Chapter 69

2532 Words

Alas tres ng madaling-araw nang lumipat si Dylan sa silid ni Sarrah. Masarap ang tulog nitong nakayakap ang dalawang kamay sa unan. Napangiti siya. Dapat ay siya ang yakap nito. Noong nagsimula itong maglihi ay gustong-gusto na nakayakap sa kanya. Pero dahil hindi siya kayakap ngayon ay pinagtiyagaan na lang nito ang unan. Habang nakatitig siya kay Sarrah ay hindi niya maiwasang panikipan ng dibdib sa labis na tuwa at pagmamahal. Mula nang mabuntis si Sarrah ay mas naging malambing ito at maasikaso sa kanya. Ngayon lang niya ulit naranasan ang ganoong paglalambing na katulad ng ginagawa ng Mama niya noon. Hindi sa naghahanap siya ng asawang magiging taong-bahay lang. Gusto pa rin naman niyang paunlarin ni Sarrah ang sarili kahit na magkaanak sila nang marami. Pero iba ang pakiramdam na an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD