Chapter 7

1044 Words
Chapter 7 Ito na ang hihinihintay Kong moment.. Finally Graduate na ako.Mom and Dad was so proud of me.Nagkaroon ng kunting salu- salo sa loob ng mansyon.Masaya ang lahat maliban lang kay ate na nagpaalam Agad matapos ibigay ang regalo nito para sa akin.Masaya na rin ako kahit papaano,kahit sa simpleng pamamaraan nya napapakita nyang mahalaga ako sa kanya.Hindi nagpahuli sina dad at mom na nagbigay ng kanilang regalo.Binigyan ako ni daddy ng isang cute na shih tzu poodle.Pinangalanan ko itong si Rocky. Isang mamahaling necklace naman ang binigay ni mommy na may pendant na Venus planet.Napuno ng saya ang bawat sulok ng dining area dahil sa napakakulit ni Rocky lagi nya akong dinidilaan sa pisngi.Takbo ito ng takbo saka manghihila ng pantalon.Nakakatawang pag masdan itong si Rocky. "Tutal na graduate kana, its time na siguro para ipakilala kita bilang Heiress ng Alcantara". Suhestyon ni Dad "Dad,Mom natatakot po ako sa mga sasabihin ng mga tao.Hindi po ako sanay na center of attraction." May pangambang turan ko "Hija don't worry,andito lang kami ng daddy mo to guide you, okay". Malambing na Sambit ni mommy. " Karapat dapat po ba akong maging Heiress ng pamilya". Malungkot na turan ko. "Anak,Why not?, Stop bothering yourself okay ,kami na ang bahala.". Pagpapalubag ni Mommy sa akin. " Thank you" I mouthed sabay yakap rito. "Sa mismong birthday mo gaganapin ang pagpapakilala sayo." Sambit ni daddy habang sumisimsim ng Whisky. Tumango na lamang ako kahit kabado ako sa mangyayaring pagtitipon.Paano Kong hindi ako matanggap ng mga taong dadalo sa tantya ko mga bigating tao ang dadalo rito.Bahala na po kayo sa akin Panginoon ipinapaubaya ko po ang lahat sa inyo. Nagtungo ako sa sala matapos ang simpleng selebrasyon namin.Sinusundan naman ako ni Rocky saan man ako magpunta. "Mukhang gustong gusto ka ng alaga mo hija,Panay ang sunod sayo". Masayang turan ni Manang Linda. " Kaya nga po manang". Sagot ko habang inaangat sa ere si Rocky.Tahol lamang ito ng tahol habang pinanggigilan ko ito. "Oh bakit ka malungkot?". Tanong ni manang na may pag aalala. " Iniisip ko parin si ate kung may pag asa pa ba kaming mag kaayos." Sambit ko na nakapalumbaba. "'Wag mo na lang isipin yun hija magkakaayos rin kayo.Hindi ba binigyan ka naman nito ng regalo baka senyales na iyon para magkabati kayo". Paliwanag ni Manang Linda sa akin. Tumango na lamang ako.Siguro ngay magkakabati rin kaming mag kapatid. Nilaro laro ko na lamang si Rocky para kahit papaano ay gumaan ang aking loob.Pumunta ako sa Gazebo para kahit papaanoy malipad ng hangin Ang mga negative thoughts ko. Napapitlag ako ng tumunog ang aking cellphone Si Trixie gustong mg vc kami. " Congrats bestie, stepping stone mo na yan para sa goal mo sa buhay." Masiglang pagbati nito. "Oo nga Bestie salamat at hindi mo ako pinabayaan noong kaylangan kita." Madamdaming turan ko rito. "Sus ikaw talaga pasasaan at magbest friend tayo hindi ba?". Nakangiting Sambit nito. " oh.. Asan na yung inaanak ko tignan ko nga kung kamukha ko pa?" Pagbibiro ko rito na ikinagalpak nya ng tawa.Nanganak ito last December at ngayon ay tatlong buwan na Ito.Isang napakalusog na baby boy Si Taiki.Crush kasi namin iyon noon ni Trixie noong high school half Japanese kasi iyon. "Hay baby Taiki Tita ninang is here". Winawagay way ko ang aking kamay kahit 'di nya pa ganoon alam Ang ginagawa ko.Ang cute nya kapag humahagikgik ito.Lalong nawawala ang mata nya dahil sa pagkasingkit nito.Namanan kasi nito kay Dan.May pagkasingkit kasi ang lalaking iyon. " Sana makapasyal narin ako dyan para makita ko ng personal si Baby Taiki". Turan ko rito. "'Wag kang mag alala bestie makakapunta ka rin dito Inayos ko na nga ang tutulogan mo, kung sakaling pagbuksan ka na ng tarangkahan dyan sainyo,..Sumigaw ka ng Freedom ha pagkalabas na pagkalabas mo hahaha" Tawang tawang Sambit ng baliw Kong kaibigan. "Alam mo puro ka talaga kalokohan". Turan ko habang tawang tawa kaming dalawa. Naputol lang ang usapan namin ng umiyak na si baby Taiki dahil inaantok narin ito.Kaya nagpaalam narin kami sa isa't isa.I miss her so much. Nilukob na naman ako ng kalungkotan.Napatingin ako sa cellphone Kong nagvibrate unknown ang caller. Noong una ayuko pang sagutin baka kung sino itong masamang loob.Nang magsend ito ng message. *Mia sagutin mo,ang Tita mo ito. Kinabahan ako bigla,dala siguro ng trauma sa nangyari noon.Sinikap Kong ikalma ang sarili ko ng tumatawag ulit ito.Sinagot ko ang tawag nito. " Hello" Mahinang pagsambit ko "Mia kumusta ka na Hija?" Garalgal na boses nito mula sa kabilang linya. "Bakit po kayo na patawag" Tanong ko rito na sinisikap patatagin ang boses ko para hindi pumiyok. "Gusto lang kitang i-congratulate sa pagtatapos mo,napakabait mong bata.Pasensya kana kung hindi ko nasuklian lahat ng kabutihan mo sa akin.Sinisi kasi kita kung bakit hindi kami makapamuhay ng normal dahil sa pagbabanta ng Tita mo. Patawarin mo ako dahil itinago kita sa mga totoong mong magulang.Natakot lang ako para sa pamilya ko Mia.Alam mo naman maliliit Pa ang mga anak ko.Sorry talaga alam kong hindi na maibabalik ang lahat ,mga panahon na nasayang para sayo." Sambit ni Tita habang garalgal ang boses. Tuluyan na akong bumigay,mga luhang kanina ko pang pinipigilan ay unti unting nagsilabasan.Sobrang sakit na andaming panahon ang nasayang.Pero thankful ako at nalagpasan ko ang lahat ng iyon.Naging matapang ako sa hamon ng buhay.. "Hello Mia andyan ka pa ba?" Tanong ni Tita sa kabilang linya. "Okay lang po iyon Tita pinapatawad ko na po kayo.Basta alagaan nyo pong mabuti ang mga pinsan ko dyan". Sambit ko habang kagat ko ang aking mga labi upang mapigil ang aking paghikbi. " Maraming sa...sal..amat Mia" Turan ni Tita habang umiiyak sa kabilang linya. Nagpaalam narin ako rito.Medyo gumaan ang pakiramdam ko kahit pa balde balde ang luhang pumatak sa akin.Sa pagbalik ko sa nakaraan kahit pa masakit ay pinili ko paring magpatawad. Kahit pa pinagtangkaan pa ako ng asawa ni Tita na ngayon ay nasa kulungan na at nagdurusa dahil sa pagkakakulong nito dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Naging maliwanag na sa akin ang lahat kung bakit labis na lamang ang inis ni Tita sa akin.Sino ba naman ang mamumuhay ng normal kung may nagbabanta sa buhay mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD