Secret 4

2938 Words
"HINDI kita napansin kanina, umuwi ka ba sa inyo?" Yun ang text ni kuya Grey kinagabihan. Gusto ko sanang kiligin. Bakit? Kasi nga hindi niya ako nakita kanina! At ang ibig sabihin non ay hinanap niya ako! Ako! Ako at hindi si ate Clarice. Oh my gosh! Oh my gosh talaga. Kikiligin na ako, kikiligin na ako! Kikiliginnnnn na akoooo! Hoooooo! Oohhhhhh! Boooooo! WAIT. Something's wrong. Kinapa ko ang dibdib ko pero hindi ko mawari ang kilig. Pahamak naman, oh. Napatayo ako sa kama at kinapa ulit ang dibdib ko. Binasa ko ulit ang text ni kuya Grey at inabsorb ang context non. Kaso sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi ako kinikilig! Kahit gustuhin ko man. OMG. Anong kababalaghan to? "Hindiiiii!" Bigla akong napasigaw. Nashock ako sa sarili ko nang mapagtantong hindi ako kinilig kay kuya Grey at sa text niya. Eh konting smile nga lang niya noon, kinikilig na ako. Concern pa kaya na galing sa kanya? "Ano ba, Aryen? Ba't ka sumisigaw?" Hiyaw ni ate Clarice nang buksan niya ang kwarto. Napatingin ako sa baba kasi nga nasa taas yong kama ko. Napabuntong-hininga ako nang makita si ate Clarice. Naks naman. Panira moment. "Wala ate. Sorry. Nadala lang ako. Tinext kasi sa akin ni Marcela yong ending ng I Hear Your Voice." Pagsisinungaling ko kay ate Clarice. Tinapang tokwa naman, oh! Nagawa ko pang magsinungaling? Anong nangyayari? Waa! Lord, patawad po. Hindi ko na po alam ang mga lumalabas sa bibig ko! Pero totoo naman talaga na tinext sa akin ni Marcela. Kagabi nga lang yon at hindi ngayon. Pero nagsinungaling pa rin ako. I feel so bad na! Lord, patawad po. "Di ba sabi ko sayo na tigilan mo muna ang panunuod ng Korean dramas?" Naku lagot, buking ako. Napakamot ako sa ulo. "Sorry ate, pwede tapusin ko na lang ang I Hear Your Voice? Hindi kasi ako mapakali kapag di malaman ang ending, eh." "Tinext na nga ni Marcela yong ending, di ba? Kaya tigilan mo na yan." "Iba naman yong nakikita ko talaga." "Sinusuway mo na ako, Aryen? Mas mabuti pang magpray ka dyan at humingi ng tawad sa katigasan ng ulo mo." Si ate Clarice naman oh, masyadong strict. Napakamot nalang ako sa ulo at tumango sa sinabi niya. Lumabas na siya ng kwarto. Bago pa man ako magpray ay tinext ko muna si kuya Grey. Ako: Umuwi kasi ako agad, kuya Grey. Kuya Grey: Bakit? Kasi iniiwasan kong makausap si David. Hindi pa rin ako makarecover sa natuklasan kong other life niya, na tumatanggap siya ng mga gigs sa mga bars! Kanina kasi pagkatapos kong ihatid sa labas sina ate Jackie at ang mga bata, pumara agad ako ng masasakyan pauwi. Tinext ko na lang si ate Clarice na mauna na akong uuwi for urgent matters. Gusto ko sanang sabihin kay kuya Grey. Kaso hindi naman niya alam na close pala kami ni David. Kahit nasa music team si kuya Grey, alam kong hindi nababanggit ni David sa kanila ang pagkikita naming dalawa. Bass guitarist kasi si kuya Grey at siya din ang leader ng music team. Oh di ba, bongga ang kuya Grey ko? Kaya crush na crush ko yun, eh. Sa tingin ko ang reason kung bakit hindi ako kinilig kay kuya Grey ay dahil sa magulo kong isipan. Si David pa kasi ang laman ng isip ko for the entire week. Kung bakit siya nandoon sa bar, kung bakit siya tumutogtog ng worldly music, at kung alam ba ng pastor namin ang mga pinaggagawa niya. Hindi ko naman maitanong kay Nikoli about kay David at sa banda nila. Kasi hindi naman niya alam na worship musician si David. May mga texts naman si David sa akin, kaso dinedelete ko agad at hindi ko binabasa. Natatakot kasi akong mabasa ang sagot at explanation niya. Baka kasi tama ang kutob ko na may double life si David. Ayokong malaman! Okay. Sige. Praning na nga ako. Di ko din masabi kay ate Clarice o kina kuya Richard tungkol dito. Kasi pag sinabi ko sa kanila ang tungkol sa gig ni David ay malalaman din nila na pumunta ako sa isang bar. At mahahalungkat ang pagkikita namin ni David na kaming dalawa lang. Lagot ako pag ganon. Maha-hot seat ako. Sabihin ko nalang kaya kay kuya Grey? At least naman meron akong mapagtatanungan. At least maipapalabas ko itong kaba sa dibdib na pilit kong tinatago. Natatakot kasi ako para kay David. At natatakot din ako na baka pagalitan siya at tanggalin siya sa music team pag nalaman nila ang tungkol sa gig. Hay, bahala na nga. Ako: Kuya, pwede ba tayong magkita bukas? May problema kasi ako. May natuklasan ako at di ko kaya na wala akong mapagsabihan, kung okay lang sana sayo. Sana positive ang sagot ni kuya Grey! Siya na lang talaga ang pag-asa kong matanggalan ng tinik sa lalamunan. Kuya Grey: Sure, sige. Ok ako bukas around 6PM. Anong klasing problema ba yan? Di mo ba pwedeng sabihin sa ate mo? Ako: Hindi, kuya eh. Marami na siyang problema sa studies niya at ayaw kong makadagdag. Alam mo naman na hindi biro yong kurso niya. Kuya Grey: Sabagay, tama ka nga. Sige, bukas 6PM. Tatawagan kita. Ako: Salamat kuya Grey! Kuya Grey: No problem. Basta ikaw. Lakas mo sa'kin, remember? Ayeeee! Nakakakilig ang support ni kuya Grey. Eto yong hinihintay ko kanina! Yong asim kilig! Kaso, naremember ko, kaya pala ang bait-bait niya sa akin ay dahil nagpapalakas siya kay ate Clarice. Ganon lang naman yon. Kaya hindi ako dapat kiligin. Kuya Grey: Goodnight, Aryen. Kinapa ko ulit ang dibdib ko. Dug dug. Dug dug. Tokwa! Kung kailan nakadecide na akong hindi dapat kiligin, dyan pa babalik yong kilig feeling! Huehue much. Makapag-pray na nga. Lord, sorry nagsinungaling ako kay ate Clarice kanina. Hindi na po mauulit. Lord, seryoso much din ako na alisin mo na yong feelings ko para kay kuya Grey. Serious much talaga. Salamat po. Amen. Ay wait. May pahabol po ako Lord, if hindi po si kuya Grey para sa'kin, sana You will reveal to me kung sino po yong guy na inalaan Mo para sa'kin. Huehue. Thank you so much, Lord. Amen again. Naghahanap ng Mr. Right Guy, Aryen. "UY ARYEN, akala ko ba may Bible study last Saturday? Bakit hindi mo ako tinext non?" Tanong sa akin ni Marcela habang kumakain kami sa school canteen. "Sumasali ka na sa Bible study, Marcela? Wee, di nga?" Hirit naman ni Nikoli. Kasabay kasi namin siyang kumakain ng lunch. Nakita kong kinurot siya ni Marcela sa tagiliran at napaaray naman ng malakas si Nikoli. "Aryen, si Marcela oh!" "Ewan ko sayo. Bakit sa tingin mo, bawal na ba akong sumali sa mga ganyan, ha?" Pagalit na tanong ni Marcela. Hindi ko naman siya masisisi kasi pang-aasar talaga ang talento ni Nikoli. Proven na yan. "Hindi naman, pero parang ganun na rin." Sagot ni Nikoli at kinurot ulit siya ni Marcela. This time sa pisngi na talaga. "Wag sa face! Ano ka ba, wag dyan kasi asset ko yan sa banda!" "Neknek mo." "Tama na nga yan. Kumakain pa tayo ah." Hindi ko na matiis. "Hala, galit na si Aryen." Nilunok ko muna yong kanin ko saka nagsalita ulit. "Sorry Marcela, not feeling well kasi ako last Saturday. Hayaan mo, itetext na kita this Saturday." Totoo naman talaga na not feeling well ako last Saturday. Kasi may mental shock pa ako nang ilang araw after sa pagpunta namin sa bar. Hindi nga ako nakasali sa Bible study eh, akala ng ate ko may lagnat ako sa ilalim kaya pinagpahinga niya ako the whole day. Hindi ko naman masabi na hindi lagnat ang panghihina ko kundi mental shock at denial sa natuklasan tungkol sa kaibigan kong si David. Ang bigat ng revelation, eh. "Dahil ba yan sa pagpunta natin sa bar?" "Siguro, parang ganon." "Ang OA naman. So hindi kana pupunta if may next gig kami sa bar?" Tanong ni Nikoli. "Di ko pa alam. Wag na lang kasi sa bar." "Hindi naman ako ang magdedecide nun! Anyway, ano bang meron sa Bible study? Pwede din ba akong sumali dyan?" Dumilat ang mga mata ko nang itanong yon ni Nikoli. Wow naman. Nanggaling talaga sa kanya ang mga salitang yon? "Aba, sasali ka din, Nikoli?" Tanong ni Marcela na may halong pagdududa. "Bakit, kayo lang ba ang pwedeng sumali, ganon?" "Well, tingnan natin hanggang kailan ka tatagal." Biglang hamon ni Marcela. "Aba, abangan mo lang!" "Wag niyo namang gawing kompetisyon ang pagpunta sa Bible study. Kayo talaga!" Sabi ko sa kanila. Napakamot na lang sa ulo si Nikoli. "PUMILI ka na, Aryen, sagot ko." Panimula ni kuya Grey kinagabihan. Sa isang sosyal na coffee shop kasi kami nagkita. Medyo malayo sa downtown. Hindi ako familiar sa place dito, at hindi ko rin alam kung saan sa Cagayan to. Sinundo lang kasi ako ni kuya Grey sa mall gamit ang sasakyan niyang Mitsubishi. Tapos pagbaba ko nasa coffee shop na kami. Coffee For Peace ang name ng coffee shop. First time ko dito. "Uhm, wag na kuya Grey. KKB na lang tayo. Nakakahiya naman kasi ako nga yung nagyaya." "Sagot ko na, ano ka ba." "Hindi, kasi..." "Ako ang lalake, Aryen, kaya sagot kita." Tumahimik na lang ako pagkasabi nun ni kuya Grey. Isang Italian spaghetti yung inorder ko at brewed coffee. Tapos binigay ko na yong menu sa kanya. Maaga pa naman kasi, 6PM pa. Tapos tinanong ako ni kuya Grey kung ano gusto kong kainin, kaya sabi ko naman busog pa ako at coffee na lang. Actually, yon ang sinagot ko kasi coffee lang talaga ang kaya kong ilibre sa kanya. Hindi ko naman alam na siya pala yong manlilibre sa akin, kahit ako yong nagyaya. Hiya much naman to! Tiningnan ko siya habang seryosong pumipili ng makakain niya sa menu. Tapos tinakpan ko yong bibig ko kasi gusto kong timili. Bigla ko kasing naisip na parang date namin to ni kuya Grey—kahit di naman! Huehue. Minsan talaga assuming much ako. Tinuon ko na lang ang titig ko sa baso ng tubig sa lamesa, baka mahalata pa niya na tinititigan ko siya. "So, habang naghihintay tayo sa order, simulan mo na kung ano yong gusto mong sabihin, Aryen." Sabi ni kuya Grey pagkatapos niyang umorder. Tatlong beses pa akong nakapag-uhmmm bago ako nakahugot ng mga salita. "Kasi ganito yon kuya Grey, last week napilitan akong pumasok sa isang bar." "Bar?" Oo na. Sabi kong magugulat din siya, eh. "Yong kaibigan ko kasing si Nikoli ay may gig dun. Tapos bilang suporta sa kanya ay pumunta kami ng kaibigan kong si Marcela. Pero in exchange naman non, niyaya ko si Marcelang sumali sa Bible study at pumayag naman siya." "Ah, ganon ba. Well, wala namang masama dun unless umiinom ka ng alak." "Hindi, ah! Hindi kami uminom." "Alam ko, hindi ka naman ganong klaseng babae." "Actually, hindi tungkol sa akin ang pag-uusapan natin kuya Grey." Sabi ko. "Sino pala?" "Si David." "Hmnn, parang alam ko na ang ibig mong sabihin." "Talaga? So nakita mo rin siya sa bar? Tama nga ako, may double life si David? Bakit kuya Grey? Di ba nasa worship team siya?" Sunod-sunod kong tanong na para bang wala ng preno. Napailing si kuya Grey pero nakasmile pa rin siya. Ba't ganon, parang kampante pa rin yong pakiramdam niya? "Sinasabi ko na nga ba, yon ang ibig mong sabihin." "Nakita ko kasi siya na tumutogtog sa bar, kuya Grey. Hindi ko maintindihan kung bakit nandon siya." "Alam ko." "Alam mo? Matagal mo nang alam? Kailan mo siya nakitang tumutugtog dun?" "Easy girl, easy. Bago pa man ma-born again si David, nasa banda na talaga siya. The Freaks pa nga yong name ng banda niya. Then he was invited to church and he became a Christian. After nun nagdisband siya sa The Freaks at bumuo ulit ng banda, Beloved na ngayon." "Beloved Band?" Nanlaki talaga ang mga mata ko nang maalala ang introduksyon ni David that night. I can remember that he mentioned that they're the Beloved Band! "Now he is performing on the streets, in rehabs, in prisons, and recently in the bars. Kaya hindi na ako masusorpresa if nakita mo siya sa isang bar." GANUN PALA? Ba't di ko alam yan tungkol sa kanya? Ba't di niya sinasabi sa akin kahit na magkaibigan kami? Pakiramdam ko tuloy hindi niya ako kaibigan, eh! Na hindi niya ako pinagkakatiwalaan. "Alam ba yan ni kuya Ben?" Malumanay kong tanong. Si kuya Ben pala yong head pastor namin sa church. Hindi ko maintindihan kong ano dapat ang maging reaction ko. Baka mahalata ni kuya Grey na concern ako kay David, which is true naman kasi nga magkaibigan kami. Ewan ko lang ngayon after malaman ko tungkol sa pagbabanda niya. Marami pa pala siyang hindi sinasabi sa akin. "Oo naman." Sagot ni kuya Grey at napataas ang mukha ko sa kanya. Nagulat na naman ako. Alam ng pastor namin? Talaga? "Sa katunayan, alam ng buong congregation ang tungkol sa mga gigs ni David. Sa tingin ko wala ka noong Sunday na yon, kaya wala kang idea." "Huh? Bakit ganon? Alam ng lahat except sa akin? Pero bakit kuya Grey, bar yon, eh! Nightlife!" "Excuse me, ma'am, order niyo po." Sabi ng waitress saka inayos yung mga order namin sa table. Hindi ko na lang siya pinansin kasi nagsalita ulit si kuya Grey. "Mukhang nakalimutan mo ata Aryen kung ano ang great commision nating mga Christians." Ika niya. "It's to win the lost. Sa tingin mo ba pag nasa simbahan lang tayo palagi ay makakabless tayo ng ibang tao?" Natahimik ako bigla. Pakiramdam ko ang lamig-lamig ng mga daliri ko. Matutunaw na ata ko. Tama nga si kuya Grey. Ngayon lang ako mas nalinawagan sa lahat. "The lost people are out there, Aryen, waiting for us to reach out. Yan ang punto kung bakit tumutugtog si David sa mga bars, sa mga prisons. Kasi those are some of the places where people needed to hear the Truth. Hindi naman nagpe-preach si David dun. But he sings Christian songs and say words that will encourage people, in one way or another." Napasandal ako sa mga braso ko na nakapatong sa lamesa. Bigla akong nalupaypay. Ba't di ko naisip yan? Pakiramdam ko tuloy napaka-judgmental ko towards kay David. Hinusgahan ko pala siya agad na wala sa lugar. Tapos hindi ko pa binabasa lahat ng texts niya. Pati calls niya hindi ko sinasagot. Anong klaseng kaibigan ako? Eh ba't naman kasi hindi niya sinabi sa akin ang pagbabanda niya. Yan tuloy kung anu-ano na ang mga iniisip ko. "Akala ko may double life si David. Hinusgahan ko na agad siya." Mahina kong sabi. Hindi ko na inabala ang pagkain ko sa lamesa. "Para kay Lord din pala yung pinaggagawa niya." Narinig ko ang mahinang tawa ni kuya Grey. Kaya naman nag-angat ako ng mukha. Bakit, nakakatawa ba ang sinabi ko? "Yan pala ang problema mo? Sus, akala ko kung anu na." "Nag-alala kasi ako, kuya Grey. Pero salamat at pinaliwanag mo sa akin." "Bakit di mo inapproach mismo si David?" "Ayoko kasi na sa kanya manggaling. Natatakot ako na baka nga may double life siya." "Concern ka ba sa kanya?" "Syempre naman, magkaibigan kaming dalawa ano!" Bigla kong sabi pero tinakpan ko agad ang aking bibig. Nagulat din ako sa sinabi ko. Lagot. Masyado na akong obvious. "Normal lang na concern ka sa kapwa Christian mo. Pero sa tingin ko, wait, may gusto ka ba kay David?" "Huh?" Namilog ang mga mata ko nang tanungin yon ni kuya Grey. "Wala noh! Ba't mo naman nasabi yan, kuya Grey!" Tumawa na naman siya. Tinapang okra, oo. "Kasi naman ito ang unang pagkakataon na sinabi mong may problema ka. At ni minsan hindi ka nagpapakita ng concern sa mga lalake, except marahil sa akin." Syempre ayokong isipin ni kuya Grey na may crush akong guy sa church! Kaya maingat ako sa mga ganyang bagay, as if naman magugustuhan niya ako kapag wala akong crush! Hay naku, Aryen. "Wala akong gusto sa kanya." Pagdidiin ko. "Oo na. Nakakatuwa ka naman." Sabi niya habang ngumingiti. "Oh sya, magpray na tayo at nang makakain na. Medyo nagutom ako dun, ah." Agree naman ako. I closed my eyes when kuya Grey prayed for the food. PAGDATING ko sa bahay tinext ko kaagad si David. Humingi ako ng sorry pero hindi ko sinabi kung bakit. Kaya naman nagreply siya ng, "Sorry saan, Aryen?" Basta, sorry. Reply ko ulit sa kanya. Maya-maya'y bigla siyang tumawag at muntikan ko pang mabitawan ang cellphone ko sa tindi ng gulat. Nagdawalang-isip pa nga ako kung sasagutin ko ba o hindi. In the end, sinagot ko naman. "Hello?" Sabi ko, nauutal bigla. "Hay salamat, after one week, sinagot mo rin ang tawag ko. Ba't ka biglang nag-sorry?" "Basta." "Ayoko ng basta. Mag-usap tayo this Sunday after service. Wag mo na akong iwasan, okay?" "Opo. Mukhang need nga nating mag-usap." "Ses. Na-miss mo ako, noh?" "Neknek mo. Basta, see you when I see you." Tanging sabi ko bago ko siya binabaan. Na-miss mo ako, noh? ! Tinapang taho. Oo na nga! Aaminin ko. Na-mimiss ko si David. Eh kasi naman hinusgahan ko siya kaagad tapos ang praning ko pa. May gusto ka ba kay David? Na-miss mo ako, noh? Waaah! Hindiiii! Wala akong gusto sa kanya. Wala! As in wala. Pero bakit...bakit ang lakas nang kabog ng dibdib ko? Lord, oo sinabi ko na alisin mo yong feelings ko para kay kuya Grey. Pero hindi ko naman dinasal na ilipat mo ang feelings ko kay David Gonzales! Hindi!!!!!! Ok, chillax lang. Inhale. Exhale. Dulot lang to ng kape kanina. Yun lang yun. Sana. Huehue.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD