Kung kanina ay napanganga si Troy sa nasilip na makinis na hita ng anak ng kasintahan ng Papa niya, ngayon ay humanga naman siya ganda nito na naka-tube dress at mataas na high heels. Siguro ay nasa 5'4" lang ang taas nito pero nagmukha nang 5'6" dahil sa mataas na sapatos. Neneng-nene pa itong tingnan kanina na naka-university uniform. Pero ngayon ay para itong hinipan ng fairy godmother na nagbago ng anyo at lalong naging kaakit-akit. Marami ng babaeng dumaan sa kamay niya pero halos kasing-edad niya ang mga iyon. Kahit kailan ay hindi siya nagkagusto sa isang kolehiyala. Nasa twenty years old pa lang daw itong si Ariana ayon sa Papa niya. Kaya siya nandito ngayon ay dahil inilantad na ng ama ang relasyon nito kay Soledad na nakilala nito sa isang business conference. Nasa sixty year

