SA unang pagkikita ng mag-lolo ay sumugal ako. Alam kong hindi gugustuhin ni Draco na mahuli kami kaya’t pumayag akong lumipad pabalik ng Pilipinas para makipagkita kay Don Pietro si Pasquale. “We will play, baby Paskie, okay?” Nakangiti kong tanong sa batang mag-iisang taong gulang na noon. Kailangan naming matakot ang lolo ng bata ngunit hindi ko gustong matakot o ma-trauma ang pamangkin ko. Dahil doon, ilang araw pa lang bago ang pag-uwi namin papuntang Pilipinas ay nakaisip na ko ng plano. I made him laugh using a string of rope. Ang isang lubid na hindi masasaktan ang balat niya kahit mapadikit ito. Ang lubid na ‘yon ang gagamitin ko sa pagkukunwaring sasaktan ko si Pasquale. May toy gun din kaming laruan na dalawa para hindi siya matakot sa baril na dagdag panakot ko sa lolo

