CHAPTER 7 - New Beginning

1395 Words
After niyo sa hotel ay deretso na kayo roon..." Hindi na natapos ang sasabihin ng matanda ng magsalita si Omar. "Pwede bang mauna na siya....I have something to do first.." "Yes...ipapasundo ko siya kay Pablo. Ipadala mo na rin ang ibang gamit mo. Okay? Bye!" Pinatay na ng abwelo ang tawag. Hindi pa rin inihiwalay ni Omar ang titig kay Ania. Tumayo siya mula sa kama. Napapikit si Ania. Dahil hubo't hubad nga si Omar. Dahil magdamag sila sigurong nag-s*x ng Kyla. Sa isip ni Ania. Nairita siya. Feeling niya siya pa iyong nahiya. Lumapit si Omar sa kaniya. Nagsalita ito. Malamig. At matigas. "Now that you are my wife.....ligpitin mo lahat ng gamit ko. Ilagay mo sa maleta at ibaba mo sa lobby. Antayin mo si Mang pablo sa baba." Pautos nitong sabi. Napa-ha si Ania. Uminit na naman ang ulo ni Omar. "Anong, "Ha?" Di ba trabaho iyan ng isang asawang babae? So, now move!" Sigaw nito. Nakapikit pa rin si Ania. Taranta siyang dinampot lahat ng damit ng lalaki na nakakalat sa sahig. Saktong nagising si Kyla. Habang nagdadampot si Ania ng damit nagsalita ang babae. "Pwede ba pati damit ko ayusin mo na rin. Pakilagay sa maleta ko." Pumantig ang tenga ni Ania. Sumimangot siya. Napansin ito ng Kyla. "Babe, galit ata ang asawa mo." Anito. Napalingon bigla si Ania sa dalawa sa kama. Naasiwa siya. Dahil naglilingkisan ang dalawa sa kama. Para tuloy siyang nanonood ng porn na live show. "Ignore her." Sabi ni Omar. At bigla niya hinalikan ang Kyla mariin. Tapos sa gulat ni Ania sa harap niya ay nagbayuhan. Napatalikod na lang si Ania. At patuloy sa ginagawa. Habang ang dalawa ay panay ang unggol sa ginagawa nila. Parang sinasadya talaga nila. Pumasok siya ng banyo para makita kung ano pa ang dapat niyang ligpitin sa gamit ng mga ito. Narinig niya na lang na parang nasa kasarapan na ang dalawa. Pareho pa silang napasigaw sa sarap. Kaya tinakpan ni Ania ang dalawang tenga. Ganito ba talaga ka-bold ang mga taong to? Okay lang na makipag-s*x kahit may ibang tao? Nagtagal siya sa loob ng banyo. Baka mamaya may round two pa ang dalawa. Narinig niya na lang na nag-uusap ang dalawa. "Ohhh, Kyla I am going to miss you, please stay." Ani Omar. "Babe, alam mo na hindi pwede di ba? I have a cat walk event sa Paris tomorrow. Kaya ihatid mo na ako sa airport. My flight is 1pm. It's already 10 a.m. na." Sabi ng Kyla. "Okay." Parang may lungkot sa boses ni Omar. "Can we have another round, hmmmm?" Narinig niya ang halakhakan ng dalawa. At muli narinig na naman niya ang halinghing ng mga ito. Pakiramdam ni Ania parang tinutusok ang puso niya. Pero bakit? Wala naman siyang karapatan. Kinasal lang sila. At hindi pa niya lubos kilala ang apo ni Don Mariano. Dahil sa hindi pa siya lumabas dahil pinatapos niya muna ang round two ng dalawa. Nalinis na niya ang buong bathroom. Nagulat na lang siya ng sinigawan na naman siya ni Omar na get out. Kaya lumabas na siya ng banyo. Pagkalabas niya sumunod din sa loob ng bathroom ang Kyla. At sinara ng malakas ang pinto. Saka niligpit niya ang ibang gamit na nakakalat. Inayos na niya ang maleta ni Omar. Nag antay lang siya sandali. Lumabas si Omar sa banyo. Nakataas ang kilay nito. Sininghalan siya nito. Nakakunot ang noo. "O, ano pa ginagawa mo rito? Ibaba mo na yang mga maleta. Iwanan mo na ang maleta ni Kyla. Dahil ihahatid ko siya sa airport. Ikaw antayin mo si Mang Pablo." Nakayuko lang si Ania. Kinuha niya pareho ang maleta niya at maleta ni Omar. At lumabas na ng suite. Hindi na siya nagsalita. Sinundan lang siya ng tingin ni Omar palabas. Pagkababa niya dumeretso siya sa reception at binalik ang card key. Pagkatapos ay nag-antay siya sa lobby. Pinagmamasdan ang mabagal na pag-ikot ng orasan sa pader habang hinihintay si Mang Pablo, ang driver ni Don Mariano. Ilang minuto pa lang ang lumipas nang bumukas ang elevator. Lumabas sina Omar at Kyla. Magkasabay. Magkadikit. Nagtama ang kanilang mga mata sandali, pero agad bumawi si Omar ng tingin. Si Kyla naman ay nakangiti, mahigpit ang kapit sa braso ng lalaki. Isang bellboy ang humihila ng maleta ni Kyla habang dumaraan sila sa harap niya. Tahimik lang siyang nakaupo, pinagmamasdan ang mga ito hanggang sa tuluyang makalabas ng hotel. Sa labas, nakita niyang sumakay ang dalawa sa itim na kotse, bago ito humarurot palayo. Napabuntong-hininga siya. Sakto namang dumating si Mang Pablo. Tumayo siya, kinuha ang mga maleta, at dahan-dahang lumakad palabas ng hotel. Sinalubong siya ng bellboy na kanina ay umalalay sa maleta ni Kyla. "Maam Ania.." Bumaba si Mang Pablo sa kotse para tulungan ang bellboy sa paglagay ng maleta sa compartment ng kotse. "Mang Pablo, naman, Ania na lang po." "Nasaan pala si Sir Omar?" Usisa nito. "A, umalis po....may inasikaso lang po...." Sumakay na siya ng kotse. Pagkatapos ay napabuntonghininga siya. Napansin ito ni Mang Pablo. Napatingin ito sa rear view mirror niya. "Okay lang po ba kayo?" Tanong nito. "O-opo. Okay lang po ako." Sahit niya. May iniabot si Mang Pablo sa kaniya. ATM. "Siya nga po pala. Pinabibigay ni Don Mariano. Tatawagan niya daw po kayo mamaya pag-nasa bahay na daw po kayo." "Salamat po. Nakita niyo po ba ang lolo Felipe sa hacienda?" Nag-alala agad siya sa lolo niya. Kahit isang araw palang sila hindi nagkikita. "Ay, opo. May pinadala po palang gulay at buhay na manok ang lolo Felipe po ninyo. Magluto daw po kayo ng tinola para kay Sir Omar. Sa unang araw niyo po sa bagong bahay po ninyo." "Hu?! Ang lolo talaga." Natawa pareho sila ni Mang Pablo. Isang oras silang nasa biyahe, mayamaya ay pumasok ang kotse sa isang exclusive subdivision. Pagpasok pa lang ng kotse ni Mang Pablo sa loob ng subdivision, agad na napatingin si Ania sa paligid. Tahimik. Malinis ang mga kalsada, at bawat bahay ay tila kinuha sa pahina ng architectural magazine—modernong disenyo, mataas ang mga gate, at may mga haligi ng ilaw sa magkabilang gilid ng daan. Habang umuusad ang sasakyan, lalo niyang naramdaman ang kabog ng dibdib niya. Pagliko nila sa dulong kanto, huminto si Mang Pablo sa harap ng isang dalawang palapag na bahay. Hindi ito kasing laki ng mansyon ni Don Mariano, pero may kakaibang ganda. Maaliwalas, maayos, at may halimuyak ng bagong pintura. Bumaba siya ng sasakyan. Humaplos ang malamig na simoy ng hangin sa kanyang balat. Mula sa labas, tanaw niya ang itim na gate na may wooden panels, ang driveway na may mga halamang nakahanay sa gilid, at ang maliit na fountain sa tabi ng hardin na mahinang tumutulo ang tubig. “Ma’am, ito raw po ang bahay ninyo ni Sir Omar. Regalo daw po ni Don Mariano,” sabi ni Mang Pablo habang binubuksan ang gate. Tahimik lang si Ania. Nilibot niya ng tingin ang paligid—ang berdeng damo, ang veranda na may dalawang upuang kahoy, at ang mga ilaw sa loob na nakasindi na tila matagal nang may nakatira. Pagpasok nila sa loob, bumungad ang maluwang na sala. May sofa set na kulay abo, glass center table, at sa tapat ay isang TV panel na may accent wood wall. Ang liwanag ng mga bintana ay nagbibigay ng natural na ganda sa bawat sulok. “Ang ganda, ano, Ma’am?” wika ni Mang Pablo. Ngumiti si Ania ng pilit. “Oo nga po....napakaganda. Nakakahiya naman kay Don Mariano." Mula sa sala, tanaw niya ang dining area na may anim na upuang gawa sa kahoy, at sa likuran ay ang kusinang moderno, puti at kahoy ang tema. Sa gilid naman ay glass sliding door na may tanaw ng maliit na patio at mga paso ng halaman. Umakyat sila sa hagdanang gawa sa kahoy. Sa itaas, dalawang pinto lang ang naroon—ang isa’y master’s bedroom, at ang isa nama’y guest room. Binuksan ni Mang Pablo ang pinto ng master’s bedroom. Pagpasok nila, bumungad ang malapad na kwarto na may king-sized bed, malambot na kurtina, at balcony na tanaw ang ilaw ng buong subdivision. Lumapit si Ania sa balcony. Pinagmasdan niya ang paligid. Tahimik ang paligid—walang ingay ng sasakyan. Ang tanging maririnig lang ay ang mahinang ihip ng hangin at t***k ng puso niyang hindi niya alam kung para saan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD