Chapter 4

1371 Words
Chapter 4 Naging mabilis ang mga pangyayari Kahit sina Trixie at Tita Liza ay Hindi rin makapaniwala sa mga nangyari.Sinamahan kasi Ako ng mga ito upang kunin ang aking mga gamit sa bahay ni Tita Liza.Nalaman Kong sila pala ang tunay Kong mga magulang si Daddy Dennis At Mommy Claire.Nang tanungin ko kung bakit ako napalayo sa kanila ay di sila na g dalawang isip ikwento ang lahat.Napag alaman Kong may inggit ang kapatid ng Daddy Kong si Tita Veronica kung kaya't pinalabas nyang Patay na ako ng isilang ako ni mommy.Saktong may sanggol na wala ng buhay Ang nakuha mula sa ospita kung saan nanganak si mommy.At ang itinuturing Kong Tita ay isa sa mga katulong ni mommy na binayaran ni Tita Veronica pa para ilayo ako.Ngunit sabi nga nila walang lihim ang Hindi nabubunyag.Kaya ang itinuring Kong Tita ang nagsabi kila mommy at Daddy na buhay pa nga ako at sya rin ang nagsiwalat kung sino ang may pakana ng lahat.Kung kaya't sila Mommy at Daddy ay Hindi nagdalawang isip na ipakulong ang sarili nitong kapatid.At Kaagad rin ako nitong ipinahanap.Nahirapan sila sa paghahanap sa akin dahil wala rin naman alam si Tita kung saan ako nagtungo,Hindi rin nito kilala ang pamilya ni Trixie kaya wala silang lead para mahanap ako.Lubos raw ang paghingi ng tawad ni Tita kila Daddy,dala ng konsensya kaya siniwalat na nya ang katotohanan.Medyo na tagalan lang dahil sa pananakot raw ni Tita Veronica rito.Naiintindihan naman iyon nila Daddy bagkus ay binigyan pa sya ng pang negosyo upang buhayin ang mga anak nito.Kahit may hinanakit sila Mommy at Daddy ay ipinagsawalang bahala na nila ang lahat.Ang mahalaga raw ay natagpuan na nila Ako at pupunuan nila ang panahong nasayang. Niyakap ko ang aking matalik na kaibigan na tumulong sa akin upang takasan ang masalimuot kung buhay.Binigyan rin sila ng parents ko ng negosyo malapit sa palengke isa itong may kalakihang grocery store na nakasentro sa bayan.Katulong rin nila ang nobyo nitong si Dan.Labis ang pasasalamat nila sa akin at sa mga parents ko.Kung tutuusin ko lang pa nga ito sa lahat ng itinulong nila sa akin.Nang matapos na ang lahat ay Kaagad na kaming umuwi sa kanilang bahay. Pagpasok palang namin sa isang magarang gate ay tanaw ko na ang kanilang bahay na nagsusumigaw sa yaman.Isa itong palasyo na may fountain sa gitna.Hindi ko man maaninag ang buong kabuoan ng paligid dahil rin sa madilim na ay nagsusumigaw sa ganda Ang mga halaman na nakapalibot rito.Halatang alagang alaga ng isang hardenero ang bawat makikitang halaman mula rito. Nang buksan ng isa sa kasambahay ang pinto na yari sa mamahaling kahoy ay matatanaw ang marangyang pamumuhay rito.Kaagad rin kaming lumabas mula sa sasakyan.Inalalayan ako ni Mommy sa paglalakad animo'y para akong paslit na baka mawala.Noong una nailang ako sa pagtawag sa kanila ng mommy at Daddy ng kalaunay nasanay narin ako. Pagpasok namin sa pinto ay bumungad sa amin ang mga anim Na kasambahay at isang matandang babae sa pagkakaalam ko ay ito ang Mayordoma rito.Sabay sabay nila kaming binati ng Magandang gabi sabay ang kanilang pagyuko.Nilinot ko ang buong kabuoan ng mansyon.Mayroon itong magagandang chandelier, mga naglalakihang paintings, mga mamahaling jars Na nagsusumigaw sa karangyaan Na pamumuhay.May mahabang hagdan Na makikita ko lamang sa mga Fairytales Na bumababa ang mga prinsesa tuwing may pagtitipon.Naaliw ako sa aking mga nakikita.Grabe sa isang iglap ganito ang magiging kapalaran ko.Naagaw lamang ng atensyon ko ang pagbaba ng isang magandang dalaga Na may hanggang balikat ang buhok,singkit Na mga mata,matangos Na ilong,manipis Na labi at may mala porselanang kutis.Ang ganda ng suot nitong dress Na kulay gold Na hanggang tuhod,nakasuot ito ng stilleto sa tantya ko nasa 7 inch ang haba ng heels nito.Pagbaba nito'y pinasadahan Agad ako ng tingin. "Who is she mom?". Mataray na Tanong nito kay mommy. " Rosette this is Mia your sister and Mia ito ang ate mong si Rosette sana ay magkasundo kayong dalawa mga anak". Malambing na turan ni mommy na mga ngiti sa mga labi. Kaagad ko itong niyakap ng mahigpit,Ramdam ko ang pagkagulat nito. Hindi man nito tinugon ang pagyakap ko sa kanya ay ipinagsawalang bahala ko na lamang ang mahalaga ay magkapatid kami. Nagtungo kami sa dining area kung saan nakahanda ang aming magiging hapunan.Makikita sa mahabang lamesa ang napakaraming masasarap na pagkain.Apat lang kaming kakain Ngunit parang pyesta ang mga nakahain. "Mommy bakit ang dami pong handa,Hindi naman po siguro natin ito mauubos hindi po ba?". Tanong ko kay mommy habang nakatingin sa kabuoan lamesang punong puno ng pagkain. " Hija were celebrating,it because finally we found you". Masiglang turan ni mommy. "Sayang naman po kasi Kong Hindi natin ito mauubos lahat,bakit hindi po natin yayaing kumain ang lahat ng mga kasambahay rito mommy". Suhestyon ko rito. Nagkatinginan sina mommy at daddy,kaagad rin naman silang Tumango bilang pagpayag sa suhestyon ko.Kita ko ang dis gusto sa mukha ni ate.Kaagad ipinatawag ni mommy ang lahat ng mga kasambahay at mga driver.Masaya ang lahat habang kumakain.Nagtatawanan dahil si Mang Bert ang galing magpatawa.Sina Daddy at mommy ay makikita ang kagalakan sa mga nangyayari. " Excuse me,I'm done. I need to go to my room". Pagpapaalam ni ate,kaagad rin itong tumayo at nagtungo paakyat sa kanyang kwarto. Napatingin ako kila Dad at Mommy,tinignan nila Ako na may ngiti sa mga labi. "Don't worry about your sister, hindi lang sya sanay na kasama sila sa hapag." Pagpapaliwanag ni Mommy pagkatapos naming kumain. "Pasensya na po mommy,ayuko lang pong may masayang sa mga pagkain eh.'wag po kayong mag alala hindi na po mauulit" Sambit ko rito. "Anak,I'm glad na napakabuti mong bata, don't worry magmula ngayon hahatiin nalang natin iyong kaya lang nating kainin ang ihahanda sa hapag para ibigay sa kanila yung Iba okay ba saiyo yun?.Intindihin mo nalang ang ate mo." Turan nito sa akin habang hinahaplos ang aking pisngi. "Hon napaenroll ko na si Mia sa online class,she will start tomorrow." Pag abiso ni Dad kay mom " Hija mag aaral ka ulit,we choose online class for you.For your safety purposes alam mo naman ayuko ng maulit pa ang lahat ng nangyari.You will taking up Business management dahil ikaw ang magpapatakbo na kompanya natin in the near future". Pagpapaliwanag ni mommy sa akin. Tumango na lamang ako bilang pagtugon.Tatanungin ko sana kung bakit ako ang magpapatakbo bakit hindi si ate tutal sya itong nakagraduate na.Naikwento ni Mommy kanina lang na ahead si ate ng limang taon sa akin at gumraduate sa kursong Business management. Bakit hindi nalang sya ang magpatakbo? Kaya ko yang magpatakbo ng isang kumpanya in the near future eh samantalang pagglue lang ng sapatos ang alam ko.Dibale mapagaaralan yan Mia.Keep fighting! Sinamahan ako ni mommy papunta sa aking silid.Napakaganda nito dahil sa kulay na paboritong paborito ko.Kulay peach ang kabuoan ng kwarto Pagdating sa kurtina,sa bedsheet, lahat lahat ng makikita mo ritoy peach lahat.Gosh! dream come true ko ito. "Do you like it" Sambit ni mommy mula sa aking likuran. "Yes po mommy,ang ganda po.Ito po ang pangarap Kong kwarto ganitong ganitong kulay". Masayang Sagot ko habang nakaupo sa kama habang at ninanamnam ang malambot na kama. " Thanks to your Tita dahil sya ang nagsuggest nyan sa akin.Dahil iyan raw ang kulay ng kwarto mo sa probinsya.". Masayang Sambit ni mommy. Sa tuwa ko'y niyakap ko ito ng mahigpit na mahigpit. " I never thought that this will be happen.Its my Dream come true as well,anak". Mangiyak ngiyak na turan ni mommy habang mahigpit ang pagkakayakap nito sa akin. "Mahal ko po kayo ni daddy,mommy ganoon din po kay ate." Sambit ko habang yakap kay mommy. "Okay let's stop this drama,you need to sleep,may klase ka pa bukas". Pagkalas ni mommy sa pagkakayakap ko sa kanya. Kaagad Inayos ni mommy ang higaan ko,Pagkatapos Kong magpalit ay humiga narin ako at kinumutan ako ni Mommy. " Mommy pwede po ba kayong matulog dito sa tabi ko kahit samahan nyo lang po hanggang makaidlip po ako bago kayo bumalik sa kwarto nyo ni daddy" Paglalambing ko rito.Siguro ngay ngayon ko lang naramdaman ang pagkalinga ng isang INA kaya hinahanap hanap ko ito. Tumango naman si mommy at kaagad ako nitong tinabihan.Nagyakapan pa kami hanggang sa dalawin na ako ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD