One year ago... Nakasimangot na naman siya nang makitang nasa harap ng bahay nila ang Black na Volvo na halos araw-araw na lang nakaparado doon. Pag-aari iyon ng business partner ng Mama niya na si Jim De Castro. Isa itong biyudo at negosyante dito sa Baguio pero ang orihinal nitong negosyo ay sa Maynila. Nakilala lang ito ng Mama niya sa isang business conference hanggang bumili na ito ng lupa sa Baguio na may malawak na flower farm. Ang sabi ng Mama niya ay business partner lang ang Jim na ito. Pero duda siya dahil araw-araw na itong nasa bahay nila ngayon. Hindi pa naman ito nakikitulog doon. Pero kung umalis naman sa bahay nila ay alas onse o alas dose ng gabi. Kung tutuusin ay hindi naman siya dapat nagagalit kahit pa mag-asawa ang Mama niya. Pero minsan na kasing naloko ang ina

