Chapter 21

1371 Words

Inipon ko ang lahat ng lakas ko sa kamay saka buong pwersang itinulak sa matigas niyang dibdib si JC kasabay ng malakas na paglagapak ng kanang palad ko sa kaliwang pisngi nito. “K-kuya!!” umiiyak na sigaw ni Jamie. Sabay naming nilingon ni JC ang nakababata niyang kapatid na ngayo’y tumatakbo na papalapit sa amin. “Bad ka!” Malakas akong itinulak ni Jamie sa mga binti ko dahilan para mawalan ako ng balanse mula sa pagkakatayo. Muntik na akong mabuwal patalikod. Mabuti na lamang ay maagap akong nasalo ng mga bisig ni JC kung kaya nahapit niya agad ako sa baywang. “Stop it, Baby!” malambing niyang saway sa nakababatang kapatid na patuloy lamang sa pagtulak sa ‘kin. “Niaaway ka niya, Kuya!” galit na wika nito kay JC na may kasama pang pagluha. “No baby, we‘re only playing.” Pilit p

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD