BUHAY ANG TELEBISYON habang nakaupo ako rito sa sofa at naka-indian seat, ngunit wala naman akong focus sa pinapanood ko dahil lumilipad ang utak ko sa room na nakakubli sa pader na pintong iyon. Hindi ko man nakita nang matagal ay sapat na iyon para kilabutan ako kay Jam. Hindi ko alam kung bakit napakarami kong larawan simula pa lang noong dose anyos ako. Bakit siya may litrato ko na ako mismo ay wala. At ang masama pa ay pati pala noong natutulog ako at naliligo sa banyo ay meron siyang kuhang litrato. Nakarinig ako ng yabag pababa ng hagdan kaya agad akong nahiga at pumikit para magtulug-tulugan. Narinig ko ang malakas niyang pagbuga ng hangin at kaluskos. Namatay ang telebisyon dahil pinatay niya. Ibig kong mapaigtad nang dumampi ang mga kamay niya sa katawan ko. Binuhat niya ako k

