Kung alam lang ni Don Mariano kung paano siya trinato ni Omar, baka siya pa ang unang magalit sa apo niya.
Pero kung isusumbong ko siya, kawawa naman. May rason naman kung bakit siya galit.
Huminga nang malalim si Ania, hinawakan ang kwelyo ng kanyang damit, at marahang bumulong, “Hindi ko alam kung bakit ako napunta rito…"
Tahimik siyang napapikit muli.
Ngunit pagkapikit, biglang sumagi sa isip niya si Omar—ang hubo’t hubad nitong katawan habang nakahiga sa bathtub.
Napalunok siya. Kahit pilit niyang itaboy sa isip ang imahe, malinaw pa rin iyon sa kanyang guniguni—ang matipunong dibdib, ang matikas na pangangatawan, at ang malamlam nitong mga mata.
“Grabe,” mahina niyang bulong. “Kahit galit, ang gwapo pa rin…”
Napahawak siya sa sentido. Kahit na nanginginig pa rin siya sa takot at inis, may kung anong kakaibang damdaming gumuguhit sa dibdib niya.
Tapos sumagi sa isip niya ng tumayo ito at makita niya kung gaano kalaki ang.....
Napakurap siya, napadilat bigla. “Ano ba ‘tong iniisip ko?” napailing siya, halos mapatawa sa sarili. “Galit nga sa’kin ‘yon, tapos ako, iniisip kung gaano siya kaguwapo?”
Kinilig siya ng lalo dumikit ito sa kaniya.
Umiling siya ulit, sabay buntong-hininga.
Hindi siya magugustuhan ng lalaking iyon.
Wala siyang panama sa babae na kasama niya. Kyla ang pangalan nito—perpekto sa lahat ng aspeto. Matangkad, maayos ang tindig, mukha at katawan parang hinubog parang dyosa. Makinis ang kutis, mabango.
Siya? Simple lang, ordinaryo, walang kinang. Taga-bungkal ng lupa. Minsan amoy kalabaw. Sa harap ni Kyla, parang hindi siya nag-eexist—sa kalingkingan ng babae, wala siyang panama.
Kaya nga siguro nagwawala ang Omar na iyon ng ipakasal sa kaniya. Pero bakit hindi na lang iyon ang pinakasalan niya?
Sila talaga ang bagay.
Napabuntong-hininga siya ulit.
Inamoy ang sarili.
"Oo nga...sa amoy pa lang wala na ako. "
Tumayo siya at pumasok ng banyo.
Naligo siya. Kinuskos ang sarili.
Pagkatapos maligo, pinasadahan niya ng tuwalya at pinunasan ang katawan, tapos nagbihis ng maluwag na t-shirt at panjama.
Nagpatuyo siya ng buhok habang nakaupo sa gilid ng kama. Hanggang sa maramdaman ang antok.
Hindi nagtagal, nakatulog siya sa maliit na kama.
Napadilat siya ng may maramdaman siyang mainit sa pisngi—may labing humahalik sa kanya. Nakita niya si Omar, nakangiti sa kanya, ang mga mata niya puno ng init. Hindi nagdalawang-isip, hinalikan siya nito sa labi.
Para kay Ania, parang nalulunod siya sa halik—ang mundo ay naglaho, at tanging si Omar ang umiikot sa isip niya. Parang nasa alapaap siya, para bang panaginip lang ito, at ayaw niyang magising.
Ngunit bumangon talaga ang katotohanan. Talagang panaginip nga lang ito.
Napabalikwas siya dahil sa lakas ng tunog ng cellphone niya.
"s**t! Panaginip lang pala."
Kinuha niya ang cellphone sa tabi ng kama. Nakita niya ang screen—sampung missed calls mula kay Don Mariano.
Nag-ring ulit ito. Ang t***k ng puso niya ay biglang bumilis. Taranta siyang sinagot ang tawag, halos di makapagsalita sa pagkabigla.
“H-hello?” mahina niyang bungad, may halong kaba at pagkabigla.
“Hija!” masigla at halatang excited ang boses ni Don Mariano sa kabilang linya. “Kumusta ang unang gabi ninyo ni Omar?”
Nataranta si Ania. Pumikit siya sandali, pilit huminga nang malalim. Hindi niya alam kung ano ang isasagot.
Isasagot ba niya ang totoo? ‘
Okay lang naman po… pinalabas lang naman po ako ng apo ninyo sa honeymoon suite po namin… kasi kasama niya po ang girlfriend niyang si Kyla… at sila po ang nag-honeymoon.’
Napalingon siya sa kwarto, parang may gustong kumawala sa labi niya—pero alam niyang hindi ito tamang sagot.
“Uh… ay… okay naman po,” pilit niyang bungad, nanginginig ang boses.
"Pasensya na,hija… baka naistorbo kita sa tulog mo.”
Nataranta si Ania. Ang puso niya ay biglang bumilis. “Ah… o-opo… hindi po,” mahina niyang sagot, pilit pinipigil ang kaba.
“Gusto ko lang sana kausapin si Omar,” dagdag ni Don Mariano, halatang may urgency sa tono. "Hindi ko kasi makontak ang cellphone niya kaya ikaw na lang ang tinawagan ko."
Napahawak sa dibdib niya si Ania. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. “Si… si Omar po… na...nasa banyo po....nasa banyo,” halata ang pagkalito sa boses niya.
Nang marinig iyon, tumigil sandali ang boses ni Don Mariano sa kabilang linya. “Ah… sige,” sabi nito nang dahan-dahan. “Sige… tatawag na lang ako ulit. Dito na lang sa cellphone mo ako tatawag.”
"Po?......a sige po."
Pagkatapos ng tawag, natigilan si Ania.
Ano’ng gagawin ko ngayon? bulong niya sa sarili habang nakatitig sa cellphone.
Kung importante ang pag-uusapan nina Omar at Don Mariano, wala siyang choice. Kailangan niyang bumalik sa hotel—kahit alam niyang pinagtabuyan na siya ng lalaki.
Mabilis siyang nagpalit ng damit. Isang simpleng blouse at maong na pantalon.
Kailangan niyang makabalik agad bago pa muling tumawag ang matanda.
Buti na lang, ilang bloke lang ang layo ng hotel. Mabilis siyang naglakad sa gilid ng kalsada, hila-hila ang maliit niyang maleta. Ramdam niya ang lamig ng umaga at ang bigat ng kaba sa dibdib.
Pagdating niya sa hotel, diretso siya sa elevator. Hindi na siya sinita ng guard o ng receptionist—nakilala siya ng mga ito at magalang pang bumati, “Good morning, ma’am.” Tumango na lang siya, pilit ang ngiti, at mabilis na sumakay ng elevator.
Paglabas niya sa floor ng honeymoon suite, muling bumigat ang pakiramdam niya. Napalunok siya. Kakatok ba ako? O baka magalit na naman ulit siya?
Pero kailangan niyang gawin. Kumatok siya—isang beses, dalawang beses, tatlo. Tahimik. Walang sagot.
Naalala niya na nasa kanya pa pala ang card key. Napatingin siya rito, saka pumikit sandali. “Bahala na,” bulong niya sa sarili. “Kung magalit siya, e di magalit. Pero hinahanap siya ng lolo niya.”
Dahan-dahan niyang sinwipe ang card at binuksan ang pinto.
Tahimik sa loob. Pagpasok niya, agad niyang nakita ang dalawa—mahimbing pa rin ang tulog.
Hubo’t hubad. Si Kyla, nakadapa sa kama, ang kamay nakapatong sa matipunong dibdib ni Omar. Wala itong kumot, kaya lantad ang makinis na likod at ang hubog ng katawan nito.
Si Omar naman ay nakatihaya, bahagyang natatakpan ng kumot mula bewang pababa. Kita ang matipuno niyang dibdib at ang mahinang pagtaas-baba ng kanyang paghinga.
Napalunok si Ania. Paano ko siya gigisingin?
Bago siya makagalaw, napatitig siya sa mukha ni Omar. Mas gwapo pala ito kapag tahimik at sa malapitan.
Mahabang pilik-mata, matangos ang ilong, at ang labi—bahagyang nakaawang, parang laging may ngiting nakatago. Ang panga nito ay matigas at matikas. May bahagyang balbas na nagbigay sa kanya ng lalim at tikas, at sa ilaw ng umaga, para bang angkin nito ang buong silid.
Hindi niya napigilan ang mapangiti. "Ang gwapo niya talaga. Pati sa pagtulog niya. Kaso parang mukhang mayabang. Ang sarap siguro halikan ang labi nito.
Pero agad niyang niyugyog ang sarili pabalik sa realidad.
Hoy, Ania! Hindi ka niya type at kailanman hindi ka niya magustuhan. Kahit ikaw ang pinakasalan, wala siyang pakialam sayo. Tignan mo instead ikaw ang kasiping, ang girlfriend niya ang binira niya.
Napasimangot si Ania.
Biglang nag vibrate ang cellphone ni Ania. Buti na lang inilagay niya sa silent mode ang cellphone niya.
Si Don Mariano ang tumatawag.
No choice si Ania. Kaya niyugyog niya ng dahan-dahan ang balikat ng lalaki.
Napamulat ito. At ng makita siya umusok na naman ang tenga at ilong nito.
"What the f**k are you doing here!?" Sabay upo nito sa gilid ng kama.
Si Ania ay napaatras. Kasi baka mabugahan na naman siya nito ng laway. Baka mamaya apoy ang mabuga nito.
"I already told you to leave....!" Dagdag pa nito.
Iniabot ni Ania ang cellphone kay Omar.
"Lo-lolo mo kanina pa tumatawag."
Napatigil si Omar, hinablot ang cellphone sa kamay ni Ania nang makita niyang si Don Mariano nga. Malamig at matigas ang boses niya nang sumagot, "Yes, Lolo."
"Hijo, I already prepared the house for you and Ania," sabi ni Don Mariano, may halong saya at excitement.
Lumaki na naman ang butas ng ilong ni Omar. "What? What for?"
"Anong what for? Syempre, mag-asawa na kayo. Regalo ko sa inyo ni Ania. Hindi naman siya gaano kalaki. But it’s a nice start," wika ng matanda.
Umigting ang panga ni Omar.
Nakatitig siya kay Ania.
Kung kumakain lang ng buhay na tao itong lalaking ito siguro kinain na ako.
Ani Ania sa isip.