Dahan-dahan niyang itinaas ang belo ni Ania—at doon, unang beses silang nagkatinginan nang malapitan.Sa ilang segundo, natigilan si Omar.Maganda pala ito. Hindi kasing kinis ni Kyla, oo. Hindi kasing puti. Pero may kakaibang ganda sa simpleng mukha nito—yung mga mata nito malamlam at bagay sa maamo nitong mukha.
Napalunok siya. “Damn,” bulong ng isip niya. “May itsura rin pala siya.”
Pero agad niyang pinutol ang iniisip. “Hindi. Hindi siya si Kyla.”
At sa halip na halikan ito sa labi, marahan niyang inilapit ang mukha at ginawaran ng halik sa noo—na may belo pa. Mabilis, walang emosyon. Ayaw niyang dumampi ang labi siya sa balat ng babae.
Tahimik ulit ang simbahan. May ilan pang bulungan.
Si Ania, napapikit.
Pagkatapos si Omar ay tumingin sa pari. “Can we go now?” mahinahon pero matigas ang tono niya.
Tumikhim ang pari, bahagyang nagulat, pero tumango. “Ah—yes, Mr. Alcaraz. Congratulations to both of you.”
Walang ngiti. Walang yakap. Walang halakhakan gaya ng ibang bagong kasal.
“Picture na po,” sabi ng photographer, hawak ang malaking camera. “Sir Omar, Ma’am Ania, let’s take the wedding picture first! Just a few shots for the album!”
Ngunit hindi na tumingin si Omar. Tahimik itong tumalikod mula sa altar, hinubad ang coat, at diretsong naglakad palabas ng simbahan. Naiwan ang bride niya, si Ania, nakatayo pa rin sa harap ng altar—litong-lito, habang pinipigilan ng coordinator na mapansin ng mga bisita ang tensiyon.
“Sir! The photo session—!” sigaw ng photographer, pero tuloy-tuloy lang si Omar, halos mabangga ang flower girl sa daan.
Paglabas niya ng simbahan, diretso siya sa parking lot, hinila ang pinto ng kotse, at agad pumasok sa loob. At pinaandar ang kotse.
Humahangos nang lumapit si Pablo, ang driver ng lolo niya. “Sir! Sir Omar!” hingal nito, pinapahinto ang kotse. “Sabi ni Don Mariano, antayin niyo daw po ang bride ninyo!”
Napahinga nang malalim si Omar, halatang pigil ang inis. Pinikit niya sandali ang mga mata, saka biglang napamura.“The hell with that woman!” mariin niyang sabi. “Pakisabi kay Lolo, I need to get out of here!”
“Pero, Sir—” nag-aalangan si Mang Pablo.
“Baka magalit po si Don Mariano—”
“Let him be!” singhal ni Omar, sabay hampas sa manibela. “I’m done pretending. Tell the bride to ride with someone else.”
At bago pa makasagot si Mang Pablo, pinaharurot na ni Omar ang kotse.
Sa pintuan ng simbahan, napatigil si Ania, pinagmamasdan ang papalayong sasakyan. Ang mga bisita tahimik. Ang bulaklak sa kamay niya, unti-unting nalaglag sa sahig.
Dahan-dahang yumuko si Ania, pinulot ang nalaglag na bulaklak. Ilang sandali niyang tinitigan iyon—tila nagdadalawang-isip kung may halaga pa bang paghawakan ito—bago siya marahang ngumiti, pilit na tinatago ang hiya sa likod ng ngiting iyon.
Paglingon niya, nakita niya si Benj, ang baklang makeup artist. Nilapitan niya ito at marahang iniabot ang bouquet.
“Sa’yo na ‘to,” mahinang sabi ni Ania, pilit pa ring nakangiti.
Napatalon sa tuwa si Benj, halos mapasigaw. “Oh my God! Talaga, Ania? Akin na ‘to? Oh, thank you! Ako na ang next bride!” sabay tili at kindat sa mga coordinator.
Napatawa nang mahina si Ania—isang ngiting puno ng pait at pagod.
Habang nagkukumpulan ang ilang bisita, lumapit si Don Mariano sa kaniya. Mabigat ang hakbang nito, halatang nahihiya sa nangyari. Tumikhim muna siya bago nagsalita.
“I’m… truly sorry, hija,” mahinahon niyang sabi, sabay patong ng kamay sa balikat ni Ania. “Hindi kita dapat napasok sa ganitong sitwasyon. My grandson… he can be stubborn, but I never raised him to be disrespectful."
Bahagyang umiling si Ania, pilit na hinahawakan ang emosyon. “Wala ho iyon, Don Mariano. Hindi ko rin naman siya kilala. Siguro… pareho lang kaming nabigla sa pangyayari.”
Napabuntong-hininga ang matanda, halatang tinatablan ng awa. “You don’t deserve this kind of humiliation, hija. But I promise you… I’ll make sure he takes responsibility.”
Hindi na umimik si Ania.
Tinawag ni Don Mariano si Mang Pablo. At sinabing ihatid na sila sa hotel sa reception.
Pagdating nila sa reception sa hotel wala si Omar.
Naupo na si Ania sa Bridal table.
Pinatawag ni Don Mariano sa cellphone si Omar.
Maya-maya, biglang pumasok si Omar sa reception.
Halatang medyo tipsy na siya—nakaluwag ang necktie, bahagyang gulo ang buhok, at hinubad ang coat. May hawak siyang wine glass, medyo pasuray suray na ang hakbang nito papunta sa sweetheart table.
Pagkaupo niya sa tabi ni Ania, huminga siya nang malalim, at dahan-dahang bumulong, tinitiyak na sila lang ang nakakarinig.
Mahina ngunit mariing sabi ni Omar, ang mga mata naka-focus kay Ania. “I don’t know you. And I don’t like you. Bakit hindi na lang ang magaling kong Lolo ang nagpakasal sa’yo? Wala kang ma-eexpect sa akin. I cannot be a good husband. Wala akong pakialam kung ano gagawin mo sa buhay mo. At lalong wala ka ring pakialam sa akin. Gagawin ko lang ang gusto ko. Naiintindihan mo?”
Huminga siya, pinisil ang baso ng alak sa kamay, at tumingin nang diretso sa mukha ni Ania.
Tahimik si Ania, bahagyang nanginginig ang mga daliri sa ilalim ng table pilit na hinahawakan ang sarili para manatiling kalmado. Dahil alam niyang napapahiya na siya.
Wala ng sinabi pa si Omar, bigla na lang ito tumayo at diretsong lumakad palabas ng reception hall.
Nanatiling nakaupo si Ania, hinahaplos ang kanyang kamay sa nginig at pinilit huminga nang malalim.
Si Lolo Felipe, nakatayo sa kabilang dulo ng hall, napatitig kay Omar na palabas ng reception hall. Ramdam ang awa sa mata ng matanda sa apo niyang si Ania.
Napalunok siya, halatang nagsisisi sa nangyari.
“Bakit nga ba ako pumayag na pakasalan ang apo ng Don?” bulong niya sa sarili, halos hindi marinig. Malaki rin ang utang na loob nila kay Don Mariano. Pinag-aral pa nito si Ania sa kolehiyo bilang bahagi ng utang na loob.
Ngunit ngayon, nakikita niya ang totoong reaksyon ng apo niyang si Ania—ang pagkabigla, ang lungkot, at ang dahan-dahang pagkapahiya sa harap ng lahat. Ramdam niya na ang desisyon niyang iyon, kahit may magandang intensyon noon, ay nagdulot ng pagkalito at sakit sa sariling apo.
Tahimik na pinanood ni Lolo Felipe si Ania, ang puso niya’y puno ng pag-aalala at pagsisisi.
Napansin ni Don Mariano na bigla na namang umalis ang apo na si Omar sa reception area. Tumayo ito sinundan ang apo. Naabutan niya ito sa hallway.
"Omar!"
Tumigil si Omar nang marinig ang tawag ng lolo niya. Mabigat ang mga hakbang ni Don Mariano habang papalapit sa apo.
Nakasimangot ito, halatang pigil ang galit.
“Omar! What’s wrong with you? Bakit mo iniwan ang asawa mo sa simbahan and now sa reception? Alam mo bang pinapahiya mo ako?”
Huminga si Omar nang malalim, nanginginig ang panga.
“Because I don’t want this marriage, Lolo! I don't like her! I never asked for this! Bakit naman kayo mahihiya, puro lang naman taga-hacienda ang mga bisita niyo."
Tumigas ang mukha ni Don Mariano.“That woman is good for you. Hindi kagaya ng girlfriend mong sosyalera. Wala kang mapapala sa ganyang babae. Ang sosyalera, walang maidudulot sa pagsasama ng mag‑asawa kundi sakit ng ulo.”
Mapait ang ngiti ni Omar. “Good for me? Then why don’t you marry her instead!?”
Pak!
Malakas ang tunog ng sampal na tumama sa pisngi ni Omar. Napahinto siya, napakurap, at dahan‑dahang hinaplos ang nasaktang pisngi.
Nanginginig sa galit at pangungutya ang tinig ni Don Mariano. “I know what’s best for this family. At kung ayaw mo sa kaniya, pakisamahan mo pa rin nang maayos ang tao. Respeto, Omar! Kung talagang ayaw mo, then wait until I’m dead—then annul your marriage.”
Tahimik ang paligid. Tanging marahas na paghinga ni Omar ang naririnig. Tumitig siya sa lolo, puno ng galit at sama ng loob.
“Then maybe I’ll start counting the days, Lolo.”
Matalim ang tingin niya bago tuluyang tinalikuran ang matanda at naglakad palayo, iniwan si Don Mariano sa hallway.
Si Don Mariano nakatingin sa apo. Unti‑unting nilalamon ng poot na siya mismo ang dahilan.