“Ano raw?” tanong ko sa sarili nang tuluyang sumara ang pintuan. Para kasing may sinasabi si JC na ‘di ko masyadong mawawaan sapagkat abala ang aking isipan sa kantang inawit nito. Regalo raw iyon para sa graduation ko pero hindi naman niya ibinigay ng mismong araw ng graduation ko. Kainis ‘di ba?! Pero in fairness, kinikilig din akong pakinggan ang regalo niyang awitin. Gosh! Ang hirap kayang gumawa ng lyrics. Alam ko namang maganda ang boses ni JC sa pag-awit dahil naririnig ko na sila dating kumanta ni CJ. Ngunit iba pala talaga ang lamig ng boses ni JC dahil nakakatuwa iyong pakinggan at ang sarap sa pandinig. “Pwede ko kayang hingiin sa kaniya ang lyrics? Tutal regalo naman niya iyon sa akin,” nakalabing kausap ko sa sarili. Umalis ako mula sa ibabaw ng kama saka nagmamadal

