Secret 3

3142 Words
PAGBABA namin ni Marcela sa tricycle ay naglakad pa kami ng konti bago makita yong Sesame Resto Bar. Doon kasi ang gig ni Nikoli. Panay naman ang takip ko sa aking mukha gamit si Royale. Kasi naman kinakabahan ako na baka may makakita sa akin na kakilala ko sa church. Ano nalang kaya ang masasabi nila kapag nalaman nilang pumunta ako sa isang bar? Tapos alas syete pa ng gabi. Wow naman. Bakit nga ba ako napasubo dito? Ah, ang Bible study na kasama si Marcela. Sa dinamidami ba naman kasing paraan, sa ganitong opportunity ko pa napapayag si Marcela. Talaga naman oo. "Ba't mo tinatakpan mukha mo, Aryen? Andito na tayo sa bar." Sabi ni Marcela kahit obvious naman na alam ko. "Papasok na ba tayo?" Tanong ko, di ko kasi masyadong makita ang daan, o kung tama ba ang dinadaanan ko. Kasi naman nakatakip talaga si Royale sa mukha ko. Hindi naman always noh. Tatanggalin ko naman ang takip kapag nakapasok na kami sa bar. Sa labas lang naman ako natatakot kasi daanan ng mga tao. Pag nasa loob na kami, alam ko namang wala akong kakilala sa church dun. Tatanggalin ko na lang inside. "Halika nga, susmeta ka naman, Aryen. Praning ka rin kung minsan." Sabay hila sa akin ni Marcela papasok sa loob ng bar. Alam mo? Ang praning mo, promise. Bigla akong nagulat nang maalala ko ang komento ni David sa akin last time, noong nag dinner kami sa Tadakuma. Bakit ko ba biglang naalala yun? My gosh naman. Praning nga talaga ako gaya ng sabi ni David. Tapos ngayon, si Marcela na naman. O sige na nga, praning na ako. Tapos? Nagulat nalang ako nang bigla kaming hinarangan ni manong guard. "Wait, miss, bawal po kayong magdala ng underage sa loob." Sabi ni manong guard kay Marcela at napatingin naman siya sa akin, saka biglang tumawa ng malakas. Dun ko lang napagtanto na napagkamalan pala akong underage! Tinapang okra naman, oh. "Twenty na po ako, guard." Pauna ni Marcela tapos hinila ako palapit sa kanya. "Ito namang kasama ko ay matanda sa akin ng tatlong taon. Hindi na po kami underage." "ID niyo?" Tanong ni guard sabay lantad ng kanyang malapad na kamay. Aba naman, si manong guard, nahihirapang maniwala, gusto pa ng pruweba? Nakasimangot si Marcela habang kinuha yong ID niya sa bag. Hinablot ko na rin yong sa akin na nilagay ko sa bulsa ng pantalon ko. Ano ba tong pinasukan ko! Kinumpirma ni manong guard ang mga ID namin tapos pinapasok na niya kami. Napailing pa nga siya, eh. Kaloko much. Nang makapasok na kami sa bar ang lakas-lakas na ng t***k ng puso ko. Kabig ng dibdib talaga. First time kong nakapasok sa isang bar ngayon, tapos di pala ito ordinaryong bar! Mukhang mamahalin ang mga bilihin dito, pang sosyal talaga ang ambience. Kinabig ko sa Marcela at bumulong. "Ang strict naman ata nong guard sa atin kanina? Anong klaseng bar ba to?" "Hindi ko rin alam, eh. Basta ang sabi ni Nikoli, dito yong gig niya. Wait, itetext ko muna siya." Habang busy si Marcela sa pagtetext kay Nikoli ay hinila ko din siya papunta sa upuan na bakante. Doon kami pumuwesto sa may harapan ng small stage. Buti na lang at meron pang bakante. Karamihan kasi sa mga tao ay doon nakaupo malapit sa bar counter, para siguro madali na lang ang pag oorder. Nakapwesto kami sa may harapan talaga. May naka-arrange na ngang drum set eh, meron ding organ at saka mga gitara. Pang gig type nga siguro ang bar na to. Medyo dim ang mga lights nila. Ganito ba talaga sa bar? "Dito nga, Aryen. Nagtext si Nikoli. Sabi niya magpeperform na sila in a few minutes. Order na lang daw tayo ng snacks at softdrinks. Sagot daw niya ang bayad." Sabi ni Marcela at umupo sa tabi ko. Pareho kaming nakaharap sa small stage. "Sure ka merong softdrinks dito?" Tanong ko. "Oo daw, syempre may mga KJ din dito na gaya natin." Patawa niyang sagot. Hindi naman maingay sa bar, masyadong civil at sosyal ang mga tao dito, usually mga professional na. Meron ding mga matatanda. May mga nagchichismis dito at doon, at halakhakan, pero di naman malakas. Mas malakas pa nga yong background music, eh. Tumigil yung background music at dun namin napagtanto na lumabas na pala si Nikoli at ang bandmates nito. Pigil naman ang tili ni Marcela nang makita si Nikoli na nagpi-prepare ng drum set niya. Oo nga pala, si Nikoli ang drummer sa bandang pinasukan niya. Wala pa daw siyang isang linggo sa banda. Buti nga at tinanggap na siya. Ilang audition din kaya ang nasubukan niya. Sa katunayan, di ko pa alam kung ano pangalan ng bandang sinalihan niya. Mukhang namention sa akin ni Marcela kahapon, kaso di ko na maalala. Lumabas na din yong gitarista ng banda. Bigla naman akong nauhaw kaya tinawag ko na yong waiter upang umorder ng softdrinks, siguro snacks na rin. "Good evening, guys!" Narinig kong sigaw ng isa sa kanila. Siguro yong lead vocalist. Maganda at masyadong buo kasi ang boses niya. Yong tipong sa boses pa lang, nakakainlab na? Pero syempre di naman effective sa akin yon. "This is our second gig here. Gusto kong magpasalamat sa maganda niyong feedback last time. Hopefully, continuous na talaga. This is the Beloved Band and I'm David Gonzales, your pianist and vocalist for tonight!" Nandilat ang mga mata ko nang marinig ang pangalan na David Gonzales. At sa sobrang lakas ng kaba ko ay hindi ko na narinig na nagsimula na palang tumugtog ang banda. Parang ayaw kong lumingon sa harap. Kahit ang lakas na nang tili ng mga babae sa loob ng bar. Tapos nakisali pa si Marcela. David Gonzales? Tama ba ako sa narinig ko? Impossible namang si David yon di ba? Hindi naman siya pupunta sa mga ganitong lugar. At lalong hindi niya gagamitin ang talent niya para sa mga worldly matters! Wait. Isa lang ang paraan para mawala ang pagkapraning ko. Ang lumingon sa harap! Breathe in. Breathe out. Sabi ko sa sarili ko atsaka tuluyan nang lumingon sa harap. Napahawak ako sa dibdib ko nang makita ng malapitan ang mukha ng vocalist. Nakapikit ito at nagsisimula nang pinapawisan ang mukha. Kahit nakapikit siya, kahit dim ang lights, ay kitang-kita ko kung sino siya! Si David Gonzales nga na kaibigan ko at pianist ng simbahan namin. Wala ng iba! Pakiramdam ko gumuho bigla ang kinatatayuan ko. Kahit di naman. Parang ang hirap paniwalaan. Anong ginagawa ni David dito? Bakit siya kumakanta sa mga gigs at pianista din talaga? Two in one ang role niya kumbaga. Siya mismo ang pianist at vocalist na din. Kung para kay Lord to, kung event sa simbahan, okay lang. Pero bakit dito? Bakit niya ginagamit ang talent niya sa mga ganitong lifestyle? Hindi ba't nasa worship team siya? Anong ginagawa niya dito?! Para na akong malulula sa katatanong sa sarili ko. Para akong mahihilo. Buti na lang at dumating na yong waiter at may dala ng softdrinks. Pero humingi na rin ako ng tubig. Feeling ko mawawalan ako ng malay dito. Hindi ko inakala na sa lahat ng kakilala ko, ang kaibigan ko pang si David ang makikita sa loob ng bar na'to! Buti na lang at busy si Marcela sa katitili para kay Nikoli. Hindi niya napansin ang panlalamig ko sa upuan. Feeling ko nga ang putla-putla ko na. Ni hindi ko na rin na-appreciate ang pagtugtog ni Nikoli ng drums. Ang laman ng isip ko ay nakaikot lang kung bakit nandito si David. Tapos ang kinakanta pa niya ay ang wordly song na "Perfect" by Simple Plan. Napakadisheartening kaya non! Wag mong sabihing...may double life si David! Oh, hindi! Kung anu-ano ang sumagi sa utak ko at di ko namalayan na tapos na pala ang first song. Mukhang di pa rin ako namukhaan ni David. Patuloy pa rin siya sa pagsasalita, hanggang sa inintroduce niya ang second song. Pero bago yon, humirit muna siya. "This is the song for all broken hearted, for those people who are experiencing pain, trials, and struggles in life to a point that you don't know yourself anymore. If you are that person, this song is for you, 'Who Am I?' by Chris Tomlin!" What? Isn't that a Christian song? Bakit niya kinakanta yan dito sa loob ng bar? Ano bang pinaglalaban mo, David Gonzales? Hindi ko talaga maintindihan kung bakit! Nang magsimula na ang kanta, hindi na ako makatiis. Tumayo na ako bigla sabay hampas ng dalawa kong kamay sa lamesa. Mukhang napalakas ata ang hampas ko kasi napalingon sa akin si Marcela. Kahit di ko naman intention na lakasan ang hampas. Nang mag-angat ulit ako ng mukha, dun ko napagtanto na napansin na ako ni David. Nag-abot ang aming mga mata—parehong gulat na gulat sa isa't isa. Puwes, tinitigan ko talaga ng matagal si David. May halong kaba at dismaya ang mga titig ko sa kanya, na para bang pinaparating ko na mali yong ginagawa niya. Na hindi siya dapat naririto. Na ang isang tulad niyang nasa worship team ay di dapat sumasali sa mga gigs na ganito! Masyado akong nadala sa emosyon at nakalimutan kong andito rin pala ako sa loob ng bar. Kaya kung makatitig si David sa akin ay gulat na gulat din. Pero wala akong pakialam. Mas nakakadismaya yong ginagawa niya! Tumigil siya bigla sa pagtugtog ng piano. Pero kumakanta pa rin siya. Siguro nakalimutan niya ang mga keynotes ng kanta ng dahil sa akin. Pero tama na, mahapdi na masyado sa aking mga mata at tenga ang boses at pagmumukha niya. Na para bang bigla kong nalimutan na...na wala pala akong karapatan para magalit sa kanya. Buhay niya yon. Kaya naman bago pa ako madismaya nang lubusan ay napagdesesyunan kong umalis na sa bar. "Sorry, Marcela, I need to go." Sambit ko at saka kumaripas ng takbo palabas ng bar. Ni hindi na ako lumingon nang tinawag ni Marcela ang pangalan ko. David Gonzales! You disappoint me! Huhu. Hindi na po huehue. Sorry. At sorry Lord. Dahil kahit anong gawin ko, disappointed talaga ako sa kaibigan kong si David. Hindi lang yon, galit na rin ako sa kanya. Kahit magkaibigan kami, bestfriend pa talaga, ni hindi man lang niya ito namention sa akin. Kaya naman huhu instead of huehue. Huhu na talaga. SUNDAY na agad. Biglang bumilis ang panahon. Usually, kapag Sunday sa umaga ay excited akong bumabangon mula sa kama. Excited akong naliligo at ilang beses akong umiikot sa salamin masigurado lang na presentable yong suot ko. Pero ngayon hindi, eh. Para akong gulay na nasalanta sa bagyo. Hindi pa rin kasi mawala sa isip ko yong gabi na nakita ko si David sa isang bar. At mas lalong nawalan ako ng gana kasi nga makikita ko siya today. And as usual, he will play the PIANO in front of the congregation! Di naman ganon ang pagkakilala ko kay David, pero di ko pa rin maiwasang mag-alala. Baka naman may reason kung bakit nandon si David, sabi ng kalahati ko. Ngunit kahit na, nakakastumble pa rin yong pinaggagawa niya, sabi naman ng other self ko. Ah basta! "May nangyari ba, Aryen? Kanina ka pa tulala." Nasa loob na kami ng taxi ni ate Clarice nang bigla niya akong tinanong. Ang lakas talaga ng instinct ng ate ko, grabe. O siguro napaka-obvious ko lang talaga. "May iniisip lang ate." Sagot ko naman. Tahimik na kaming pareho pagkatapos nun, hanggang sa dumating na kami sa church. Nagsimula na ang worship pagdating namin. As usual, sa bandang likuran kami umupo ni ate Clarice. Humarap ako para mag-angat nang mukha at makita ang lyrics na kinakanta (may malaking projector kasi sa harapan). Di ko mapigilan at sa bandang kaliwa ako dumeretso ng tingin, kung saan nakapwesto ang piano. Ngunit sa laking gulat ko, hindi si David ang tumutogtog ng piano! Nasan si David? Panay na lamang ang lingon ko mahanap lang kung saan si David nakaupo. For sure, nakaupo lang siya sa tabi-tabi kapag hindi siya ang tumutogtog. Muntikan akong sumigaw nang biglang may tumapik sa balikat ko mula sa likuran. Sa paglingon ko ay bigla akong naspeechless nang malaman na si David lang pala. Ngumiti siya sa akin ngunit no reaction lang ako. I mean, how should I react to him? Naalala ko ang pagkanta niya sa bar, at bigla akong kinabahan. Kaya naman patay mali nalang ako at tumalikod na agad. Hindi pa ako ready para kausapin si David tungkol dun. Ramdam ko na hindi agad umalis si David aking likuran. Siguro hindi niya inaasahan na tatalikuran ko siya. Pero bahala siya. He disappointed me so much. Ang masaklap, close friends kami masyado! Like duh, lapis at papel?! Ayoko munang makita siya. Kung anu-ano kasi ang sumasagi sa isipan ko. Kaya pumikit nalang ako at tahimik na nagdadasal kay Lord na sana ay paalisin na niya si David sa likod ko. Maya-maya, umalis na din si David. Dun siya sa bandang harapan ng stage umupo. Oo, meron kasing malaking stage sa harapan kung saan doon nagpi-perform ang music team. Medyo may kalakihan din kasi itong simbahan namin at marami na ring mga taong nagsisimba. We're growing in number almost in every month. Yong iba nga lang ay kontento na sa pagiging church-goers. TAPOS na ang service at tapos na rin kaming kumain ng lunch ni ate Clarice. Wala kaming service sa hapon. Pero halos lahat ng kabataan ay tumatambay pa rin sa church kahit tapos na ang service. Fellowship time kasi namin ang hapon. In other words, bonding moment with other cell groups. Meron kasi kaming cell group sa church. At kami ng ate Clarice ko ay under sa cell group nina kuya Richard at ate Lorice, mag-asawa din. Kami ng ate ko ay tumatambay minsan sa church after service. Lalo na kapag hindi kami nakapag-cell group kina kuya Richard due to school matters. Sa McDonalds kami kumain ni ate, malapit lang naman sa church namin. Sabay na din kaming bumalik. Pero siya yong naunang pumasok kasi nakita ko si Mikoo at yong mga kapatid niya sa labas. Sila ang mga estudyante ko sa Sunday school. "Kr, Jr, Sr!" Masaya kong tawag sa kanila. Si Mikoo nga lang ang unang nakapansin. Papunta ako sa kanila at nakita naman ako ng kanilang Mama. "Si Tita, oh! Go to Tita." Nakangiting sabi ni ate Jackie sabay pag-eenganyo sa kanila na lapitan ako. Siya ang pretty Mom ng apat na magkakapatid na lalake. "Teach!" Sigaw ni Kr, short for Karyl Rin. Walong taon na si Kr, at sa kanilang apat na magkakapatid sa kanya ako close talaga. Siya kasi yong pinakauna kong nakuhanan ng loob. Pinisil ko sa mga pisngi si Kr. Tapos hinaplos ko ang kanyang buhok sabay tanong, "Na-miss mo 'ko?" Napailing na oo naman ang bata. Nakakatuwa. Kinarga ko naman si Jr, short for John Rin. Siya yong paborito kong kargahin kasi hankyuut niya talaga. Tapos magaan pa. Dalawang taon na pala si Jr. At kahit hindi pa siya marunong magsalita, alam na niya paano i-pronounce ang salitang tita. Tita kasi ang pinapatawag ng mommy nila sa akin. Si Mikoo naman ay dala-dala yong baby cart ni Sr, short for Stanley Rin, ang pinakabunso sa lahat. Mag-aanim na buwan pa kasi siya. Si Mikoo yong pinakamatanda sa kanilang magkakapatid. Thirteen-years-old na si Mikoo pero maaga siyang nagmature. Sa batang edad niya alam na niya ang mga responsibilidad niya sa buhay at sa Mommy niya. Iniwan kasi sila ng Papa nila months after nang mapanganak si Sr. At dahil dun, sabi sa akin ni ate Jackie na si Mikoo na ang tumayong Papa at kuya sa mga bata. Minsan nga, nasabi sa akin ni ate Jackie na, "Kaya ikaw Aryen, wag kang basta-basta mag-asawa. Lalo na kapag di mo naman masyado kilala yong guy. Yung sa akin nga, Christian na yung ama nila at buong pamilya nito. Ngunit kahit Christian pala ay nagagawa pa ding manloko." Ang ama nina Mikoo ang ibig sabihin ni ate Jackie. Christian kasi ito nang pakasalan niya, ngunit nung nagsama na sila ay nag-iba na kaagad ang katauhan nito. Mapang-abuso pala siya. At ang masaklap ay nakikita ng mga bata ang pananakit ng ama nila sa kanilang ina, especially si Mikoo. Sabi nga sa akin ni ate Jackie na hanggang ngayon ay may hinanakit pa rin si Mikoo sa ama. "Hi, Sr!" Hiyaw ko nang makalapit na ang cart ni Sr. Si Mikoo naman ang nagpu-push nito. Natuwa ako nang mag-smile si Sr. Silang lahat kasi ay familiar na sa mukha ko. At close talaga ako sa kanilang magkakapatid. Tapos ang gwapo-gwapo nilang lahat. Tisoy much. Kung ako ang magkaka-anak, sa kanila ko ililihi. Joke lang. Huehue. "Teach, bakit wala po kayo kanina sa Sunday school?" Tanong ni Mikoo. Kaya naman napaangat na ako ng ulo, eh kasi naman mas matangkad si Mikoo sa akin ng ilang guhit! Pang basketball player ata ang batang to, eh. "Iba kasi ang naka-assign na mag-assist kay teacher Jen." Sagot ko naman habang nakangiti. Ewan ko ba sa mga batang to, kahit hindi naman ako ang nagtuturo ay lagi akong hinahanap. Eh assistant teacher lang naman ako. In other words, ako yong police kapag nag-iingay na silang lahat. Ako yong tagahabol kapag may isang lumabas. At ako ang tagabili ng foods para sa snacks nila. Buti na lang at masipag na bata itong si Mikoo. Minsan kasi tinutulungan niya ako sa pagdadala ng mga foods. "Ganon po ba." Aniya. "Aryen!" Lumingon ako sa likod nang marinig kong may tumawag sa akin. Namilog ang mga mata ko nang mapagtantong si David pala. Naku lagot. Sabi nang hindi pa ako ready makipag-usap sa kanya, eh! "Ah, tara-tara! Ihahatid ko na lang muna kayo sa labas." Mabilisan kong sabi kay Mikoo at dumeretso kung saan naghihintay si ate Jackie. Sumunod naman yong mga bata sa akin. Hindi ko alam sumunod pala si David sa amin. "Sa tingin ko kailangan nating mag-usap." Pahabol ni David. "Hindi mo sinasagot yong text at tawag ko. Iniiwasan mo ba ako, Aryen?" Huminto ako bigla. Medyo hinihingal pa nga ako kasi karga ko si Jr. Finally, hinarap ko si David. Nagpupumilit akong ngumiti. "Sandali lang muna David, ha. Kasi may mga bata, you know. Thanks!" At alam kong alam niya na mapakla ang mga ngiti ko. Pagkatapos noon saka ko siya iniwang mag-isa. Buti naman at di na siya sumunod! "Ano po yun, Teach?" Tanong ni Mikoo. "Wala." "Pag sinasabi ng matatanda na wala, ibig sabihin non, meron." Giit ni Mikoo at natigilan ako. Nilingon ko siya at nagawa ko pa ngang matawa. Sabi ko, "Nakalimutan ni Teach, matalino ka nga pala." Napakamot na lang siya sa ulo. "Sorry Teach, makulit ako." "Lahat naman ng bata ay makukulit at palatanong." Sabi ko sa kanya at nagpatuloy ng lumakad papunta kay ate Jackie. Bahala si David sa buhay niya. Bahala nga ba? Huehue.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD