Chapter 1
Mia
"Aray po tita! nasasaktan po ako!." Pagmamakaawa ko sa aking tita na walang habas ako nitong pinagsasampal at hila hila nito ang mahaba Kong buhok.
"Alam mo Mia masasaktan ka talaga sa akin kapag Hindi mo ininggreso lahat ang sahod mo!" hila hila parin nito ang aking buhok
"Wala na po akong pang allowance sa pagpasok sa palengke" Turan ko habang umiiyak at nagmamakaawa sa aking tita.
Mula nang maulila ako'y si tita Lourdes na ang naging pangalawang ina ko.Namatay si inay noong sampung taon ako.Kaya Simula noo'y naging miserable na ang buhay ko.Sa murang edad ko ay nakikipaglabada ako at naglalako sa palengke.Pinapaaral ko rin ang aking sarili kahit walang baon ay masigasig parin akong pumapasok sa eskwelahan.Gusto Kong makapagtapos kahit na gaano kahirap ang buhay.Lagi akong sinasaktan ni tita kapag kulang ang iniinggreso Kong pera.Ang asawa naman nito'y laging lango sa alak.May apat itong anak na pawang maliliit pa.Naawa ako sa mga ito kung kaya't kapagay sumobra sa aking sahod agad ko silang ipinagbibilin ng mga paborito nilang pagkain.Tanging pagtatricycle driver ang hanap buhay ng asawa ni Tita Lourdes kung susumahin hindi talaga sumasapat ang kinikita nito idagdag mo pa ang bisyo nito.
Ngayong araw walang ininggreso ang asawa nito Kaya mainit ang ulo ni tita.Saktong sahod ko ang gusto nito kunin ang lahat.Paano naman ang allowance ko sa pang araw araw.
"Wala akong pakialam Mia kung gusto mo magbenta ka ng laman ng makabawi bawi naman ako sa pagpapalaki sayo!" Mataray na utas nito...
Parang gusto Kong matawa sa tita ko Dahil sa tinuran nito.Lagi nitong isinusumbat ang pagpapalaki at pagpapakain sa akin samantalang MA's malaki pa ata ang ambag ko rito kaysa sa asawa nito.
"Ano natahimik ka dyan?!" utas nito
kinuha ko ang limang daan sa aking bulsa at ibinigay ito sa kanya.Masayang masaya na ito Dahil may puhunan na naman ito sa sugal bukas.Naawa lang ako sa mga pinsan ko Dahil kapag talo na naman ito'y siguradong gutom ang abot ng mga ito.
"ibibigay mo rin pala gusto mo pang masaktan!". Mapang uyam na sambit nito.
Hindi ko nalang ito pinansin bagkus dire diretso na lamang ako sa aking kwarto.At doon umiyak na umiyak,nagdasal sa Diyos na bigyan PA ako ng lakas ng loob upang harapin ang lahat ng pagsubok.
Pagkatapos kung maglinis ng aking katawan ay kaagad na akong nagbihis ng pantulog,at akoy dinalaw na ng antok.Nagising ako na parang may mabigat na nakadagan sa akin.Pagmulat ko ng aking mga mata'y ang Tito ko na lango sa alak ang aking nabungaran.Wala na itong pang itaas at kitang kita ko ang pagnanasa sa kanyang mga mata.Dali dali akong kumilos ngunit MA's malakas ito.
" Mia pagbigyan mo na ako isang beses lang naman eh!" Pagpupumilit ng aking Tito.
"Tito maawa po kayo sa akin!" hikbing pagmamakaawa ko.
Tinakpan nito ang aking bibig upang Hindi ako lumikha ng ingay.Baka raw magising ang tita ko na natutulog lang sa kabilang kwarto.
Sinimulan nitong halikan ang aking leeg.Ngunit pilit parin akong ngpupumiglas,dasal nalang ang tanging sandata ko sa oras na ito.Naalala ko iyong napanood Kong teleserye ganitong ganito rin ang eksena.
Tumigil ako sa pagpupumiglas upang Hindi rin nito higpitan ang pagkakahawak sa akin.Mukhang Wala itong kamalay Malay sa aking gagawin.
"Sabi ko na eh bibigay ka din Mia!" Manyak nitong sambit
Walang ano anoy sinipa ko ang kanyang pagka****ki Sabay kumaripas ng takbo.Rinig ko pa ang impit na pagsigaw ng hinayupak Kong Tito.Na Agad dinaluhan ng demonyo Kong tita.Takbo lang ako ng takbo Hanggang sa marating ko ang bahay ng aking kaibigan na si Trixie .
Kumatok ako sa kanilang pinto at kaagad naman akong pinagbuksan ng mama nito.
" Oh hija! ba't hinihingal ka!" Tanong ng mama ni Trixie
Agad ko rin nabungaran ang aking kaibigan na nakabihis ng panglakad.
"Mia anong nangyari sayo?!." May pag aalalang Tanong nito sa akin
"Si Tito kasi muntik na nya akong gahasahin!" Pagpapaliwanag ko habang walang humpay ang pagbuhos ng aking mga luha.
Niyakap ako nito ng mahigpit ng mahigpit na mahigpit.
"Sabi ko na kasi sayo umalis ka na roon di na makatao ang trato Nila sayo!" Paninermon nito sa akin.
"Naawa ako sa mga pinsan ko ang liliit pa nila" Hikbing Kong sambit habang yakap yakap ang aking kaibigan.
"Inisip mo pa yun,isipin mo naman ang sarili mo dekada na ang sinakripisyo mo sa kanila!". Mahabang paliwanag nito
Tama naman talaga ito.Sa totoo lang talaga matagal na nya akong hinihikayat umalis sa bahay ng tita ko at lumipat nalang sa kanilang bahay kaso nahihiya ako sa kanila.
"Kung gusto mo sumama ka nalang sa akin sa Manila.Maraming uportunidad roon may pagawaan roon ng sapatos at humahanap sila ng maraming aplikante." Panghihikayat nito sa akin
Napatingin ako rito ,kitang kita Ko kung Paano ang panghihikayat nito sa akin base sa ekspresyon ng kanyang mukha.
"Sige sasama ako sayo!" Buong kumpyansa Kong sambit.
Ito na siguro ang tunay na pagbabago sa aking buhay.Ngayon,uunahin ko naman ang sarili ko.Magpapakatatag kahit anumang pagsubok ,susuungin ang lahat makamit lang ang tunay tagumpay.
Kaya Mia keep fighting!..