Dahil wala naman akong choice kundi suutin ang t-shirt ni JC, napilitan na lamang akong isuot iyon. Malaki sa katawan ko ang t-shirt niya at nagmukhang dress ko lamang dahil umabot pa iyon sa ibabaw ng mga tuhod ko. Bukod sa malaking tao si JC, matatangkad din sila! Nagmukha lang tuloy akong maliit na duwende sa loob ng kaniyang damit. Ang kaibahan ko nga lamang sa mga iyon ay damit ng pinuno ng mga trolls ang may-ari ng t-shirt. Didiretso na muna ako sa loob ng kwartong tinutulugan ko rito dahil tiyak na may mga damit pa akong naiwanan sa loob ng kabinet doon. Paniguradong kasya pa naman sa‘kin ang mga iyon. Pa-tiptoe ako naglakad palabas ng closet upang maitago ang nakahantad kong mga hita. “Ay kabayo!” Napalundag ako sa gulat ng may tumapik sa aking balikat. “Daig mo pa magnanak

