"So... Ikaw pala ang babaeng kinababaliwan ni Dylan ngayon?" tudyo ng Papa niya kay Sarrah matapos niyang ipakilala ang kasintahan sa pamilya niya. "Kinababaliwan ngayon? Parang may ibang babae naman akong kinabaliwan noon? Wala pa naman, Pa," nakangiti niyang sagot. Nakangiti din si Sarrah pero halata pa ring nahihiya. Ni hindi nga nito gustong humiwalay sa kanya na nakakapit nang mahigpit sa mga kamay niya. "Buti napapayag mo nang sumama dito ngayon? Kulang na lang sumiksik sa bulsa mo sa sobrang pagiging mahiyain," biro naman ni Erika na katabi ng asawa nitong si Lawrence. "Tinakot ko na hahanap ako ng ibang babaeng maiuuwi sa birthday ni Mama bukas," nakatawa niyang sagot. "E di ayan, kumaripas ng takbo para sumama." "Nagyabang ka na naman," wika ng Mama niya na kinuha ang kamay

