Narinig kong may kausap si Stella sa telepono kaya naman nagpakatago ako ng husto rito sa likurang bahagi ng pinto. “Hay salamat at naisipan mo akong tawagan,” dinig kong sagot niya sa kabilang linya. “Sige. Saan ba banda iyan sa Bohol?” Bahagyang sumilip ako sa loob ng kwarto kaya nasilayan ko ang pabagsak niyang upo sa ibabaw ng malambot na kutson. “Tamang-tama nga lang dahil inip na inip na rin ako sa bahay. Nakakasawa rin pala ang mag-review, noh?” patuloy na kausap ni Stella sa taong tumawag sa kaniya. “At sino naman kaya ang tumawag na iyon?” ani ko sa isipan. “Wala ako sa bahay ngayon dahil naisipan kong sumama kay Mommy rito sa bahay nila Tita Jana. Okay na nga sana ako sa magandang tiyanak nila rito dahil pwede kong pagtiisan, e kaso nandito ang pinuno ng mga troll kaya sira

