Drizella Genet’s POV “Are you sure na gusto mo bumisita sa Arena?” Kanina pa ako tinatanong ni Mommy nito habang nasa kalye ang tingin ko. Minamaneho ko ang sasakyan ko papunta ng Arena. Nababagot na ako sa sala namin at ayoko naman sa kwarto ko dahil parang naiwan ang amoy ni Pierre sa loob ng apat na sulok ng kwarto ko. “Yes, mom. Wala naman masyadong tao ngayon dahil maaga pa. Sigurado ako na mga tauhan pa lang na naglilinis para maghanda sa karera mamaya.” Napatingin ako sa ibabaw ng hita ni Mommy na may lunch box. Ginawan ko rin ng pagkain ang kapatid ko. Hindi kasi siya nakakapag-lunch kasabay namin dahil tambak ang trabaho niya sa Arena. Matagal kasi siyang nawala at kailangan niyang tapusin ang ibang nasimulan ng Daddy ko. “Gusto ko rin makasabay si Kuya kuma

