Chapter 6
Nakatuon ang buong atensyon ko sa pag aaral at ito na ang hihinihintay ko,I'm already Fourth year college.This is it,road to my goal.Puspusan ang pagrereview at inaaral Kong mabuti ang aking bawat subjects mapa major man o minor.Natatapos ko ang kada year ko na matataas ang average ko.Dad and mom was so proud of me.Kaya MA's lalo ko pang pinagiigting ang aking pag aaral ayukong Madis appoint sila Mom and Dad,maski na si ate kahit na were not good in terms.Abala ako sa mga projects,thesis,reports at lahat ng requirements ko para lang makagraduate.I can't wait for this momentum. Pagkatapos Kong sa aking online class ay kaagad akong pumunta sa gazebo upang magpahangin.Masarap kasi ang hangin rito,nakakawala ng stress.Dito lagi ang tambayan ko pagkatapos Kong magkipagbakbak sa online class feeling ko talaga duduguin ang utak ko anytime.
Ang sarap ng hangin na dumadampi sa aking mukha,isinasayaw nito ang aking mahabang buhok.Parang kaylan lang noong nasa simpleng pamumuhay pa lamang ako,ngayon ibang Iba mula sa na kagisnan Kong pamumuhay. Hindi ko aakalaing ganito magiging kabilis ang takbo ng journey ko sa buhay.Naagaw lang ng atensyon ko ang bulyaw ni ate sa isa sa mga kasambahay namin.Wala nga sina mommy at daddy nasa isang business trip sila.Gusto sana akong isama ni mommy kaso may klase pa ako.
Agad akong nagtungo kila ate , habang pinaghahampas nito ang aming kasambahay ng damit nito.Sa tantya ko ay nabahiran ng ibang kulay ang puting suit nito.
"Ma'am tama na po,pasensya na po kayo di na po talaga mauulit". Paghinging paumanhin ng kasambahay.
" Kong hindi di ka t*ng* edi sana hindi na bahiran ng ibang kulay ang suit ko, talagang hindi na mauulit dahil your Fired!" Pagtataray nito sa kasambahay sabay hagis sa mukha nito ang suit nya.
"Ma'am parang awa nyo na po may tatlo po akong mga anak,wala pong trabaho ang asawa ko". Sambit ng katulong habang hawak hawak nito ang kamay ni ate at nakaipit sa kabilang braso nito ang suit na inihagis ni ate kanina lang.
Biglang humarap si ate ng nagtatagis ang bagang sabay tulak sa kasambahay na ikinawalang balanse nito at napaupo sa sahig.Kaagad ko itong sinaklolohan.
" Ate sumusobra kana!" Singhal ko rito.Kaagad rin itong napalingon sa akin
"Oh...my lil sister do you need anything?" Sarkasmong Tanong nito.
"Kung tratuhin mo ang mga kasambahay natin para silang hayop.Ate pinagsisilbihan nila tayo ng maayos,Kung nagkamali man sila sana naman mapatawad mo sila 'di naman nila sinasadya yun,tao lang sila nagkakamali." Singhal ko rito.Ito sa lahat Ang pinaka ayuko iyong nakakakita ako ng hinahamak na tao.
"Anong magagawa ko eh t*ng* sya,alangan palalampasin ko yun!.Napakamahal ng suit ko kahit magtrabaho pa yan buong buhay nya 'di nya yun kayang bayaran!". Madiing turan nito sa akin.
" Ganyan kaba magtrato sa mga taong may simpleng pamumuhay.Yung hamakin sila dahil hindi nila kayang bilhin ang Kaya mong bilhin.Mas masahol ka pa sa hayop!". Madiing Sambit ko rito sabay talikod sa kanya.
"What did you say?.So Mas pinagtatanggol mo pa yang hampaslupang yan kaysa sa sarili mong kapatid? How dare you!" Singhal nito sa akin habang dinuduro ako.
"Siguro nga Mas mapapanigan ko pa sya kaysa sayo kahit mag kapatid pa tayo.Mas karespe-respeto sya kumpara sayo!" Singhal ko rito sabay talikod at inalalayang maglakad ang kasambahay na hirap sa paglalakad dala ng malakas na pagkakabagsak nito.
Nakita ko sa aking peripheral vision ang pag talikod nito at nagtungo sa loob ng bahay.
"Ayos ka lang po ba aling Nina?" Tanong ko sa aming kasambahay.
"Ayos lang po ako ma'am sana po Hindi nyo nalang po ako pinagtanggol nag away pa tuloy po kayong dalawa." Sambit nito habang inaalalayan ko itong maupo sa kanyang higaan.
"Naku po aling Nina 'wag nyu pong isipin yun,mag iingat na lang po kayo sa susunod para 'di na po kayo mapagalitan ni ate.Maselan pa naman po yun sa gamit nya" Turan ko sa aming kasambahay.
Kaagad namang pumasok si manang Linda na kagagaling lang maggrocery ng aming stocks.
"Nalaman Kong nagkasagutan raw kayong mag kapatid?" Tanong ni Manang Linda na bakas ang pag aalala.
"Wala po yun manang nakita ko po kasing pinapagalitan ni ate Si Aling Nina dahil sa pagkakamali nito." Sagot ko rito habang nakatayo at nakahalukipkip.
"Hinayaan mo nalang sana Hija,baka lalo kayong magkagulo ng kapatid mo". Puno ng pag alalang Sambit nito.
" Manang 'di ko naman po kayang panoorin nalang si aling Nina na hinahamak ni ate dahil sa suit nyang mamahalin.Pasensya na po kayo manang masakit po para sa akin ang makakita ng ganun." Madiing turan ko habang maluha luha ang aking mga mata.
"Oh sya..tama na nga.Pasensya kana hija ayuko lang na lalong lumalim ang alitan nyung dalawa." Sambit ni Manang habang mahigpit ang pagkakayakap nito sa akin.
Tumango na lamang ako at Agad naming dinaluhan si Aling Nina para bigyan ng lunas ang namamagang pwetan nito.Sinabihan ko itong magpahinga muna kahit tatlong araw lang.Noong una'y ayaw nya dahil Sayang raw ang tatlong araw na pagliban nya.Sinabihan ko na lamang na ako na lamang ang bahala roon ang importante ay gumaling sya kaagad.Pumayag naman ito sa aking suhestyon.
Tinulungan ko si Manang na maghanda para sa aming hapunan.Nang matapos kami ay inihanda na namin ito sa hapag.Tumanggi si ate na kumain,minsan talaga ang pride nakakadiet kaya siguro slim sya tignan.Pero di naman ako katabahan sakto lang waistline ko ay "25".
Inaya ko na lamang si manang kumain at ang aming kasambahay maski narin mga driver,tutal hati naman ang niluluto ni manang.Meron sa amin at sa mga kasambahay.Kung anong kinakain namin sya rin kinakain nila.Share your blessings ika nga.Nang matapos na kaming kumain ay nagsiligpit narin kami ng mga ito.Ipinagtimpla pa ako ni Manang ng gatas at kaagad ko rin itong ininom.Nagpaalam na ako kay manang upang pumanhik sa aking silid.Tumango naman ito.Pagpasok ko sa aking kwarto ay kaagad akong nagshower at nagbihis.
Dahan dahan Kong inilapat ang aking likod sa malambot na kama at Dahan dahan ipinikit ang aking mga mata.Napapitlag ako sa pagtunog ng aking cellphone. Si Mommy ang tumatawag Sa aking Messenger.
In on ko ang aking Camera para makita sila ni Daddy.
" Mia anak I miss you so much". Bungad Agad ni mommy Halatang kagigising lang nito.
"Mia anak how are you?" Tanong naman ni daddy.
"Miss ko na po kayo ni Daddy,Mommy.I'm doing great po.Ingat po kayo lagi dyan." Masiglang Sambit ko na ikinatuwa ng parents ko.
Nararamdaman ko na ang pagbigat ng aking mga talukap kung kaya't nagpaalam narin ako Sa kanila.Kahit Sa maikling kamustahan namin ay napakahalaga Sa amin.How I miss them both.