Chapter 2: Home

1000 Words
Hinawakan ako ni Kiel sa balikat nang akmang matutumba ako. "Ayos kalang ba?" Alalang tanong nito sakin. Madaling nawala ang ang sakit ng ulo ko. Pagmulat ko ay nasa harap ko na ang butler ni dad na nag-aalala ang tingin. "Ayos lang ako bahagya lang sumakit ang ulo ko, sa pagod ata sa biyahe." "Magpahinga na po kayo, bukas na po kayo mag-ikot sa bahay." Lumabas na kami ng kwarto. Habang naglalakad kami sa hallway ay napahinto ako sa kasunod na kwarto. Nakabukas ang pinto nito at maraming mga gamit sa loob. Gamit ng bata, mukha itong nursery room. Bigla ulit na sumakit ang ulo ko at sa pagkakataong ito ay sobrang sakit at natumba ako sa bisig ng kung sino. May boses na akong narinig, boses ng lalaki na masayang nakkukwento.May mga malabong imahe na naman ang nag-flash sa utak ko. Unti unti akong nawalan ng malay habang ramdam ko ang paggalaw ng kung sino na tila ba ay binuhat ako. PAGGISING ko ay nasa kwarto na ako. Gabi na, bumangon ako at tinignan ang paligid. Nasa tabi ko si Kiel at nakaupong nakayuko sa kama. Medyo masakit parin ang ulo ko. Nang tignan ko ulit si Kiel ay unti unti itong gumalaw, magmulat ito nang mga mata at tumuwid ng upo nang makita ako. "Are you really ok? Did you take your medicines after we came here." Nag-aalang tanong nito. "Ayos lang talaga ako. Kaya ko ang sarili ko" seryoso ang mga tingin ni Kiel na sa tingin ko ay hindi kuntento sa sinagot. "Fine. It's just vivid memories that flashed in my head." Bumuntong hininga ito at tumayo. "I called your psychiatrist, he said that you'll meet him tomorrow morning." Tumango lang ako. Mapupungay ang mga mata nito na halatang pagod at wala paring tulog. "Do you want me to bring our food here? Sabay na gayong kumain." "Sige. Gusto ko rin ng gatas, pakikuha rin ako please." Umalis na siya, hindi nito sinara ang pinto pagkalabas. Napatitig ako sa labas ng pinto. Maliwanag ang buong hallway, walang kaingay ingay sa paligid. Inabot ko ang phone ko nasa side table na at nagc-charge. Binuksan ko ito at tumawag kina lola. Nagring lang yon ng dalawang beses at saka may sumagot. "Hello? Sino po to?" Si Sam, Namiss ko agad ang boses ng batang to. "Si ate to Sam, give the phone to Lola" utos ko na sa tingin ko ay masigla niya sinunod. "Lola si ate!" Sigaw nito sa kanilang linya. "Iha kamusta? Ayos ka ba sa paglipat mo?" Tumango ako kahit na voice call lang. "Opo Lola sobrang laki po ng bahay at ang gara." Tugon ko na pilit na siniglahan ang boses. "Kumain ka na ba? Asan si Kiel?" "Hindi pa po kakain palang po, bumaba si Kiel dahil pinakuha ko ng gatas." Ani ko nalang upang hindi na siya mag-alala pag nalaman niyang sa kama ako kakain. Baka tanungin niya kung bakit at ayokong magsinungaling Kay Lola. Dumating na si Kiel. Nilapag nito ang tray sa side table. "Andito na po si Kiel." Binigay ko Kay Kiel ang phone ko at binigyan siya ng makahulugang tingin. "Hello Lola! Inaalagaan ko po nang mabuti ang Prinsesa niyo." Masiglang bati nito na may halong pagmamayabang ang tono. Bumaba ako sa kama at kinuha ang tray. May maliit na table sa kwartong to at don ko nilapag ang mga pagkain. Sumunod sakin si Kiel na kausap parin si Lola. Nang nagpaalam na si Kiel ay ako naman ang nagpaalam. Binaba na ang tawag at kumain na kami. Tahimik lang kaming kumain nung una kaso lang nagsimula na naman magdadaldal si Kiel. "Bat ang daldal mo?" Sarkastikong tanong ko. "Bat ang tahimik mo?" Tamad ko siyang tinignan " Joke lang, to naman. Baka isumbong mo ko kina mom." Isip batang sabi nito Pumagitna ang katahimikan saming dalawa pagtapos niyang sabihin yon. "Kiel, what do you think might happen?" seryosong tanong ko at ramdam ko ang malamlam na tigtig nito "No matter what happens, we're always here Serena."malumanay na sabi nito. Nang matapos na kaming kumain ay tinulungan ko siyang magligpit. Bumaba kami pareho. Nang marating namin ang kusina ay may mga katulong parin ron na bumati nang makita kami. "Kuha Tayo ng snacks Kiel" suhestyon ko nang madaan sa ref. "Ang takaw mo talaga tapos tinatanggi mo pa" di ko na pinansin ang sinabi nito at naglakad na, sumunod siya sa'kin nang dumaretso ako sa ref. Nang matapos kaming kumuha ng snacks sa ref umakyat na agad kami. Dumaretso kami sa kwarto ko at naupo sa sahig. Nilapag namin ang mga dala namin sa baba. Preho kaming natawa sa mga itsura namin, parang kahapon lang eh nagnakaw kami sa ref ni mom ng chocolates dahil sabi ko kay Kiel na gusto ko non. Si Kiel ang napagalitan dahil natakot ako. Ako ang umiyak non at di siya, ako pa ang pinatahan niya. I wish we could never grow older. Gusto kong si Kiel lang ang nasa tabi ko. Nagseselos ako pag may kasama siya pero hindi ko naman siya pinalalayo sa kanila. Sa totoo lang maraming kaibigan si Kiel sa school at meron rin naman akong kaibigan ngunit hindi ganong karami tulad ng kay Kiel. Masarap kasama si Kiel at siya ang makakapagpatawa sa'yo sa lahat ng oras. Nakatingin ako sa kanya na halatang pagod na sa pungay ng mga mata nito. Nakain lang ito at tinatago ang antok. "Dito ka matulog Kiel." Sabi ko dito na tumingin sakin ng nagtataka, natawa ako sa inasal niya "Samahan moko dito. Ayokong matulog mag-isa, di pa ko sanay dito." Pangungumbinsi ko pa. "Sige, sabi mo eh." Tumango ito at napahuyam dahil siguro sa pagod at sobrang antok. Binaba ko sahig ang kumot at unan sa kama. Meron ditong couch at parang munting kama ang couch na yon. "Sleep on the bed. I'll sleep on the couch." "No sleep on the bed, I'll sleep on the couch." Giit nito at kinuha ang kumot at unan sakin. Pinabayaan ko na siya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD