Secret 6

2107 Words
WALA akong imik habang nakasakay sa kotse ni kuya Grey. Nasa front seat ako and I have mixed feelings right now. Pero alam kong kinakabahan ako. Nabuking na pala kami ni David na nagkikita kaming dalawa ng palihim. At si kuya Grey pa talaga ang unang nakakaalam! Shocks naman. Pasekreto kong tinext si David. Dapat niyang malaman na kasama ko si kuya Grey, kung hindi, masha-shakira talaga yon. Pero wala akong natanggap na reply! Kaya mas lalo akong kinabahan. "Ako na." Sabi ni kuya Grey pagkatapos niyang ipark ang car sa parking area ng Ninety Buffet. Binuksan niya ang pinto ng kotse para sa akin, at di na ako magtataka. Gentleman si kuya Grey, lalo na sa mga taong malapit sa kanya. "Salamat kuya." Sabi ko at sabay na kaming pumasok sa restaurant. Nakita agad namin si David. Nakaupo na ito sa di kalayuang lamesa. Kumaway siya sa amin at nakangiti pero alam kong pwersahan na lang ang ngiti niya. I can't blame him. He didn't expect kuya Grey to be with me tonight. Hindi nag-iisa si David. May kasama pala siyang mga workmates. Dalawang lalake at isang babae. Alam ko na workmates niya yon kasi nakita ko na sila minsan, nong nagkita kami ni David sa labas ng kompanyang pinagtatrabauhan niya. "Hi kuya Grey." Bati ni David nang makalapit na kami. "Kailan ka pa natutong manlibre, David? Ikaw ha." Sagot naman ni kuya Grey na may halong pang-iinis sa kanyang boses. Napakamot na lamang sa ulo si David. "Nagkataon kasi na sweldo ngayon." Sabi ni David habang kinunan ako ng upuan. I end up sitting in between of kuya Grey and David. Nakaupo naman sa harap namin ang mga workmates niya. "Mga workmates ko pala, si Jim, Adrian and Lilly." "Hello po!" Sabay sabi ng tatlo. Tumango na lang kami ni kuya Grey at nagpakilala rin sa kanila. "Alam mo bang may mga kasama siya?" Tanong ni kuya Grey sa akin, mahina lang ang kanyang boses para di marinig ng iba, lalo na ni David. The question was really intended for me alone. Umiling ako sa ulo, meaning, hindi ko alam. Wala namang sinabi sa akin si David na may kasama pala siyang workmates this time. Kuya Grey rolled his eyes in curiosity. Hindi ko na lang pinansin ang mga curious stares niya hanggang sa niyaya na kami ni David na kumuha ng aming pagkain sa buffet table. Sabay na kami ni kuya Grey kasi nakakuha na pala ng food sina David. That buffet dinner was an awkward night. David and I didn't talk much. Mas binibigyan niya ng pansin yong mga ka-workmates niya at si kuya Grey. No comment na lang din ako. Medyo nawalan din ako ng gana kasi nga si David ang nag-invite sa akin tapos siya pa ang may ganang mang-snob. Loko talaga ang batang yan. Minsan hindi ko na alam kung ano ang kinikilos niya! Napansin ni kuya Grey ang pananahimik ko sa upuan kaya binaling niya ang atensyon sa akin at pilit akong pinapatawa. Kahit di naman nakakatawa yung mga jokes niya. Pati pagkain hindi niya pinatawad. "Mas masarap ang mga luto ni Mama." Sabi ni kuya Grey. "Talaga? Patikim naman minsan, kuya Grey." Natutuwa kong sabi. Basta food talaga, nae-energize ako bigla. Alam din ni kuya Grey kung paano pasiglahin ang mood ko. Eh kasi naman sa tuwing humihingi siya ng pabor pagdating kay ate Clarice ay food lagi ang hinihingi kong suhol. Mukhang pagkain talaga ako. Huehue. "Hayaan mo pag magluluto si mama ng baked macaroni, bibigyan kita." Nakangiti niyang sagot saka siya sumubo ng isang kutsarang macaroni salad. "Okay lang ba ang lasa ng pagkain, Aryen?" Biglang tanong ni David sa akin kaya naman napalingon ako sa kanya. Buti naman at naisipan na ni David na kausapin ako! Akala ko kasi nalimutan niyang andito rin ako. Pfft. "Okay na okay, busog na nga ako!" Sabay haplos ko sa tiyan. Oh my gosh, ang bilbil ko nadagdagan! Pahamak na katakawan. "Saan kayo after dito, David?" Tanong ni kuya Grey. Naspeechless bigla si David sa tanong na yon. Kaya matagal-tagal din siyang nakasagot. "Uuwi syempre, san pa nga ba?" "Ah, akala ko kasi manunuod pa kayo ng sine." "Wala namang magandang palabas ngayon." Madiin na sabi ni David. "So kung merong magandang palabas, manunuod kayo?" "Kuya Grey!" Mahina kong sabi. I suddenly felt embarrassed sa mga tanong ni kuya Grey. Nakakahiya naman kasi lalo pa't kasama namin ang mga workmates ni David. Isa pa, bakit naman kami manunuod ng sine? Kung group date pwede pero kung kami lang dalawa—hindi. "Kung papayag si Aryen, bakit hindi?" Hirit naman ni David. My jaw dropped down in surprise. Nakita ko ang bigat sa pagtutok ng mga mata ni David kay kuya Grey at ganun din naman si kuya Grey. It seemed like they've been challenging each other. At hindi ito ang inaasahan kong mangyari. "At sa tingin mo naman papayagan ko kayo?" "Kung makapagsalita ka as if naman kapatid mo talaga siya." "Ano ba David, tama na, si kuya Grey yang kinakausap mo." Maingat kong bulong sa kanya. But I was mentally ignored by him. Shocks naman! Ano bang nangyayari sa binatang to?! Binasted na ba to ni Shey? At kaya siya nagkakaganito? Na parang wala sa saliri? Si David ang unang sumuko sa staring challenge at bigla na lang itong tumawa ng malakas. "Joke lang kuya Grey, hindi ka naman mabiro." "We're not kids anymore para magbiruan, David." Sagot ni kuya Grey na ikanahiya naman bigla ni David. Nahiya din ako. Bakit ba kasi sumama pa si kuya Grey dito? Hindi niya kailangang pagsabihan si David just because of me. I think he misunderstood everything. He misunderstood David's kindness towards me. I don't want to admit it but this is the first time I felt bad because of kuya Grey. "Uhm, excuse me?" Mahina kong sabi. Ayokong mag cause ng lamat sa pagitan ni David at kuya Grey. Ayokong mag-away sila ng dahil sa akin. Wait—feeling haba ng hair ata ang drama ko, a. Mukhang malabo itong naiisip ko kasi magkasama silang dalawa sa ministry at ni minsan hindi ko nakitang may kaaway si kuya Grey. "Thanks nga pala sir David sa libre!" Biglang sabi ni Lilly upang mapawi ang tensyon na bumabalot sa pagitan nina David at kuya Grey. Kahit sila mismo ay nakapansin na sa maasim na patutunguhan ng diskusyon ng dalawa. "Thanks bro." Second the motion din ni Adrian at Jim, mga kasamahan din ni David sa trabaho. Ayy, muntikan ko pang nalimutan ang presensya nila! "Walang anuman. Anyway, ihahatid na kita Aryen pa-uwi." David suddenly suggested. "Hihingin ko lang yong bill." Dagdag niya sabay tayo. "Ihahatid ko na kayong dalawa." Diin ni kuya Grey. Tinitigan lang siya ni David bago tumango. Umalis kami sa buffet restaurant na medyo mabigat sa pakiramdam. Nag-commute lang yong workmates ni David dahil malapit lang ang boarding houses nila sa area kaya hinayaan na lang ni kuya Grey. Sa back seat ako pinaupo at sa passenger's seat naman si David, katabi ni kuya Grey. Alam ko na nag-uusap silang dalawa ngunit di ko na marinig kung ano man yung pinag-uusapan nila. Sinadya kasi nilang hinaan para di ko marinig. At dahil dun, nakaka-awkward bigla. Di ba pwedeng mag-usap sila na wala ako? Lalo pa at ako ata ang pinag-uusapan nila. Tinapang okra naman, oh. Ako ang unang inihatid ni kuya Grey kasi nga ako ang babae, gentleman eh. Pero sa kanto ng kalsada lang naman. Hindi kasi nakakapasok ang mga sasakyan sa lugar namin, masyadong makitid ang kalsada. Nagpasalamat ako sa kanilang dalawa bago tuluyang bumababa. Hays. Hindi ko man lang nakausap si David ng masinsinan ukol sa mga pangyayari. Minasdan ko ang sasakyan ni kuya Grey papalayo. Pakiramdam ko may magbabago sa susunod naming pagkikita ni David. Feel ko lang. Sa tingin ko kasi pinagsabihan na siya ni kuya Grey na itigil ang pakikipagkita sa akin. Hindi ko naman masisisi si kuya Grey. May mas karapatan siyang pagsabihan si David kaysa sa akin. Kahit hindi si kuya Grey ang cell leader ni David, spiritual leader pa rin niya ito kasi si kuya Grey ang leader ng Music Team. Whether David likes it or not, he needs to consider kuya Grey's counsel. Even though it's for our own good, somehow I feel sad. Bakit kasi si Shey pa ang napupusuan ni David? TATLONG araw na akong nagtetext kay David pero hindi pa rin siya sumasagot. I tried calling him pero laging unattended ang phone niya since this morning. I'm starting to get worried. Hindi naman siguro niya ako iniiwasan ano? Wala naman akong makitang rason para iwasan niya ang mga text ko. Hindi kaya dahil may sinabi si kuya Grey sa kanya last time? Wag naman sana! Kagagaling ko lang sa school at sa duyan na ako nagpalipas ng hapon. May duyan kasi sa balcony ng apartment, nilagay yun ng binatang tiyuhin namin. At kapag wala siya ako ang madalas nagpapalipas ng boredom sa duyan, gaya today. David, okay ka lang ba? Yon ang huling text ko sa kanya kanina. Hindi na talaga ako makatiis, kailangan kong malaman kung anong nangyari sa kanya o kung iniiwasan ba niya ako. Whichever the reason, I need to know to ease my worriness. Nag-beep ang phone ko at agad kong binuksan kung kanino galing ang text. Si David! Finally. Napangiti ako bigla pero agad namang nawala nang mabasa ko na ang reply niya. David:I'm not okay. I'm sick. Ako: What? Anong sakit? Since when? David:Since two days ago. I was admitted. Ulcer. Sorry, just got your texts. Partly, gumaan ang pakiramdam ko. Hindi niya pala ako iniiwasan. May sakit lang pala si David. Pero wait, hindi ako dapat matuwa na may sakit siya! Hay naku. Ah basta. At least may reason pala siya kung bakit di siya nakakapag-reply. Ako: Saang hospital? Bibisita ako. David:Noneed na, Aryen. Nasa bahay na ako ngayon. Still recuperating though. Ako: Sorry, I spammed you with many messages. May sakit ka pala. David:Okay lang, ano ka ba. Kamusta ka na? Ako: Ikaw ang kamusta! David:Glory to God okay na talaga ako. Pahinga na lang. Pupunta sina Jude mamaya sa bahay, congratulations dinner daw dahil nakalabas na ako. They will bring food sabi nila. Gusto mong sumama? Dot...dot...dot. Ay, meron palang ganon kapag nakalabas na sa ospital? Pero wait, did David just invite me to his house? I want to go and see it myself that he's okay pero it's not good for a woman to go to a man's house! Wait. Kasama nga sina Jude, diba? Ang OA ko naman atang maka-react. Ako: Okay lang ba na pupunta din ako? Sinu-sino ang sasama? David: Sina Jude, Paul, Nhads at Dianne. Si kuya Grey din sana, kaso di siya pwede mamaya. Ako: Wait, invited din sana si kuya Grey? Did I read it right? David: Yep. Actually, it was kuya Grey who came to my rescue. It was late night at wala akong kasama sa bahay when I was crawling in pain. I couldn't think of anyone to ask for immediate help but Grey. Ako: Ahhh...nice. Buti na lang at naisipan mong itext si kuya Grey. David: Why, you thought I was mad at him? Ako: Nope! I thought you had an argument with him...last time. David: We had. Because of you. But I trust his judgment because he's older. And we're not ignorant kids anymore, we're men of God. Ako: Oo nga naman, haha. Buti naman at okay na kayo agad. Sorry if nag-argue kayo dahil sa akin. David: He's just protecting you, that I understand. Ako: Well, he does that to everyone. Anyway, sige sama ako mamaya. What time? David: Great! 6Pm daw. You know Mangosteen Drive? That's my home address. There's a Julie's Bakeshop along the road, wait for me there. Ako: Kkk! Yosh. What do you want me to bring? David: Just yourself. Your presence is enough. . . . Ano daw? Wait, dapat ba akong kiligin sa sinabi ni David? Waaaa. Ano ba to! Kahit ayokong kiligin, kinikilig talaga ako! Does it mean nakamove-on na ako sa feelings ko kay kuya Grey? Does it mean I like David now? NOOO! I'm still not in the position to like my bestfriend! Not good. Not good. Lord, since when did I become like this? Waaa. David: Aryen? Ako: Sorry, got (carried away) suddenly busy. Muntikan ko pang masend na "carried away" ako. Buti na lang at napalitan ko agad ang text ng "suddenly busy." Whew. Delikado akong kiligin. Kung anu-ano na ang sumasagi sa isipan ko. Lord patawad. This time, I think I like David. I think I really do. Can You make him LIKE ME TOO?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD