Natulog na kami dahil alam kong masyado na siyang pagod. Masiyado na'kong pabigat sa kanya.
NAGISING ako ng alas sais at pagtingin ko sa couch ag tulog parin si Kiel. Mahimbing parin ang tulog nito na kung susumahin ay talagang pagod na pagod kahapon pa.
I don't think gusto ko siyang isama sakin mamaya, ayokong abalahin ang pagtulog niya. Dahan dahan akong nag halungkat ng mga damit ko sa bag at ng body essentials ko at agad na pumunta sa bathroom.
Magtoothbrush muna ako bago naligo dahil yon talaga ang lagi kong ginagawa. Sa loob na'ko nagbihis pagkatapos kong maligo.
Nagpupunas ako ng buhok gamit ang towel ko na lumabas ng banyo at di ko inaasahang nagising na agad si Kiel.
Ang bilis niya namang nagising? Tumayo ito at umupo sa couch na kaninang hinihigaan niya.
I think I need to bring him breakfast.
"You should go to your room and take a shower, we need to go to the psychiatrist early." Tutal gising na siya ay kailangan niya nang kumilos.
"Grabe ka naman madam, pwedeng mag-almusal muna Tayo?" Ugok talaga, tulog pa ata ang katalinuhan nito.
"Malamang kaya nga maligo kana at kakain pa tayo." Tumayo na ito at tamad na lumabas ng kwarto ko.
Inayos ko lang kaunti ang sarili ko at bumaba. Pagdating ko sa dining room sa table ay may nakahanda na agad na almusal.
Ang daming nakalagay sa lamesa. Ang sarap tignan lahat, ang bango rin dito sa dining room.
Mayamaya ay dumating na si Kiel. Nakabihis at nakaayos na ito. Umupo na ito at kumain. Tahimik ito at tila wala pa ang sapi niyang kadaldalan.
Baka di nakatulog? Nakonsensiya tuloy ako dahil don. Baka masakit pa rin ang likod nito
"Ayos ka lang ba Kiel?" Tanong ko at sumagot naman ito ng Oo, tila hindi ako sanay na tahimik lang ito kahit pa kumakain.
NATAPOS kaming kumain at mabilis kaming umalis nang bahay. Pumunta na agad kami sa psychologist ko.
Hindi ko pa nakikita ang psychologist ko at ang alam ko lang lalaki to. Sana maging komportable ako sa kanya gayong siya unang lalaking psychologist ko mula bata ako.
Pumasok ako sa office nang maayos na, nakaramdam ako ng kaba. Nasa labas lang si Kiel dahil hinayaan ko muna siya.
Hindi ko alam ang nangyayari sakin kaya kinakabahan talaga ako. Ang tahimik, wala ba ang doktor?
Hinanap ko ito sa desk niya kaso wala ito don.
Paglingon ko sa couch sa left side ko ay may ng isang lalaki, nakatalikod ito at may hawak na phone sa kanyang isang kamay.
Pumunta na'ko sa couch at naupo, nakatingin na ito sakin habang hawak parin ang kaniyang phone.
He looked so hot, model ba to o psychologist? Gosh ang gwapo! His voice while he's quietly taking his call is so damn gorgeous.
Tinignan ko ang kabuunan ng mukha niya at pansin ko ang marka nito sa jawline. Hindi malaki yon at makikita mo lang o napapansin pag tinitigan mo.
"Hey, Goodmorning lady" masiglang bati nito. Nilahad niya sakin ang kaniyang kamay.
I don't know a guy's attention can leap my heart.