Mia
Nagising ako sa pagyugyug ni Trixie sa aking balikat.Kinusot kusot ko pa ang namumugto Kong mga mata.Napamulat Dahil narito na pala kami sa syudad ng Maynila.Maraming matatayog na gusali ang nakikita at maiingay na sasakyan ang aking nabungaran.Matataas at matatayog na billboard na puro muka ng mga artista ang makikita.Ito na ang Manila,dito ko na sisimulan ang panibagong yugto ng buhay ko.
"Anong best friend bababa na ba tayo o tutunganga lang dito?" Mataray na pag aya ng aking kaibigan na si Trixie
"Oo na ito na po oh! nanginginig pa"! Punong sarkasmo Kong sambit.
" Sya nga pala Saan tayo tutuloy nyan?" Tanong ko rito
"May bahay Ang tita ko rito kapatid ni mama,wag kang mag alala mabait yun saka Wala pang pamilya.Mag isa lang din yun". Mahabang paliwanag nito.
Sumakay na kami taxi upang Wala kaming kaligaw ligaw rito.Sinabi namin sa manong driver ang exact location ng lugar.Agad rin kaming nakarating sa bahay ng tita ni Trixie. Maganda ang bahay nito 'di man ito malaki 'di rin ito maliit.
Pagkababa namin sa Taxi ay agad tinawagan ni Trixie ang kanyang tita upang malaman nitong nasa harap na kami ng kanyang bahay.
" Hay buti at narito na kayo?!kanina ko pa kayo hinihintay Dahil ang mama mo napakakulit,tinatanong kung nakararating na ba kayo!" Puno ng pagaalalang wika ng tita ni Trixie.
"Pasensya na po tita Liza masyado lang pong traffic". Paglalambing ni Trixie habang nakapatong ang kanyang ulo sa balikat ng kanyang tita.
" hmmm..Naku naman naglalambing naman tong paborito Kong pamangkin".Masayang turan ni tita Liza habang hawak nito ang mga pisngi Trixie.
Ang saya lang nilang tignan,biglang nakaramdam ako ng kirot sa aking puso.Naalala ko tuloy ang aking tita kumusta na kaya sila.
"Tara !pasok na tayo at nang makakain narin kayo ng pananghalian" Anyaya ni Tita Liza
Napakabait nito sa amin,ipinagsandok pa kami nito.At pinakilala namin ang isa't isa.Naikwento nga rin nito ang isang pabrika na pagawaan ng sapatos ,ayon sa kaibigan nitong guard ay nangangailangan raw sila ng maraming aplikante.Kung kaya't napagdisyunan naming mag apply kinabukasan.
"Sana nga po makuha kami tita" Wika ni Trixie sa kanyang tita
" Syempre naman,'wag kayong magisip ng negative! Alam kung makukuha kayo roon" buong kumpyansang wika ni tita Liza
Tama si Tita Liza dapat 'wag kaming panghinaan ng loob.Natapos na kaming kumain kaya't iginaya kami ni Tita Liza sa aming silid ni Trixie upang makapag pahinga narin dahil sa haba ng aming binyahe.
"Bestie! ito na tunay na pagbabago para sa atin,ready kana ba?" Ngiting tinignan ako ng aking kaibigan habang magkatabi kaming nakahiga.
"Oo naman Bestie" .Ngiti kung turan
Marami pa kaming napag usapan tungkol sa aming mga pangarap.Hanggat tuluyan na kaming dinala ng antok.
*******
"Trixie! Mia! gising na kayo at may lakad pa kayo". Turan ni Tita Liza sabay katok sa pinto.
Gumising kaming papungas-pungas ng aming mga mata.Sabay narin kaming nag inat.Agad narin naming iniligpit ang aming pinaghigaan.Ito na ang araw na mag papabago sa akin at Kay Trixie sana ngay palarin kami.
" Ito na po tita palabas na ho kami" Wika ni Trixie habang isinusuot nito ang sapin sa paa
Pagkatapos kaming makaligo at makapagbihis,kumain narin kami ng agahan upang may lakas kami mamaya.
Nang matapos kami ay kaagad naman kaming nagpaalam Kay tita Liza upang tumungo na sa aming paruroanan.
"Galingan nyo ha! 'wag kayong uuwi ng Hindi kayo nakukuha" Pabirong turan ni tita Liza.Nagkatawanan na lamang kmi habang palabas ng gate.
"Si tita talaga puro kalokohan" Pailing iling na wika ni Trixie
Kaagad naming tinungo ang pabrika kung saan tumatanggap raw ng maraming aplikante.Pagdating namin roon ay marami naring tao na tiyak kung katulad naming aplikante.Parang kinabahan ako lalo't first time kung gawin Ito.Hinawakan ni Trixie ang aking mga kamay na sa tingin ko'y nararamdaman rin nito kung anong nararamdaman ko.Dahil doon ay nagkaroon ako ng pag asa at lakas ng loob.
Isa isa ng tinawag ang mga katulad namin aplikante upang suma ilalim sa isang interview.Lalong lumakas ang pagtambol ng aking puso ng palapit na palapit na kami.At nang matawag na ang aking pangalan ay kaagad na akong pumunta.Sa una ay kabado ako,dahil sa mabait naman iyong nag i-interview kung kaya't nasagot ko naman ng maayos ang kanyang mga tanong.
Nang matapos ang mahabang interview sa amin.Isa isa naring tinawag ang mga pasado.Kung anong kaba ko kanina dumoble naman ata ngayon.Tinignan ako ni Trixie na nakukuha kung anong ibig Kong sabihin tinignan nya ako na nagsasabing okay lang kahit 'di matanggap.
Nang matawag ang aming pangalan ay sabay kaming tumayo at may ngiti sa aming mga labi.Ipinaliwanag ng HR na alas siyete ng umaga dapat ay narito na kami.Ipinaliwanag rin nito ang rules and regulation ng kompanya.Pagkatapos ng aming orientation ay kaagad narin kaming umuwi.
Pagkarating namin sa bahay ay agad rin naming ipinaalam ang magandang balita Kay tita Liza.
"Sabi ko na eh!makukuha kayo roon dahil magaganda kayo" Wika ni tita Liza na masayang masaya para sa amin
"Tita namin eh! 'di naman po pagandahan roon,pagawaan po ng sapatos yun!" pagpapaliwanag ni Trixie sa kanyang tita.
"ah, Hindi ba!" Patay malisyang turan ni tita Liza .Nagkatawananan na lamang kaming tatlo.
"Puro po kayo kalokohan tita"Pagtatampong turan ni Trixie.
Maya Maya lamang ay tumunog ang cellphone ni Tiya Liza isang videocall mula sa kanyang nobyong banyaga.Kaagad naman itong nagpaalam saglit sa amin upang sagutin ang kanyang tawag.
" Bestie! ang saya ko talaga ngayon dahil Ito na ang umpisa ng pagbabago sa ating buhay" Wika nito habang nangangarap.
"Oo nga Bestie kaya keep fighting na lang tayo!" Ngiting turan ko habang hawak ko ang kamay nitong NASA ibabaw ng lamesa.
Ito na ang stepping stone,para kapag nakapag ipon ako'y ipagpapatuloy ko parin ang aking pag aaral.Dito ko na nga ba mahahanap ang tunay na ako?.Mababago ba ng lugar na ito ang buhay ko?