ko kasi, hindi ko siya nakita,” tanong ko. “Hindi rin namin napansin. Pero baka nasa farm. Pag ganitong araw kasi ay naroon ang Señorito sa mga tanim na mga bulaklak,” tugon sa akin ni Wena dahil maging si Ysa ay hindi rin alam kung nasaan ba ang Señorito. “Gano’n ba. Sige, salamat. Kakain na lang muna ako at hihintayin na lang siya sa labas,” sabi ko sa mga ito na tumango at pinagpatuloy na ang naudlot na ginagawa. Lumakad na ako patungo sa kusina at nakita ko na namamahinga ang mga chef. Tinungo ko ang maid’s kitchen room at nakita ko ang ulam na may takip. Kumuha ako ng plato at nagsandok ng kanin na mainit-init pa. Nilapag ko iyon sa lamesa at tsaka ko tinungo ang lagayan ng mga kutsara at baso para hindi na ako tatayo pa kapag kumakain na. Nilagpag ko ang mga iyon sa lamesa at tsaka ako kumuha sa ref ng maiinom.  Naupo na ako at binuksan ang takip ng ulam. Napangiti naman ako at natakam dahil ang sarap ng ulam. Pork tocino, hotdog, at tapa.  Grabe, dito lang ako nakakain ng ganito.  Nagdasal muna ako bago ko umpisahan na kumain. At nang matapos ay sarap na sarap na ako sa pagkain kaya hindi ko man lang napansin na may tao na pala na pinapanood akong kumain. “Gutom na gutom ka, ah.”  Parang nasamid ako nang bigla kong marinig ko ang pamilyar na tinig ng Señorito. Agad akong napainom ng tubig para mawala ang samid ko. Nang maka-recover ako ay napalingon ako kay Senyorito na nakangiti at lumapit siya sa akin gamit ang pagpapaandar sa wheelchair niya. “Go ahead. Hindi kita iistorbohin, kumain ka muna,” nakangiti niyang sabi nang huminto siya sa gilid ko kaya nagtataka na pinapatuloy ko ang pagkain ko. Nakakapagtaka kasi talaga. Good mood yata siya, hindi katulad kagabi. Nakangiti pa siya at mahinahon ang tono.  “Pagkatapos mong mag-agahan, pwede bang makahingi ng pabor?” tanong niya kaya tumingin ako sa kanya na may busal sa bunganga ko na puno ng kanin habang ngumunguya ako. Tumango lang ako dahil hindi naman ako pwedeng magsalita na punong-puno ang bibig ko. “Thanks,” sabi niya kaya tumango na lang muli ako at nagpatuloy sa pagkain kahit na nakakailang na pinapanood niya ako. Nang matapos ako ay niligpit ko muna ang pinagkainan at nagpunas ng kamay bago lumapit sa kanya. “Ano ho ang pabor n’yo?” tanong ko kaya napadilat siya. Saglit kasi siyang umidlip at tila inaantok pa siya. “Gusto kong pumunta sa mall. Samahan mo ako,” sabi niya kaya tumango ako. “Sige ho. Trabaho ko naman po na samahan at bantayan kayo kung saan n’yo gustong pumunta,” sabi ko sa kanya na kinailing niya. “Ang ibig kong sabihin . . . samahan mo ako bilang kaibigan, hindi bilang amo o private nurse. Alam ko na mali na sinigawan kita kaya gusto ko na i-treat ka,” sabi niya kaya agad akong tumanggi sa nais niya. “Naku, ’wag na, Señorito. Ako nga ho ang dapat na humingi ng paumanhin dahil isang nurse n’yo lang naman ako kaya dapat hindi ko kaya pinagsabihan,” sabi ko rito na ikinangiti nito. “No, I should say that. But let’s forget that. Let’s go, baka ma-traffic tayo,” sabi nito at inaya na ako kaya ngumiti na lang ako at sumunod sa kanya nang tumalikod na siya. Bago umalis ay sinabi ko na magsipilyo lang ako kaya sinabi niya na hintayin na lang daw niya ako sa baba.  Ang totoo niyan ay gusto kong magpalit ng damit. Masyadong nakakahiya naman kung butas na T-shirt ang isusuot ko sa mall. Kaya pagkatapos magsipilyo ay nagpalit ako ng pinaglumaang kong cream floral dress na ayos pa naman at maganda para sa akin. Nagsuot din ako ng simpleng sandals at tsaka ako bumaba na dahil baka naiinip na siya. Pagbaba ko ay nakita ko siya sa harap ng main door na naghihintay. Napalingon siya nang marinig ang yapak ko at ngumiti kaya nahiya na ngumiti ako. “The car is ready, let’s go,” inglesero niyang sabi kaya tumango na lang ako. Tinulungan siya ng mga bodyguard niya na sumakay sa backseat kaya nang makasakay na siya ay sumakay na ako sa front seat. “Hera, you can seat here beside me? Ang ibig kong sabihin ay pwede ka bang maupo rito sa tabi ko?” sabi niya sa akin. “Ayos na ako rito, Señorito,” sabi ko na kinailing niya. “Hindi, dito ka na,” pagpilit niya kaya napabuntonghininga ako at tumabi na sa kanya. “Let’s go, Manuel,” sabi niya sa driver namin. Umusad na ang sasakyan habang tahimik lang kami. Tumingin na lang ako sa bintana para hindi maging nakakailang ang pakiramdam ko. “Anong size ng paa at baywang mo?” tanong niya na kinailang ko.  Bakit niya tinatanong? “Gusto ko lang malaman kasi parang masisira na ang sandals mo,” dagdag pa niya kaya napatango ako. “Size six ho ang paa ko at size twenty-three ang baywang ko,” tugon ko. “I see,” sabi niya at napangiti bago napadila sa labi niyang mapula.  Ano kaya ang iniisip nito?  Tila may kapilyuhan siyang nakatanim sa isip niya. Nagkibit-balikat na lang ako at muling tumingin sa labas. Naalala ko na hindi ko natawagan ang ampunan na pinag-iwanan ko sa mga kapatid ko. Wala akong load kaya mabuti at makakalabas ako ng hacienda nila para makapag-load. Ang layo kasi ng hacienda sa mga bahay-bahay kaya tiyak na malayo ang may paloadan na tindahan. “Anong iniisip mo?” tanong niya sa akin kaya napalingon ako at nakita ko na nakatingin siya sa akin. “Wala ho, tungkol lang sa pagpapa-load ko. Hindi ko pa kasi natatawagan ang ampunan na pinag-iwanan ko sa mga kapatid ko,” sabi ko sa kanya. “Gano’n pala. Gusto mo pagkatapos natin sa mall, puntahan natin ang mga kapatid mo? Sa home for the angels, right?” sabi niya kaya napangiti ako at napatango. “Naku, salamat, Señorito,” masaya kong sabi sa kanya. “Jam na lang ang itawag mo sa akin,” sabi niya habang nakangiti kaya ngumiti rin ako. Hindi ko alam kung ano ang sumanib sa kanya pero kung mabuti ang sumanib sa kanya ay nasisiyahan ako. “Matanong ko lang. Bakit mabait ka ngayon sa akin?” medyo alanganin kong tanong sa kanya. Napahinga siya nang malalim at tumingin sa labas ng bintana.  “May na-realize lang ako. At sa puntong ito, gusto kong magpakabait para paunti-unti ay makuha ko ang nais ko,” sabi niya na sa huli ay pabulong na. “Huh? Anong sabi mo?” tanong ko dahil hindi ko naintindihan ang huling sinabi niya. Bumaling siya sa akin at ngumiti na tila makahulugan. “Wala. Sabi ko, gusto ko ng magpakabait dahil natamaan ako sa sinabi mo kagabi,” sabi niya kaya napatango ako at napangiti. “Gano’n ba. Nakakahiya tuloy. Amo kita tapos napagsabihan kita. Sorry nga pala ulit kagabi,” sabi ko na nahihiya nang maalala ko na naman ang ginawa ko kagabi. “It’s okay. Minsan din ay kailangan ko iyon. At dahil sa sinabi mo rin ay parang may nagising sa loob ko,” sabi niya na hindi ko maunawaan. Tila nahulaan niya ang reaksyon ng mukha ko kaya napahalakhak siya at napailing. “Ang ibig kong sabihin ay ang kabutihan sa loob ko,” sabi niya kaya napangiti ako nang alanganin at napatango na lang dahil hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may malalim siyang ibig sabihin sa mga sinasabi niya. PAGDATING NAMIN SA mall ay sabay kaming nagtungo sa loob habang may apat na bodyguard na medyo malayo ang distansya sa amin na nagmamasid at nakasunod. Pinagtitinginan kami ng mga taong nakakasalubong namin. May mga babae naman na kinikilig na nakatingin kay Jam. Pasimpleng sinilip ko ang reaksyon niya at nakita ko na balewala lang sa kanya ang atensyong nakukuha niya. “Gosh. Ang gwapo niya kahit na naka-wheelchair siya. May julalay pa.”  “Oo nga. Parang pamilyar din ang mukha niya. Hindi ko lang maalala.” “Gosh! Uso pa ba ang suot ni ateng? Pang 80’s pa ’yan.” Napayuko ako dahil bigla akong nailang sa pagtawa at panlalait nila sa suot ko. Alam ko naman na lumang-luma na ang suot ko dahil ito lang naman ang maayos kong dress na nabili ko pa sa ukay-ukay. Pero dapat bang pagtawanan pa ang ganitong bagay? “Don’t mind them. They just insecure because you’re beautiful,” sabi ni Jam kaya napatingin ako rito. “Huh?” Ngumiti siya at nabigla ako nang kunin niya ang kamay ko. Mahigpit niyang hinawakan iyon habang patuloy naming binabagtas ang pasilyo ng mall. “’Wag mo na silang pansinin. Inggit lang sila,” nakangiti niyang sabi kaya napangiti ako pero may ilang ako dahil hawak niya pa rin ang isang kamay ko. “A-Ah . . . J-Jam . . . ’yong kamay ko,” nahihiya kong sabi kaya ngumiti siya at binitiwan naman ang kamay ko.  Napailing siya at napangiti bago huminto kaya napaangat ako ng tingin at nakita ko na maraming damit na magaganda ang naka-display sa loob ng isang store na pinaghintuan namin.  “Let’s go,” aya niya at pinaandar ang wheelchair niya papasok. Nag-alangan ako na pumasok dahil pakiramdam ko ay hindi ako bagay sa loob. Mukhang mamahalin lahat ng bilihin at ang mga pumapasok pa ay mga sosyal na tinitingnan ako na tila sila nandidiri. “Hey, come in,” pukaw sa akin ni Jam na bumalik pa talaga para ayain ako. Nahihiya na hinakbang ko ang mga paa ko at agad akong pumwesto sa likod ng wheelchair niya para hindi ako maging sentro ng tinginan ng mga tao. “Good day, Mister Esteban.” bati ng lumapit sa amin na mga empleyado yata nitong store.  “I want to close this store for us,” maawtoridad na utos ni Jam na agad namang tinanguan ng babaeng empleyado. “We need to close our shop for emergency purpose. Pasensya na po kung mauudlot ang inyong pamimili sa amin, our dear customer,” dinig kong may nagsalita sa speaker na lalake. “What? Kakapasok ko pa lang, palalabasin na tayo? Nakakabatos naman ang ginagawa n’yo?” galit na reklamo ng ginang sa empleyado. “Ano ba ’yan! Bakit nagbukas pa kayo kung isasara n’yo naman agad. Nakakabwisit, ha!” reklamo naman ng isang babae na sosyal na sosyal ang suot at naka-shades pa kahit wala naman sa arawan. Napatingin ako kay Jam nang paandarin niya ang wheelchair niya. Nagtataka na sinundan ko siya ng tingin at nagulat ako nang lumapit siya sa button na alam ko ay para sa emergency warning. Malakas na tumunog ang alarm na kinataranta ng mga tao. Buong mall yata ang tumunog at napatingin ako sa labas nang magtakbuhan din ang mga tao. Napatingin ako sa mga empleyado rito sa store. Mga nakatayo lang nang helera ang mga ito at kalmado lang na tila balewala ang pagkakagulo ng mga tao. “They’re so annoying.”  Napatingin ako kay Jam na lumapit sa akin at tumingin bago napangiti. “Pumili ka ng matipuhan mong damit. Libre ko,” nakangiti niyang sabi. “Huh?” gulat kong reaksyon. Ginawa lang ba niya iyon dahil gusto niya na makapili ako ng damit nang maayos? Napahalakhak siya at hinawakan ako ulit sa kamay. Pinaandar niya ang wheelchair niya. At dahil hawak niya ako ay napasunod ako. Huminto kami sa mga magagandang dress na mga naka-display at may ilang naka-hanger sa isang metal na sabitan ng mga damit. “Go and assist her,” utos niya sa mga empleyado na agad tumango at lumapit sa akin. “Ma’am, tara po sa loob. Mas maraming magagandang damit doon na mga bagong deliver lang,” nakangiting sabi ng babae kaya nahihiya na napatango na lang ako. Napatingin ako kay Jam na ngumiti at tumango lang din na tila sinesenyasan ako na sumama. Sumama ako sa mga empleyado at dinala nila ako sa isang room na punong-puno ng mannequin na may suot na mga magagandang dress, T-shirt, blouse, at marami pang iba. Tila nagkislapan ang mga mata ko sa iba’t ibang klase ng damit na ang gaganda. Grabe, ngayon lang ako nakakita ng ganito. Pakiramdam ko ay para akong bata na nakakita ng magagandang damit na ngayon ko lang naranasan. “Miss, pwede n’yong isukat lahat ng maibigan n’yo at sabihin n’yo lang sa amin ang mga nais mo,” nakangiting sabi ng babaeng empleyado na kinahiya ko. “Nakakahiya naman. Parang hindi naman bagay sa akin ang mga iyan,” sabi ko. “’Wag ka nang mahiya. Tiyak na may babagay sa ’yong mga damit d’yan,” sabi pa nito. Napabuntonghininga ako at lumapit sa mga damit. Hinawakan ko ang bawat tela ng mga ito na ang lambot at ang sarap hawakan. Isang dress na itim na medyo revealing kaya hindi ko keri. Lumipat ako sa kabilang mannequin at nakita ko ang isang puting T-shirt na may nakaimprintang gold na letrang H. At kapartner no’n ay pantalon kaya napangiti ako at hinawakan ito dahil ang ganda. Ang lambot din ng tela. Ang bango. Tapos tiyak na sukat na sukat sa akin. Tinignan ko ang prize tag at nabitiwan ko iyon dahil sa mahigit na isang libo ang presyo. Napabuka-sara ang bibig ko dahil ang mahal pala no’n. “’Yan na ba ang naibigan n’yo?” tanong ng babae kaya napailing ako at agad na lumapit sa kabila. Napahinga ako nang malalim at tiningnan pa ang iba. Tiyak na mahal din ang mga ito gaya ng presyo ng T-shirt at pantalon. May nakita akong black sleeve dress na may collar na white. Lumapit ako at hinawakan ito dahil simple lang siya pero ang ganda ng pagkakasuot ng mannequin. Hinaplos ko ito dahil nagagandahan ako. Tinignan ko ang prize pero mas mahal pa pala ito. Humarap ako sa babae at umiling dito na kinataka nito. “Ano . . .  wala akong nagustuhan. Labas na ako,” nakangiti kong sabi at tiningnan pa ang dalawang natipuhan ko bago ako tumalikod. Paglabas ko ng room ay hinanap ko si Jam. Nakita ko ito na may kausap na empleyado na tumango at umalis na sa harap niya kaya lumapit ako rito na kinatingin nito. “Ano, may nagustuhan ka ba?” nakangiting tanong niya pero umiling ako na kinataka niya. “Wala. ’Wag mo na akong bilhan, hindi ko type lahat. Ikaw, bakit hindi ka bumili?” sabi ko na nakangiti at iniba ang usapan at binaling ko sa kanya para hindi na niya ako pilitin pa. Tiningnan niya ako . . . tila inaalam kung nagsasabi ba ako ng totoo. Napabuntonghininga siya at tumingin sa babaeng empleyado na lumapit at yumuko dahil may ibinulong si Jam na hindi ko alam kung ano. “Okay po, Señorito. We’ll deliver all of it as soon as possible.” sabi ng babaeng empleyado at yumukod bago umalis sa harap ni Jam. May dalawang lalake naman na empleyado na may bitbit ng paper bag ng store na mga anim na piraso yata iyon. Lumapit naman ang isang bodyguard ni Jam at kinuha sa empleyado iyong mga paper bag. “Let’s go,” aya sa akin ni Jam kaya tumango ako at sumabay sa kanya. Paglabas namin ay tinungo naman namin ang shoe store. Puro mga heels and flat shoes na mga mamahalin ang nakikita ko na mga naka-display.  Napatingin ako sa stelleto na minsan ko nang nakita sa isang barbie show. ’Yong gaya kay Cinderella na glass shoes ba ’yon? Basta iyon.  Nakakatuwa na meron din pala rito. Ang ganda pa.  “Gusto mo ba n’yan?”  Napabaling ako ng tingin kay Jam na nasa tabi ko at nakatingin din sa tinitingnan ko. Umiling agad ako para sabihin na hindi ko gusto. Pero ang totoo ay gusto ko. “Hindi. Hindi ko gusto,” sabi ko sa kanya pero ngumiti siya at sinenyasan ang saleslady na agad kinuha ang glass shoes.  Inabot ng saleslady iyon kay Jam kaya kinuha iyon ni Jam at hinarap niya sa akin ang sarili. Sinikap niya na makayuko at nagulat ako nang hawakan niya ang isa kong binti. Tumingala siya sa akin. “Akin na ang paa mo. Isukat natin kung kasya,” sabi niya. “Naku, ’wag na. Jam, ayoko nga!” sabi ko sa kanya at pinipigilan siya. “Please, just this one,” sabi niya. “Ang ibig kong sabihin ay kahit ito lang ay tanggapin mo,” pakiusap niya. Napatingin ako sa mga mata niya at nahihiya mang tanggapin ay inangat ko ang paa ko nang kaunti. Kinuha niya ang isang glass shoes at sinuot sa akin. Nagkasya iyon kaya binaba niya ang paa ko at sinuot naman ang isa.  Umayos siya ng upo at tumingin sa mga paa ko bago siya tumingin sa akin. “Bagay na bagay sa ’yo, lalo’t ang gaganda ng mga paa mo,” papuring sabi niya kaya pakiramdam ko ay biglang nag-init ang mga pisngi ko. Napayuko ako dahil nahihiya ako habang pinagdidikit ang mga paa ko. “S-salamat . . .” nauutal ko pang sabi kaya natawa siya.  “Welcome. Dapat ganyan. Hindi naman masamang tumanggap ng regalo galing sa akin. Basta alam ko na nasisiyahan ka,” sabi niya. Ngumiti na lang ako at napatango. “Jam, last na ito, ha? Baka sabihin kasi ng iba ay inaabuso kita,” sabi ko sa kanya na kinahalakhak na naman niya at umiling siya. “Hindi mo ako mapipigilan. Kung gusto ko na bigyan kita ng regalo ay gagawin ko pa rin. Basta tanggapin mo na lang at ’wag mo nang isipin pa ang sasabihin ng iba,” sabi niya. “Pero kasi—” “No more buts, Hera. I will not do this if I know that you’re abusing me, but you’re not. I just want to do it, okay?” sabi niya pero nang maunawaan niya na hindi ko naiintindihan ang sinabi niya ay napabuga siya ng hangin kaya napayuko ako. “Basta ’wag mo na lang akong pigilan, okay?” sabi pa niya kaya tumango na lang ako. Ngumiti naman siya at tinawag ang sales lady para ipakahon ang glass shoes. Nagtingin-tingin pa kami at bumili rin siya ng mga damit niya, pabango, at shoes. Pagkatapos ay inaya niya akong kumain at doon pa sa mamahalin. Sinabi ko sa kanya na busog pa ako para hindi na niya ako i-order kasi nakakahiya na talaga sa kanya. Pero ayaw niyang tanggapin ang pagtanggi ko kaya wala na rin akong nagawa dahil um-order na siya para sa akin. “Nagpa-takeout ako para sa mga kapatid mo,” sabi niya at nagpunas ng nguso. “Sobra-sobra na ito, Jam. Nasobrahan ka naman sa kabaitan,” sabi ko sa kanya na ikinangiti niya habang umiinom ng tubig. Binaba niya ang baso at nagulat ako nang hawakan niya ang isang kamay ko na nakapatong sa lamesa. Napatingin ako sa kamay niya at pagkatapos ay sa kanya na gulat na gulat at ilang na ilang din. “Ngayon ko lang ito ginawa, Hera. At dahil ’yon sa ’yo,” sabi niya na hindi ko alam pero agad kong binawi ang kamay ko dahil parang may iba siyang pinapahiwatig. “Anong ibig mong sabihin?” tanong ko pero natawa lang siya at sumandal sa sandalan ng wheelchair niya bago niya ininom muli ang tubig.  Naguguluhan ako kung ano ang mga pinapahiwatig niya. At pakiramdam ko ay dapat akong mangamba doon. Pero winaglit ko na lang iyon sa isip ko dahil baka hindi ko lang talaga siya naiintindihan. Pagkatapos naming kumain ay lumabas na kami ng mall at sabi sa akin ni Jam ay pupunta na kami sa mga kapatid ko kaya nakaramdam ako ng kasiyahan at pananabik. Lulan pa lang kami ng kotse ay hindi na ako mapakali sa sobrang pananabik. Natatawa nga si Jam at napapailing pero hindi ko na pinansin dahil ganito talaga ako kapag mga kapatid ko ang pag-uusapan.  Mga ilang minuto rin ang byahe namin bago ko matanaw ang logo ng ampunan, kaya lalo akong napangiti at hindi na makapaghintay. Nang makapasok ang sasakyan at huminto sa loob ng ampunan ay agad kong binuksan ang pinto at bumaba. Nakita ko na maraming bata ang nasa playground at busy na naglalaro. Napatingin ako sa de-bakal na duyan at nakita ko si Cathy na inuugoy si Louie na tuwang-tuwa kaya napangiti ako at hindi ko mapigilan na mangilid ang luha dahil sa kasiyahan. “Go. Lumapit ka na sa kanila. Tiyak ko na nami-miss ka na nila,” sabi sa akin ni Jam kaya unti-unti na akong humakbang palapit sa mga kapatid ko na hindi pa ako napapansin. “Kamusta na kaya si Ate, Ditse? Nami-miss ko na siya,” dinig kong sabi ni Louie kaya napangiti ako at parang maluluha pa. “Hindi ko rin alam, bunso. Sabi niya tatawag siya agad kapag nakarating siya sa pinuntahan niya. Pero tatlong araw na, wala pa rin. Baka nakalimutan na tayo ni Ate,” malungkot na sabi ni Cathy kaya napailing ako dahil napakamatampuhin talaga nito. “Ano ka ba naman, Cathy. Magagawa ko ba sa inyo ’yon?” sabi ko.  Agad na napalingon ang dalawa at nanlaki ang mga mata nang makita ako. Agad kong inangat ang dalawang kamay ko para ayain sila na mayakap. “Ate!” natutuwa nilang hiyaw sa pangalan ko at nag-unahan sa pagtakbo palapit sa akin. Nang makalapit sila ay agad silang yumakap kaya natawa ako at niyakap din sila nang mahigpit. Grabe. Parang ang tagal ng araw at tila isang taon kaming hindi nagkita-kita. “Ate, buti bumalik ka. Hindi mo na ba kami iiwan?” sabi ni Cathy kaya bumitiw ako ng yakap at hinawakan sila sa balikat saka pinagmasdan. “Sorry, Cathy. Pero hindi pa tayo magkakasama. Pero ngayon naman ay narito ako kaya alam n’yo na hindi ko naman kayo kinalimutan. Sinamahan lang ako ng amo ko kaya tayo nagkita-kita ngayon,” sabi ko sa mga ito. “Sino po siya?” tanong ni Louie kaya naman nakangiti na bumaling ako sa likod ko at nakita ko si Jam na ilang distansya ang layo sa amin. “Siya si Señorito Jam. Siya ang amo ko. Bumati kayo sa kanya at magpasalamat,” tugon ko. Inaya ko sila palapit kay Jam at huminto kami sa harap nito. “Jam, sila ang mga kapatid ko. Si Cathy at Louie,” pakilala ko. “Hi, kiddo. Nagustuhan n’yo ba rito sa ampunan? Mommy ko ang nagmamay-ari nito kaya alam ko na hindi kayo malulungkot dito at masasaktan,” nakangiting sabi niya sa mga kapatid ko. Si Louie ay nagtago sa likod ng hita ko habang nakakapit sa akin at nakatingin kay Jam. “Hello rin po, kuya. Salamat po sa pagpayag kay Ate na dalawin niya po kami. Hindi po namin alam na pupuntahan kami ni Ate ngayon at salamat po dahil sa inyo,” sabi ni Cathy kaya napangiti ako at inakbayan ko siya. “You’re welcome. Anyway, may pasalubong akong food sa inyo. Pwede n’yo nang kainin habang mainit pa,” tugon ni Jam at inutusan ang mga bodyguard. May bitbit na blanket ang isang bodyguard at nagulat ako nang ilapag nito iyon sa madamong lupa. Nilapag naman nito ang takeout ni Jam na pagkain.  “Wow. Bigay n’yo po sa amin ’yan?” natutuwang sabi ni Louie na biglang umalis sa pagtatago sa likod ko kaya tinakpan ko ang bibig niya at nahihiyang natawa. “Pagpasensyahan mo na siya. Hindi kasi sila nakakakita ng ganyang kasarap na pagkain,” sabi ko kay Jam. “It’s okay. Not a big deal,” nakangiting sabi niya at sinenyasan kami na maupo sa blanket. “Maupo na kayo, Kiddo. Para makakain na kayo,” pagpapatuloy niya na agad namang sinunod ng dalawa kaya napailing ako. “Thank you, Señorito,” nakangiti kong sabi kay Jam. “Walang anuman. Pero pag ako naman ang nangailangan, sana ay magawa mo rin sa akin,” sabi niya na hindi ko na naman maunawaan. “Sige, maaasahan mo ako,” tugon ko na lang na ikinangiti naman niya.  “Hera!” Nakarinig ako ng pamilyar na tono kaya napalingon ako. At nakita ko si Chard na may bitbit na plastick na naglalamam ng isang sikat na pagkain sa fastfood chain. Lumapit siya at napatingin kay Jam. Tumingin ako kay Jam ngunit nagtaka ako kung bakit iba ang awra niya. “Hera, pupuntahan mo pala ang mga kapatid mo, bakit hindi mo sinabi sa akin?” may bahid ng pagtatampong tanong ni Chard at humalik sa pisngi ko na parati naman niyang ginagawa tuwing magkikita kami. “Pasensya na. Biglaan lang kasi,” sabi ko sa kanya kaya tumango siya at umakbay sa akin. “Sino naman siya?” tanong niya na pabulong. Kaya tumingin ako kay Jam na nakatingin kay Chard habang napapatiim-bagang. “Chard, siya si Señorito Jam, ang inaalagaan ko. Señorito Jam, siya po si Chard, boyfriend ko,” pagpapakilala ko sa kanila sa isa’t isa.  “It’s nice to meet you, Sir,” sabi ni Chard. Naglahad ng kamay si Chard kaya napatingin ako kay Jam nang matagal niyang tiningnan iyon bago tanggapin. “Yeah. Likewise,” mariing tugon ni Jam. Nakaramdam ako na parang may mali sa kanilang dalawa. Base pa lang sa mga kamay nila na tila naglalabasan ang ugat sa diin ng hawakan nila. Nagbitiw sila at bumaling sa akin si Chard na ngumiti kaya ngumiti rin ako. “Mag-usap tayo, Hera. Tayo lang,” bulong ni Chard. Hindi ko maunawaan kung bakit tila siya naiinis pero tumango na lang ako para makausap din siya at malaman niya ang nangyayari sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD