Chapter 01: Leaving
It's dinner and lolo and I are already in the dining table. Nasa kusina pa sa si Lola at may kinukuha pa.
"Kainan na!" masiglang ani ni Sam na galing sa sala, naglaro ata ng videogames. Sam became the noise of this house in a goodway.
"Kumain ka nang mabuti Sammy" natutuwang sambit ni Lolo kay Sam. "Ikaw rin iha kumain ng mabuti." ngiti ni Lolo sakin.
"Kayo po ni lola ang dapat kumain ng maayos para hindi nagkakasakit." sabi ko na kinatawa ni lola na kararating palang galing ng kusina.
"Oh siya, kumain na kayo at eto ang gulay. lahat naman ay dapat maayos na kumain at nagturuan pa talaga kayong tatlo diyan." nilapag ni lola ang isang malaking mangkok sa gitna ng lamesa.
I helped lola na magserve para kay Sam. I am comfortable and happy with these people who helped a lot. They are my support system.
Lolo and Lola guided me through everything. They became my parent figure when my parents died.
This is just a usual dinner. Nang matapos ay pumunta na'ko sa kwarto ko, naligo muna ako bago nahiga sa kama.
Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto ko na kahit na walang ilaw ay maliwanag parin tignan.
Di ko alam kung pano nagiging ganon at ang naaalala ko lang pagdating ko rito ay mabilis na pinaayos to ni lolo at naging maaliwalas at maliwanag ang kwarto.
May mga maleta at bag sa tabi ng pinto. Ang bilis ng panahon at aalis na agad ako sa bahay na'to.
Bumangon ulit ako dahil hindi ko pa nararamdam ang antok. pumunta ako sa table ko at binuksan ang laptop ko.
Binuksan ko ang librong sinusulat ko at sinimulsn agad ang pagsusulat.
May kumatok sa pinto ko at alam kong si Lola yon. She always come here at 9 kasi alam niyang nagsusalat ako ng mga oras na yan at nagdadala lagi ng pagkain.
"Gising ka pa ba apo?"
"Sandali lang po." sinara ko ang laptop ko at pumunta sa pinto. Nang buksan ko yon ay may hawak si lolang gatas at snacks.
Marami ito at sa tingin ko ay kay Sam ang iba. "Inumin moto ha at eto kumain ka pag nagutom ka ha baka magpuyat ka na naman iha ha" sabi ni lola na parang nagpapaalala sa akin na wag masiyadong magpuyat.
"Sige po lola salamat po, matulog kayo ng maaga." ani ko at humalik naman sa pisngi si lola.
"Goodnight apo."
"Goodnight din po" nakangiting tugon ko.
Lola always do this, maalaga silang dalawa ni lolo lalo na kapag nagkakasakit kami si Sam. They are the most caring when it comes to us.
Sinara ko ang pinto ng makaalis na si lola. Bumalik ako sa desk ko at nilapag don ang mga binigay ni lola.
Ininom ko ang gatas at tinabi lang muna ang mga pagkain. Binuksan ko ulit ang laptop ko at nagsimula ulit na magtipa.
Nang lumipas ang tatlong oras ay kinain ko ang mga snacks na binigay ni lola. Alam kong tinitignan ni lola kung kinain ko ba ang binibigay niyang snacks.
Ayoko nang pinag-aalala sina Lola kung bakit hindi ako kumakain agad pag nagutom kaya lagi ko silang sinusunod.
Aalis nako bukas at hindi ko alam kung masyado ba silang nag-aalala ngayong gabi.
Alam kong hindi pa ito ang tamang oras na tumira ako sa bahay namin dahil hindi pa ako tapos sa mga therapy sessions and I am not even healed. Natulog ako pagkatapos kong magtoothbrush.
NAGISING ako ng maaga at naligo muna. Nanatili ako sa kwarto ko pagtapos kong maligo at binuksan ko ang laptop ko.
Binasa ko ang paunang chapter ng librong sinusulat ko sa kasalukuyan. Ang libro ay tungkol sa isang batang babae na inaabuso ng kanyang pamilya.
Nabuo lang basta ang istorya sa utak ko habang naglalakad pauwi galing sa skwelahan kahapon.
Tapos na ang klase at agad akong nag-impake, hindi ko naman plano nan agad akong umalis pero tumawag na ang therapist ko at sa lalong madaling panahon ay gusto nilang simulan ang therapy.
Kakailanganin kong manatili sa Manila sa mga panahong ito upang mas matutukan ang symptoms at resulta ng therapy.
Bakasyon na at ito ang scheduled time na simulan ang therapy. Kailangan na tumira ako sa bahay ng hindi kasama ang family members ko.
Ngunit inadvise ng doktor na kailangan ko rin ng kasama na mapagkakatiwalaan. Kailangan ko ng aalalay sakin sa gitna ng therapy at napag desisyunan ko na si Kiel nalang ang taong yon.
May eksperto naman na titingin at nandon rin mga katulong at pinagkakatiwalaan ni dad na mga tao.
Alaga parin nila ang lugar dahil yon ang utos ni lolo. Si lolo ang umasikaso ng lahat matapos ang insidente.
Sinara ko na ang laptop ko nang napagod nako. Pumunta ako sa kusina at nadatnan ko ron si lola na nagluluto.
"O apo, ang aga mo namang nagising. Gutom ka na ba?" tanong nito ng makita ako.
"Hindi pa ko gutom lola. Tulungan ko na po kayo" suhestyon ko at ako na ang naggayat ng sibuyas at bawang.
"Tapos kana bang mag-impake, ako na ang bahala rito at ayos lang ako rito. Tumutulong naman sakin si Amanda." mahabang litanya ni lola at kinuha ang kutsilyo sakin.
"Tapos na'kong mag-impake lola at hayaan niyo akong tumulong." malumanay na sagot ko kay lola.
"O sige hugasan mo nalang yung gulay sa lababo." sinunod ko si lola at pumunta na ko sa lababo. Hinugasan ko ang mga gulay at medyo marami-rami ang mga ito.
Maraming niluluto si lola at alam kong ipadadala niya sakin ang mga to.
Masyadong maalaga sina Lola at sabi ng mga therapist ko ay malaking tulong ito para maibsan ang nararamdaman ko na may malaking kakulangan sa buhay ko.
Nang natapos ako sa pagtulong kay lola ay umakyat ulit ako sa kwarto ko upang magbihis.
Naghanap ako ng masusuot sa byahe at inayos ko na rin muna ang laptop ko at nilagay sa bag ko.
Kinuha ko ulit ang mga damit ko at nagbihis na sa. Hndi pa ko tapos magbihis ay may kumatok na sa pinto ko.
Sobrang ingay ng katok at alam kong Samm yon. "Ate kuya Kiel is here!" Nagmadali akong magbihis dahil naririnig ko parin ang malakas na katok ni Sam sa pinto ng kwarto ko.
"Sandali lang Sam, wag kang maingay at tigilan mo na ang kakakatok!" pasigaw na tugon ko at nang matapos na ako ay pinagbuksan ko na sila ng pinto.
Pinandilatan ko si Sam na kalong kalong pala ni Kiel. Pagtingin ko kay Kiel ay nakangisi ito.
Lokong lalaki to, sigurado akong inutusan niya si Sam na katukin ako ng matagalan
"I'm back Serena" malokong bati ni Kiel. Gusto ko siyang sabunutan kaso lang hawak niya si Sam at baka gawin niya pang panangga ang pinsan ko.
"Ibaba mo nga si Sam at baka sa sunod ay kay Lolo yan magpakarga." sabi ko at sinunod niya naman ako.
Yumuko ako sa pinsan ko. "Sam don ka muna kay Lolo." Tumakbo naman si Sam at sa tingin ko ay papunta ito kay Lolo.
"Salamat sa pagsundo sakin Kiel." seryosong ani ko sa matalik kong kaibigan.
"Ano ka ba Serena, mabait talaga ako. Hindi mo na ko kailangang i-compliment." walang kwentang sabi nito. Kelan ba'to nagseryoso?
"Ugok, tulungan mo na nalang akong ibaba Yung mga bagahe ko." Pumasok ako sa kwarto at sumunod ito
"Ang dami! Buong kwarto mo ata dinala mo eh." OA na sabi nito. Tamad kasi magbuhat.
"Kaya ang laki ng tiyan mo, hindi Ka nagbubuhat" nakangising lumingon to sakin
"Gusto mo bang makita ha?" Tataas taas ang kilay na tanong nito
"Tumigil ka nga!" Dinampot ko na ang ilang bag ko.
Tinalikuran ko nalang siya at bumaba na. Mabilis itong sumunod na parang asong sumusunod sa kanyang amo. Papunta ako sa sala.
Nadatnan ko don si Lola na nakaupo at tila ba hinihintay kami. Nasa maliit na lamesa ang mga niluto nito at nakaayos na.
Maluha luha ang mga mata ni lola na nakatingin sakin habang naglalakad ako patungo sa kanya.
"O handa ka nabang umalis?" tumango ako at may mga namuong luha sa mga mata ni Lola.
Niyakap ko si lola, "Wag kang mag-alala lola kaya ko naman na ang sarili at dahil yon sa inyo nina lolo" pampalubag ng loob na tugon ko.
"Ako po ang bahala kay Zerina niyo lola." sabat ng magaling kong kaibigan.
Bumitiw nako kay lola. "Sige na magpaalam kana sa Lolo mo iha at baka matanghali pa kayo." Umakyat ulit at iniwan si Kiel kay lola.
Siguradong nasa kwaro niya si Lolo. Dumaretso ako sa kwarto nina lola at papasok ko ay nilalaro ni Lolo si Sam.
Kumatok ako sa pinto na dati nang nakabukas at napalingon sakin ang dalawa. Lumapit ako sa kanilang dalawa na kasalukuyang nakaupo sa sahig.
Umupo rin ako sa sahig at pinantayan sila.
"Lo? Aalis na po ako mayamaya." tinignan ako ni Sam na halatang gulat at walang alam sa mga nangyayari.
"San ka po pupunta ate Zerina?" humarap muna ako kay Sa at ngumiti dito.
Nanatiling tahimik muna si Lolo at hinayaang kausapin ko si Sam. "Aalis muna ako Sam, matatagalan na wala si ako dito sa bahay kaya naman alagaan mo sina Lolo at Lola ha." inosenteng tumango at yumakap sakin. Alam kong alam niya ang ibig kong sabihin dahil hindi lang ako ang nagpaalam sa kanya ng ganito.
"Sige na Sammy punta ka muna kay lola tsaka Kuya Kiel mo." kumalas ito sa yakap at pinulot ang mga laruan niya.
Nang makaalis na ito ay nilingon ko ulit si Lolo na bahagyang nakaiwas ang tingin sakin, " Mag-iingat ka sa bahay na yon Zerina at tawagan mo ko pag may maling ginagawa ang mga kasambahay don ha?" Natawa ako sa tugon ni lolo, sinadya niya siguro yon.
" Lolo wag kayong mag-alala ni Lola. Alam niyo naman na kakayanin ko ang therapy nan yon."
"Sige na apo, umalis kana at baka uminit na sa byahe niyo."
Tumayo nako at sabay kami ni lolo na lumabas ng kwarto. Bumaba kami sa sala naririnig ko ang maingay na mga tawa ni Kiel at Sam. Si Lola malaki ang ngiti habang nakatingin sa dalawa.
Kahit kelan ang ingay talaga ng dalawa pag nagsama. Napalingon silang tatlo samin ng matawa si Lolo sa pinaggagawa ng dalawa.
Tumayo na si Kiel at binuhat ang ilan sa mga bagahe ko. Tumulong naman si Lolo sa kanya.
Sumunod kaming tatlo sa dalawa, tinulungan ko rin sila sa paglalagay ng mga bagahe sa loob ng sasakyan. Nang matapos na ay niyakap uli ako ni Lola.
Umalis na kami nang maayos nakong nakapagpaalam. Nakaramdam ako ng bahagyang pagkalungkot ng lingunin ko sila lola mula sa bintana ng sasakyan.
Hindi ko alam kung gaano katagal ang pagstay ko sa bahay na yon. Maaring hindi pa'ko makabalik sa sa pasukan.
Huminga ako ng malalim at napalingon naman si Kiel dahil don. "Don't worry Serena, I'll help you cope." Kiel genuinely said.
I'm glad I have Kiel by my side. He's been with me to comfort me in every way possible and he's a big part of my support system.
"Salamat Kiel." Tumingin nako sa harapan at nagpatugtog nalang. Pop Song ang tumutugtog ngayon.
Sa totoo lang ay kinakabahan talaga ako sa therapy na 'yon ngunit mas lalo akong kinakabahan sa pagtira sa bahay gayong maraming alaala don ang naiwan nila dad.
Wala akong maalala ni isang alaala sa mga magulang ko. Gusto ko silang maalala at baka sakali ay mapunan ang kawalan na nararamdaman ko.
"Daan tayo ng drive thru please." Utos ko kay Kiel nang may makita na akong drive thru.
Mahaba ang naging byahe namin papunta sa siyudad. Saglit akong naidlip, gumising ako nang magpa refill ng gasolina si Kiel sa isang gasoline station.
Ang sama kasi ng amoy don at medyo sumakit ang ulo ko. Hindi na'ko ulit nakatulog dahil sa amoy na yon. Parang may nabubulok.
Bahagyang natawa ang kasama ko sakin. "Nagutom ka ba sa byahe? Natulog ka pa kasi, ang lakas mong makahilik." Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya.
"At least hindi tumutulo ang laway ko pagnatutulog." Ganti ko rito, di ako papatalo sa ugok na'to.
"Eh laway mo kaya yon tumulo lang sa bibig ko dahil natulala ka sa kagwapuhan ko." Nandidirimg tinignan ko ito.
"Sira ka talaga, kadire ka!" Tumawa ito ng malakas habang ako ay masama lang ang tingin sa kanya.
Ikalawa pa kami sa pila at nagsimula nang umorder yung nasa unahan. Tinapik ko siya at tumigil naman ito sa katatawa.
Tinuro ko ang unahan. "Umorder ka na nga, kahit ano Basta umorder ka. Ayusin mo ha" may halong pagbabanta sa huli kong mga sinabi.
"Ano bang gusto." Tinignan ko siya na parang nag-aalangan ako kung may utak ba talaga ang lalaking 'to.
"Kahit ano po."sarkastikong sabi ko at nagkibit balikat lang lang ito.
Kami na ang sumunod, umorder si Kiel ng burgers at meals, meron ding drinks. Nagpark kami pagkatapos umorder at don kumain.
"Tapos ka na bang magpaalam kina mommy?" Tanong ko kay Kiel habang nakain siya. Yon ang tawag ko sa mom niya dahil yon na ang nakasanayan ko mula noon.
"Oo. Syempre naman, pumayag nga agad basta daw ayusin ko raw." Kumindat siya sa akin at napangiwi naman ako dahil don.
Kahit kelan talaga to walang side magseryoso. Pero hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Ngunit pagnagseseryoso ito ay hindi rin ako sanay.
"Dumaan Tayo sa inyo, gusto kong makita sina mommy."
"Yun nga ang gusto ni Mom kaso lang baka mapagod ka at kailangan mo pang mag-ikot sa bahay niyo."
"Okay. Let's go!" Masiglang sabi ko na parang pumayag siya sa gusto ko.
Wala itong nagawa at natawa nalang. Kumain na ulit kami.
Nang matapos na kaming kumain ay umalis na kami. Tinapon lang namin ang basura sa trash bin at mabilis na siyang nagdrive.
NAng marating namin ang bahay nila ay agad kaming pumasok. Napalaki ng bahay nila at kahit ilang beses na'kong pumunta rito ay namamangha parin ako.
Nang marating namin ang sala ay nakaupo ron ang mom ni Kiel na may kausap sa phone. She's our mommy Kelly.
She's so beautiful, mahinhin lang ito ngunit strikto. Lumingon ito samin ni Kiel nang mapansin ang presensya naming dalawa na ngayon ay nakalapit na sa kanya.
Nakuha ni Kiel ang ngiti nito na napakaganda. Binaba nito ang phone niya nang nakapagpaalam na at dali daling yumakap ito sa amin ni Kiel.
Sabay niya kaming niyakap "Gosh I missed you both." Medyo natawa ako sa kasweetan ng mom ni Kiel.
"I was gone for only half of a day." Ani ni Kiel.
"Hm? I thought you won't your girlfriend here?" Nasamid ako sa laway ko.
"Mom!"
"Mom?"
Halos sabay naming tugon sa pagtukoy niya sakin.
"My feels! You two, stop pretending and admit to yourself you like each other. Ang torpe mo Kiel." Komento nito sa anak.
"Besides, you're already calling me mommy and I didn't made you do it for nothing." Sweet ngunit natatawang sabi ni mom.
"Mom kadire ayoko sa anak niyo." Nandidiring tinignan ko si Kiel.
"Mom I don't like chubby girls. At ang lakas niyang kumain." Ani to na nakatingin sa kin.
Masamang tingin ang itinapon ko sa kanya.
"Hindi ako mataba no!" Hinawakan ko ang pisngi ko.
"That's where it starts and it ends with this" as a matter of fact na sabi mom at tinuro ang family picture na nakasabit sa pader.
Naglakad ito papuntang kusina at sinundan namin ito. "I baked cupcakes and cookies"
"Can I bring some to my dad's House?"
"Ang takaw talaga" Komento ng asungot na lalaki sa tabi ko
Mom sweetly chuckled. "Ofcourse my dear daughter!"
Masigla si mom lagi at palangiti. She's so caring and always sweet. Pagkasama ko siya ay hindi ko nararamdaman na may kulang sa pagkatao ko.
Sobrang bait ng mag-asawa sakin. They are the closest people to Lolo. Lolo trusts these two the most and I can clearly see why.
Tinuring na namin na pamilya ang isa't isa. Lolo is a famous figure in the business industry and ganon din ang dad ni Kiel.
Nag tsaa si mom sa garden nila at sinamahan namin siya ni Kiel. We sat across each other.
"You two looked like a couple for me." May kinang sa mga matang sabi ni mom.
"You have no choice if that's her opinion."
"Dad!" Sabay na sabi namin ni Kiel nang makilala ang boses nang nagsalita.
"My Son and my Daughter." Ani dad at niyakap ako. Tinakip niya lang sa balikat si Kiel.
"My lovely wife." Pumunta si dad Kay mom at hinalikan ito sa labi.
"God!" tugon ni Kiel sa dalawa. I also didn't like it, but I also think it's sweet.
"You two should date." Natatawang sabi ni dad.
"I don't really don't like your Son."
"He's not my Son if you don't really like him." Dismayadong tinignan nito si Kiel. Natawa naman si mom
" You are completely the same."
"No we're not" parang batang sabi ni dad
"Wait, you're staying at your father's house with Keller right?" Tanong ni dad sakin
Keller is Kiel's real name. Marcus Keller Ferragamo. My bestfriend.
"I told you already dad." Sabat ni Kiel
"Take care of her Keller. Ayusin mo at bantayan mo lagi, I think it's what your Lolo also told you." Seryosong utos ni dad kay Kiel.
"Yes sir." Ani ni Kiel.
"Don't worry dad, there's someone Lolo hired to look over me."
"Let's just make sure your therapy will be safe even if it doesn't turn out a success." Malumanay na sabi ni dad sakin.
"Please iha, tell Kiel if you need something and please put your trust on Kiel" Mom was genuinely pleading
"Just don't worry about it, I promise I'll be strong."
"Keller, make sure your job is a success" a typical dad and Son's conversation.
They always put weighs on their Son's shoulder and I think it has been a tradition to set their standards for their figures.
Umalis na kami sa bahay nina Kiel at bumalik na sa biyahe. Malapit na naman ang bahay namin dati mula ron sa bahay nila.
Hindi inabot ng isang oras bago kami makarating sa mansion. Walang kabahayan sa daan patungong mansion at maraming puno sa paligid ng mataas na bakod.
PUMASOK kami sa isang malaking gate at namangha ako sa laki ng bakuran pagpasok namin. Sobrang laki at aliwalas ng paligid.
Madali mong makikita ang bahay sa gate palang dahil sa sobrang laki nito. Tingin ko ay nasa sampo ang kwarto nito sa taas.
Nang lumingon ako sa gilid ay madali ko ring nakita ang garden. May nagdidilig ron, tatlo silang andon at iba iba ang mga ginagawa.
Tnigil ni Kiel ang kotse sa harap ng bahay at may mga nakahilerang mga maids don. Ang isa ay iba ang suot at nasa harapan nila.
Napansin kong may binulong ang ito sa isang kasama nila at agad yong umalis.
Bumaba kami at sinalubong kami ng isang may katandaan na lalaki, sa tingin ko ay ang butler na tinutukoy ni Lolo nang tanungin ko siya kung anong klase ang pakikitungo ng mga katulong sa mansion.
Nagpakwento ako Kay Lolo dahil hindi ako sanay makitungo sa mga katulong kahit pa sa bahay nina Kiel nang tumira ako don.
"Kamusta po Ms. Zerine, ako ang butler ng dad niyo. Manuel Salvria. Kamukha niyo po ang tatay niyo." Nakangiti ito na tila ba nalulugod sa presensiya ko. Sabi ni Lolo sakin ay malapit ang mga magulang ko sa lahat ng kasambahay.
Medyo awkward dahil nag po ito ganong matanda pa ito sakin ngunit sinuklian ko ang kanyang ngiti.
Bumalik ang katulong na inutusan niya kanina at kasama na nito ang tatlo kanina sa garden.
"Ah Ms. Zerine, ipapakilala ko po sa inyo ang mga kasambahay dito." Ani at nakangiting sumunod ako sa kanya.
Sunod sunod na nagpakilala ang mga katulong sakin at nang matapos ay nagpaalam na ang mga ito.
Ang ilang kalalakihan ay kinuha ang bagahe namin. Pumanik na ito agad dahil yon ang utos sa kanila ng butler.
"Ituturo ko po sa inyo ang mga magiging kwarto niyong dalawa." Sumunod kami ni Kiel sa kaniya.
Namangha ako pagpasok namin ngunit nang lingunin ko si Kiel ay parang walang pakialam lang itong naglalakad.
Umakyat kami sa isang magarang hagdan. Dalawa ang hagdan.
May chandelier sa gitna ng mga to. Ang gara ng bahay, hindi ako makapaniwala na bahay ko 'to.
Ang unang kwarto na madadaanan ang tinuro niyang kwarto ko at ang kaharap ay kay Kiel.
Nakabukas ang pinto ng mga kwartong ito at may mga tao sa loob. Nag-aayos parin pala sila.
"Gusto niyo po bang makita ang kwarto ng mga magulang niyo Ms. Zerine?" Tanong nito at tumango ako.
Sumunod kami sa kaniya. Ikatlong kuwarto mula sa mga kwarto namin ni Kiel. Pumasok kami sa kwartong tinuro nito.
Nasa likod namin ang butler habang nakasunod lang samin. Ang laki ng kwarto at agaw pansin ang kama na sa tingin ko'y king's bed.
Lumingon ako sa gilid at nakita ko ang isang malaking litrato na tila ba ay pininta.
"Painting po yan ng mom niyo Ms. Zerine, ang araw na yan ay kaarawan niyo." ani ng butler nang mapansing napatigil ako.
Nakwento nina Lola na nagpapaint nga si mom. Natutop ako sa kinatatayuan ko nang biglang sumakit nang sobra ang ulo ko.
Merong malalabong imahe na nag-flash sa utak ko. Meron ring boses nang masayang pagtawa ng isang babae.
Hinawakan ako ni Kiel sa balikat nang akmang matutumba ako. "Ayos kalang ba?" Alalang tanong nito sakin.