Nagising ako sa mainit na hiningang dumadapo sa aking pisngi kung kaya minulat ko ang mga mata at nasilayan ko ang nakapikit na mukha ni JC. Pilit kong inalala sa isipan ang huling pangyayari hanggang sa maalala ko ang ginawang paghubo niya ng kaniyang suot na damit at pantalon. “JC!!!” natitilihang hiyaw ko sabay hampas sa kaniyang dibdib. Mabilis siyang napabangon ng higa kung kaya napaupo ako sa ibabaw ng kaniyang katawan. Pa'no yakap pa rin ako ng matigas niyang braso kaya pati naman ako ay kasama rin napabangon. Nakabukaka tuloy ako ng upo sa kaniyang kandungan na animo ay may ginagawa kaming milagro. Nakakahiya! Biglang namula ang magkabilaan kong pisngi sa naisip kung kaya idinaan ko sa paghampas muli sa dibdib niya ang hiya ko. “Bakit?” mulagat niyang tanong sa’kin na ti

