"I can't believe this! Iniipit niyo kami ng Gigi na 'yun para mapilitan akong makipaghiwalay sa 'yo?! You can't do this to me, Dylan!" Nanggagalaiti na naman sa galit si Karla habang dini-discuss nila ng mga abogado kung paano mas mapapabilis ang desisyon ng korte sa annulment nila. "I am making things easier, Karla. Ano bang hinahabol-habol mo sa 'kin at ayaw mo 'kong hiwalayan? Obviously, you don't love me. Ayaw mo bang maging malaya ka nang gawin ang lahat ng gusto mo?" "At malaya ka ring gawin ang gusto mo? Gusto mong pakasalan si Sarrah, hindi ba?" "Of course. Kung siya ang magbibigay sa 'kin ng pangarap kong pamilya, why not?" "Never, Dylan." "How much do you want for you to cooperate? Gusto kong lumabas ang resulta ng annulment natin sa madaling panahon, Karla." "Ohh... Ang

