Kagaya nang habilin sa’kin ni kuya kanina sa telepono, sumabay ako kay JC paluwas. Naiwanan ang sasakyan ko sa rancho at sasakyan niya ang sinakyan namin. Sinabi ko sa kaniyang ihatid muna ako kung saan naroon ang opisina ng modelang si Simona Villaforte. ‘Di ko man lang siya narinig na nagtanong kung saan ba matatagpuan ang opisina ng sikat na modela. ‘Di ko rin kinakitaan nang pagkagulat na siyang inaasahan ko sana mula sa kaniya. Parang alam na alam pa nga niya ang pupuntahan namin dahil wala man lang siyang sinasabi na kung ano. Tiyak na tiyak pa nga ang landas na tinutumbok ng aming sasakyan kung saan man naroroon ang magandang modela. Tila may pinong kirot akong nadama sa bandang dibdib ko ng dahil lamang sa isiping iyon. Ewan ko ba, para tuloy akong t*nga na nagseselos na e

