"YAAA! Please huwag mo akong kagatin! Mami-miss ako ng mga students ko sa Sunday school!" Sigaw ko nang marinig ang kahol ng aso.Hindi pa ako nakapasok sa gate ng bahay ni David ay panay na ang takot sa aking dibdib.
"Aw! Aw! Aw!"
Panay pa rin ang kahol ng puting aso at galit na galit itong nakatutok sa akin. Kaya naman kahit ilang beses akong sinabihan na hindi siya nangangagat ay no effect pa rin sa akin. Pakiramdam ko end of the world na. May phobia kasi ako sa aso! Malay ko ba na may alagang aso si David? Hindi niya naman ako inorient, eh!
"Milky, stop that! Come here." Utos ni David habang binuksan niya ang gate, at mas lalo akong natakot. Ang higpit ng kapit ko sa buhok ni David na para bang ito ang aking pinaghuhugutan ng lakas. Kinarga niya ang puting aso sa kanyang mga balikat kaya naisipan ko ng bitawan siya. Dumistansya ako nang tinutukan ulit ako ng aso. Grabe naman ang aso na to, kung makatitig, wagas? Pero well, at least tumigil na siya sa pagkahol.
"Sorry, takot ka pala sa aso, Aryen." Akmang lalapit sa akin si David ngunit umatras ako palayo. Hello? Karga-karga kaya niya ang sutil na aso!
"Please David, wag mong ilapit sa akin ang asong yan, iiyak talaga ako!"
"Hindi naman nangangagat si Milky."
"Uuwi na lang ako!"
"Wag naman, kararating mo palang. Oh sya, ikukulong ko na lang si Milky sa kwarto ko. Wag ka ng praning."
"Talaga lang ha?"
"Uy, Aryen! Andito ka rin pala?" Si Nhads yon na nakatayo na pala sa labas ng pintuan. Magkasing-taas lang kami ni Nhads. Maitim ang kanyang balat at clean cut ang hair nito, meaning, he's intentionally bald! Malapit na kaibigan ni David si Nhads at nasa Harvest Ministry ito. He often does evangelism in the streets and sometimes in the park.
"I invited her." Sabi ni David.
"Whooooa, do I smell something fishy here" Tanong ni Nhads at pakiramdam ko namumula ang mga pisngi ko. Yaks! Ano ka ba, Aryen! Get a hold of yourself! Don't misunderstand it. Of course, bestfriend mo si David, natural na iimbetahin ka niya sa bahay niya! Pero wait, this is the first time that he did so! Kinabahan ako bigla.
Makikita ko na for the first time ang Mommy niya! Opo, di ko pa nameet ang Mommy ni David kahit ang tagal na naming magkaibigan.
"Fishy ka dyan. She's my bestfriend, of course, I want her to come after I got sick. Isa pa, may Shey na sa puso ko."
Ouch. Direct to the heart ang pain.
Nagsisimula pa nga lang akong kiligin, pinatay na agad.
"Since when pa kayo naging bestfriend?" Tanong ulit ni Nhads.
"Matagal na, hindi lang kami nagpapansinan kasi busy kami palagi every Sunday." Ako na lang ang sumagot sa tanong ni Nhads bago pa man may masabing hindi maganda si David. Baka masabi pa niya na lumalabas kami minsan na kaming dalawa lang.
"As in?"
"Oo, as in."
"Anyway, pasok ka muna, Aryen. Nhads samahan mo muna siya. Ihahatid ko lang sa taas itong si Milky. May phobia kasi ang isa dyan." Ang panget nagawa pang ngumiti? Pfft.
"Sure! Ako na ang bahala sa mahal na prinsesa! Come inside, mademoiselle!" May bow pang nalalaman si Nhads. Pfft. Pumasok muna si David at sumunod na lang ako. Sinundan ko siya ng titig hanggang sa pag-akyat niya sa taas ng stairs. May second floor kasi ang bahay nila. Nagulat ako nang bigla akong hinila ni Nhads papunta sa sala. Tapos pwersahan niya akong pinaupo sa isang sofa. Gulat akong nakatingin sa kanya habang siya ay nakatayo sa harapan ko na para bang ang lalim ng iniisip.
"Kung ano man yang iniisip mo, nagkakamali ka." Sabi ko.
"Bakit, alam mo ba kung ano ang iniisip ko?" Nhads crossed his arms above his chest. Hindi ko gusto ang mga mensaheng pinaparating ng kanyang mga titig.
"Iniisip mo na may something sa amin ni David." Mahina kong sabi baka kasi marinig ni David o kaya ng Mommy niya. Pero sa tingin ko wala pa ang Mommy niya. Si Nhads pa lang ata ang dumating, eh.
"Nope. Alam kong walang something sa inyo ni David. Pero ikaw..." Sabi niya at namilog ang aking mga mata. Impossible! He couldn't possibly...
"...pero ikaw may gusto ka sa ka—mhmmmnn!" Hindi ko na pinatapos si Nhads sa kanyang sasabihin dahil sinunggaban ko na agad ang madaldal niyang bunganga. Pahamak na bata! Ibubuking ba niya ako sa sariling pamamahay ni David?!
"Wag mong tapusin! Alam mo ikaw, ang daldal mo! Wag mo nang sabihin dahil alam kong—"
"Na may gusto ka sa kanya?" Dugtong ng sutil na binata nang makawala siya sa mga kamay ko. Para akong maiiyak sa sinabi niya. Bakit kailangan pa niyang ipamukha sa akin ang bagay na yon? Nakakaiyak isipin na nabuking ako ni Nhads. I just dropped dead to my knees in embarrassment at tinakpan ang aking mukha.
"You don't need to say that, here of all places!" Naiiyak kong sabi.
"Hala? Totoo? I was just playing fun with you."
"Puwes hindi nakakatuwa!" Sabi ko habang binaling ulit ang tingin sa kanya.
"Is something wrong, Aryen?" I feel like my heart jump out from my chest nang makita si David na pababa ng hagdan. I immediately put my arms above my chest as I try to stand up, then I stand down again, and up, as if having a stupid exercise.
"Haha, hehe, hoho. I'm just trying to exercise para mawala yong fats sa tiyan ko. Nang sa ganun marami akong makain mamaya." Sagot ko naman at halatang naniwala naman agad si David.
"Ikaw talaga, basta pagkain lahat ginagawa mo." Natatawang sabi ni David. Napatingin ito sa kanyang relo. "Wala pa ba sila? Mag-aalas syete na kasi."
"Nagtext si Jude na may bibilhin daw muna sila sa convenience store."
"Well, can't be helped. Tutulungan ko lang muna si Mama sa kusina."
"Andito ang Mommy mo?!" Hiyaw ko. Napatigil tuloy ako sa kunwari kong exercise.
"Yep."
LAGOT!
If andito pala ang Mommy niya kanina pa, meaning, she heard my OA shout kanina sa labas ng gate! She heard how ridiculous I was and how afraid I was with just a dog bark! And most importantly, narinig din niya ang diskusyon namin ni Nhads kanina pa! Waaa! I wanna melt in sorrow right now.
"She's a great cook. Anyway, may mga movies dyan. Please suit yourself while we prepare the kitchen." Aniya ni David.
"Wow, bro, it's like you haven't been sick!"
"Was I? Coz I feel lively now." Nakangiting sagot ni David saka siya dumeretso sa kusina. Naiwan akong nakatayo pa rin at lupaypay sa ere. I just got back from my senses when Nhads tap my shoulder.
"Hooy, kamusta naman tayo dyan?"
"I'm not okay."
"Halata nga."
"David's Mom might have heard me earlier. What should I do?"
"Act normal. Seriously, bawal ang OA. Hindi ka na teenager."
"Ikaw kasi!" Sinapak ko na lang si Nhads sa kanyang balikat.
"What are you doing here, Aryen?" Sabay kaming napalingon ni Nhads sa may pintuan, saka namilog ang mga mata ko nang makita kung sino ito! Pakiramdam ko ay mahuhulog na ang mga balls of fire mula sa langit! At isa ako sa masusunog!
"Kuya Grey!"