Chapter 3
Naging Maganda ang unang araw namin sa trabaho ni Trixie. Kahit kabado ay sinikap parin naming gawin ang best namin.Si Trixie ay nahanay sa cutting department at ako na ma'y sa upper department. Kaya naman Hindi Na kami gaanong nagkikita,kahit sa schedule ng break time at uwiaan.Sa bahay na lamang kami nagkikita,Kahit pagod na ay sinisikap parin naming kumustahin ang isa't isa.
Lumipas ang mga buwan ay lalong Hindi Na kami masyadong nagkakausap ni Trixie dahil sa lagi kaming over time,pag uwi ko ay tulog na ito.Sa Tuwing day off na lang kami nagkakausap,kung kaya sinusulit naman namin ito.Nililibot namin ang buong syudad at kakain sa mga fast food restaurant na Hindi namin naranasan noong nasa probinsya pa lamang kami.May nobyo narin si Trixie kaya't maski sa day off namin ay may kaagaw narin ako sa kanya.Sa ngayon ayuko munang mag nobyo dahil naka fucos ako sa goal ko. Yun ay mag ipon upang makabalik muli sa pag aaral.Kahit pa marami rami ring nagpapahayag ng damdamin sa akin ay ipinagsasawalang bahala ko na lamang ang mga ito.Kasalukuyan kaming nasa sinehan kasama ko sina Trixie at ang nobyo nitong si Dan.Ewan ko ba sa dalawang ito at sinama sama pa ako ,nagmumukha tuloy akong third wheel.
Hindi ko maiwasang kiligin sa pinapanood namin ng mapatingin ako sa dalawang katabi ko, na wala ng ginawa kung Hindi maghalikan sa buong palabas ng pelikula.Wala pala silang time manood sana nag Motel na lamang ang mga ito,ako pa tuloy ang kinikilabutan sa mga ito.Itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa panood hanggang matapos ito.Natapos naring magtukaan ang dalawa.Paglabas namin ay makikita sa dalawa Ang saya.
"Bestie ang ganda ng pelikula ano nakakakilig" Sambit ni Trixie habang kami naglalakad at hawak kamay silang dalawa ng kanyang nobyo.
"Oo nga eh,nakakakilig" Turan ko rito kahit kinikilabutan ako sa pinaggagawa nila sa loob.Halos maglapaan na sila ng mukha.
" Oh,ba't parang Hindi ka naman kinilig sa pinanood natin?" Tanong nito sa akin habang nakasimangot.
"Eh,paano naman kasi natakot ako sa pinaggagawa nyo sa loob baka may makakita sa inyo". Sagot ko rito.
Namula ang pisngi nito at ang nobyo naman nito ay napailing na lamang.Naglibot libot muna kami sa Mall bago kumain sa isang sikat na fast food restaurant. Ang nobyo ni Trixie ang nagpresintang umorder total naman ay sya itong magbabayad.Kami naman itong naghanap ng mauupuan namin.
" Bestie sorry kanina ha?".Sambit nito habang hinahaplos ang mga kamay ko na nakapatong sa lamesa.
"Okay lang yun basta iyon ang ikakasaya mo walang problema sa akin." Turan ko rito na may ngiti sa mga labi.
"Salamat Bestie,'wag kang mag alalala Hindi Na mauulit". Turan nito sa akin.
" Basta Bestie ganun lang muna. Wag nyo munang gawin yung ginagawa ng mag asawa alam mo na..Mahirap ang buhay ngayon Bestie". Pangaral ko rito habang magkahawak ang aming kamay.
"Oo Bestie promise". Sambit nito na nakaangat ang kanyang kanang kamay sa ere senyales na nanunumpa ito.
Nagyakapan kami na may ngiti sa aming mga labi,para kaming temang sa pinaggagawa namin.Natapos lang ang aming pagyayakapan ng may tumikhim sa aming likuran nariyan na pala ang kanyang nobyo dala Ang kanyang mga inorder para amin.Nagsimula narin kumain at nang kami matapos ay napasya na kaming umuwi para magpahinga,dahil trabaho na naman kinabukasan.
"Bestie may bisita raw tayo bukas isa raw sa investors ng kompanya." Sambit nito habang nakahiga ang nakatingin sa akin.
"Oo nga raw, kaya inabisuhan kami ng team leader naming maaga pumasok para makapaglinis sa bawat pwesto at aralin ang mga sop,kung sakaling tanungin kami ng bisita" . Sagot ko rito habang kinukumutan ang aking sarili.
"Oh sya Sige na matulog na tayo".
Pag aya nito sa akin.
Tumango lang ako at sinimulang ipikit ang aking mga mata.Hanggang dalawin narin ako ng antok.Nagising ako sa pagtunog ng alarm kahit inaantok pa ay pinilit ko lamang tumayo upang magtungo sa banyo at maligo.Pagkatapos Kong maligo ay sumunod narin si Trixie.Ganito ang senaryo naming dalawa tuwing umaga para kaming mga zombies.
Nang matapos na kami sa aming daily routine ay nagpaalam narin kami sa Tita ni Trixie na busy sa pagdidilig ng kanyang mga halaman.
Nang makarating na kami sa aming pinagtatrabahuan ay Kaagad rin kaming nag paalam sa isa't isa dahil medyo malayo ang kanyang departamento.Nagtungo naman ako sa aking pwesto at na datnan ko pa ang aking mga kaibigan na sina Joana at Mitch.
" Fren buti maaga ka, Tara maglinis na tayo,may bisita raw". Pag aya nila sa akin .
Nag umpisa na kaming maglinis sa aming kanya kanyang pwesto.Inayos ko narin ang glue na aking gagamitin, ako kasi ang nakaassign sa paglalagay nito.Medyo mabaho lang dahil sa mga kemikal na nakahalo rito upang MA's madikit ang sapatos.
Nagtipon muna kami para magmeeting upang malaman namin ang dapat gawin Pagdating ng mga bisita.Nang matapos, ay Kaagad na kaming Nagsimula sa aming pagtatrabaho.
Pagpatak ng alas Diyes ay nagsidatingan na ang mga bisita.Aligaga ang lahat ng mga supervisor at team leader sa Pagdating nila.Kami rin ay kinakabahan na baka sa mismong linya namin sila maglibot kahit pa handa naman kami sa posibilidad na mangyari ito.
Dumating nga ang aking di inaasahang mangyari sa mismong linya namin sila naglibot.Sa dinamirami ng linyang kanilang papasukan sa amin pa talaga Na tapat.Nagsimula silang naglakad papunta sa amin sinusuri ang bawat proseso sa paggawa ng sapatos.Ramdam ko ang kaba sa aking mga kasama kahit pa medyo malalayo ang aming espasyo.Nakakatense naman talaga lalo na kapag binabantayan ka habang nagtatrabaho.
Nang magawi sila sa aking pwesto ay sinikap Kong gawin ang best ko upang magawan ko ng tama Ang aking trabaho.Kapag minamalas ka nga naman ay nagtagal pa sila sa mismong pwesto ko.Feeling ko lalagnatin ako at buti butil narin ang pawis ko.Ramdam ko ang panginginig narin ng kamay ko Ngunit sinikap ko parin paglabanan ito.Nang makaalis sila pwesto ko ay saka lamang ako nakahing ng maluwag.
Nagulat na lamang ako ng balikan ulit ako ng isa sa mga bisita.Sinusuri ako nito pataas pababa.Naguguluhan ako sa inaasta ng Ginang na isa sa aming mga bisita.Na bigla ako ng bigla ako nitong yakapin ng mahigpit.Nabitawan ko pa tuloy ang hawak Kong plastic bottle na naglalaman ng glue.Ramdam ko ang paggalaw ng likod nito at rinig ko ang impit Na pag iyak nito.Ako naman itong naguguluhan sa pangyayari kung kaya't napayakap narin ako rito.
Dinaluhan narin kami ng ibang mga bisita,maging ang mga katrabaho ko'y nagulat rin sa pangyayari.
" Hon Anong nangyari?" Tanong ng isa sa mga bisita.
"Hon I found her" Sagot ng Ginang na may luha parin na namumutawi sa kanyang mga mata.
Pinasadahan ako ng Asawa ng Ginang mula ulo hanggang paa.Titig na titig ito sa akin na sinusuri ang aking kabuoan.Nagulat ako ng bigla ako nito yakapin.Laglag ang panga ko at feeling ko nawalan ako sa tamang katinuan sa lahat ng mga pangyayari 'di masyadong ma absorb ng isip ko ang lahat ng Ito.Natulala ako habang nakatingin sa kanilang dalawa.Pati sarili kung dila ang tinraydor ako dahil wala ni isang salita ang lumalabas mula rito.Ano ba itong nangyayari? Parang ang gulo? Ang bilis?
Kanina lamang ay naghahanda kami para sa mga bisita.Ano po bang nangyayari Panginoon naguguluhan po ako.At ito pa.. napapaisip pa ako sa sinabi ng Ginang na I found her sino kaya tinutukoy nya? ako ba? Bakit ako? eh ni Hindi ko nga sila kilala? May atraso ba ako sa kanila? Gosh Mia ang gulo na!.Nabalik lang ako sa reyalidad ng marinig kung magsalita ang Ginang at niyakap akong muli ,Na nagpayanig Sa akin.
"I'm so sorry Anak". Sambit ng Ginang habang yakap yakap ako
Hindi kayang iproseso ng utak ko ang sinabi nya. Anak.