Chapter 5

1110 Words
Chapter 5 Nag umpisa na ang aking online class Noong una ay nahirapan ako,kalaunay naka sunod rin.Ang hirap maghabol sa klase.Pagkagraduate ko ritoy mga dalawampu't dalawang taon na ako nun.Medyo may katagalan pa pero atleast makakapagtapos narin ako.Sinikap Kong aralin ang lahat ng mga subjects ko,maging sa major na hirap ako. Sinimulan narin akong turuan kung paano kumilos tuwing pagtitipon.Nag hired sila mommy, upang maturuan ako sa lahat ng bagay.Pagdating sa paglalakad ng nakaheels,mga dapat gamitin tuwing kakain,manners,etiquettes, and etc.Noong una'y hirap ako kahit nga gumamit ng tinidor at kutsara,na sanay kasi akong kumakain ng nakakamay.Maski sa paglalakad ng nakaheels ay hirap ako kada araw limang beses akong natatapilok,minsan nga ang ingay pa ng paglakad ko.Napapailing nalang Si Ms.A sa akin,dahil araw araw palpak.Kahit napaka estrikta nya ay may konsiderasyon rin ito.Pinagpapahinga ako nito tuwing pagod na ako.Hanggang sa maging close ko narin Ito day by day. Tinuturuan rin ako nito kung paano ang proper pronunciation tuwing magsasalita ako ng English.Kahit papaano',y may natutunan narin ako.Pinagsasabay ko ang lahat academics, proper etiquettes, at pagtugtug ng piano. Lumipas ang dalawang taon Ngayon ay Third year na ako,lalong pahirap ng pahirap ng mga ginagawa ko Simula sa thesis, reports,demo and etc.Puyat na puyat na ako sa lahat pero kinakaya ko parin para sa goal ko. Nagpapasalamat rin ako kay Ms.A sa walang sawang pagsuporta nito sa aking natuto akong maglakad ng elegante,manamit,kumain at lahat lahat.Ang dami Kong natutunan sa kanya.I'm blessed to be her one of her friend.Nasasabihan ko narin sya ng sama ng loob ko,Ewan ko parang nakikita ko sa kanya ang best friend Kong si Trixie. Maganda narin ang buhay nya ngayon dahil napalago nila ang negosyong ibinigay nila Dad.Kasal narin Ito kay Dan at buntis na Ito ngayon.Lagi ko itong kinukumusta Kong okay lang ba ang inaanak Kong nasa sinapupunan pa lamang nya.Masaya ako para sa kanya dahil nakamit nya ang happiness na deserved nya. Kasalukuyan kaming nasa hapag at kumakain ng hapunan. "Hija how's your study?" Tanong ni dad habang sumusubo ng steak.Simula nang sinabihan ko sila mom na wag sobra sobra ang ihain.Ay saktong pang apat katao lagi ang nakahain.Noong una'y ayaw ni ate kaya hindi ito umuuwi at naglalagi Ito sa kanyang condo.Kaya't wala kaming bonding as sisters.Parang gumagawa sya ng boundaries kapag nirereach out ko sya. "Dad okay lang po medyo mahirap pero kakayanin ko po". Sagot ko habang hinihiwa ang steak. " That's good Hija, I heard matalik na raw kayong mag kaibigan ni Athena?". Turan ni mommy na may ngiti sa mga labi. Athena ang totoong pangalan ni Ms A. "Is that so?,I thought hindi nakikipagkaibigan si Athena sa kung sino lang?" Sarkasmong turan ni ate,habang sumisimsim ng wine. "Ewan ko,siguro magaan lang ang loob nya sa akin." Sagot ko rito. "Please stop this conversation ,kumain na kayo". Pag awat ni mommy sa amin.Ramdam siguro ang tensyon sa pagitan namin ni ate. Itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa pagkain.Nang matapos kaming kumain ay nagpresinta akong samahan si Manang Linda sa pagliligpit ng mga pinagkainan.Lagi ko itong ginagawa hanggat makagaanan ko nang loob Ito.Kadalasan ay sinasamahan ko sya sa garden para magtanim,sya pala ang nagpapanatili sa kaayusan garden.Si manang Linda ang nag alaga noon kay Daddy kaya dito narin sya tumanda at hindi na nagkapamilya.Mas gusto nya pang pagsilbihan kaming pamilya ni daddy.Katatapos lang naming maghugas ng pinggan at pinupunasan ang mga Ito upang matuyo.Noong una'y ayaw nila mommy ang gingagawa ko, kalaunay napapayag ko rin sila wala naman akong pagkakaabalahan sa bahay dahil bawal rin naman akong lumabas. "Manang bakit po kaya ganun si ate,minsan na nga lang po kami magkita sinusungitan pa ako.Halatang ayaw nya po sa akin". Tanong ko kay Manang Linda habang pinupunasan ang mga baso. " Wag mo na lamang intindihin ang ate mo,nasanay lang kasi sya na nasa kanya ang atensyon ng daddy at mommy nyo kaya ganoon sya." Sagot nito habang hinahaplos ang balikat ko. "Sana nga po ay matanggap na po ako ni ate". Nakangusong Sambit ko " Matatanggap ka rin non hija. Ang bait mo kaya." Turan nito sabay yakap sa akin. Napakalas sa pagkakayakap si Manang Linda ng may tumikhim sa aming likuran.Si ate pala habang kumukuha ng tubig sa ref. "Are you two talk sh*t behind me?" Pagtataray nito sa aming dalawa ni Manang Linda. "Ah..Rosette hindi naman sa ganun,nagtatanong lang ang kapatid mo tungkol sa iyo,hindi mo raw ito kinikibo". Pagdepensa ni manang sa aming dalawa. " Really?". Hindi na niniwalang turan nito habang nakataas ang kilay. "Ate tinatanong lang naman kita kay Manang kung bakit sinusungitan mo ko eh". Sagot ko rito. " I'm not talking to you..And yes I do that cause I hate you!". Pagtataray nitong Sambit sabay talikod palayo sa amin. Ewan ko para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig,natulos ako bigla sa kinatatayuan ko.Tumulo ang mga luha akong 'di ko inaasahan.Naninikip ang dibdib ko sa hayagang Sambit ng ate ko.Paulit ulit nagrereplay sa isip ko ang mga salita nya. I hate you. 'Di ko inaasahang ganoon ang magiging epekto nito kay ate Rosette ang Pagdating ko ang syang dagok sa kanyang buhay. Hinaplos haplos ni manang ang likod at inalo ako na huwag umiyak baka malaman ng parents ko ay mapagalitan si ate.Lalo lamang iigting ang galit nun sa akin.Kaya sinikap kung eh compose ang sarili ko baka magtaka si mommy kung anong nangyari. Sinamahan na lamang ako ni manang paakyat sa aking kwarto ng matapos kami sa pagliligpit ng aming hinugasan. Ipinagtimpla narin ako nito ng gatas.Nang matapos Kong inumin ay kinumutan na ako ni manang.Dati rati si mommy ang gumagawa nito nung napagpasyahan Kong asikasuhin nya nalang si daddy kasi ito naman talaga ang MA's pagod sa amin ay kaagad naman itong Tumango. "Hayaan mo nalang ang ate mo,'wag mo nalang pansinin ang mga sinabi nya.Mainit lamang ang ulo nun dala siguro sa trabaho." Pagcomfort ni manang sa akin. "Okay lang po ako manang,alam ko naman pong hindi madali ang lahat kay ate'. Sagot ko rito. " Sanay intindihin mo nalang sya hija,MA's Maganda iyong hindi ka nagtatanim ng sama loob dyan sa puso mo.Alam Kong mabait kang bata nakikita ko ang mga magulang mo saiyo." Pangaral ni Manang sa akin. "Opo manang maraming salamat po at lagi po kayong andyan". Sambit ko na may ngiti sa mga labi. " Hinding hindi ako magsasawa sa inyo dahil naging parte na kayo ng masayang buhay ko..Oh sya matulog kana maaga pa ang klase mo." Pagpapaalam ni manang sa akin. Kaagad naman itong tumayo at nagtungo sa pinto,kaagad rin nitong isinara.Ipinikit ko ang aking mga mata upang matulog,hanggang sa dalawin na nga ako ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD