Ang sunod kong namalayan ay halos nakahiga na kami sa sofa ni Yuri. Nakayakap ang mga braso niya sa katawan ko habang pinagpapala ng mga labi niya ang mga labi ko. Ang mga kamay ko naman ay nakakapit sa mga balikat niya. Doon ako kumakapit at kumukuha ng lakas dahil pakiramdam ko anomang oras ay malulunod na ako. Napakalambot ng mga labi niya, napakainit ng dila niya, napakabango ng hininga niya, at higit sa lahat, napakasarap niyang humalik. Napaungol ako nang malakas dahil halos hindi na ako makahinga sa sumunod na isitilo ng oaghalik na ginagawa niya. Pakiramdam ko ay hinihigop niya ang lahat kong hininga. "Jay, we have to stop," ungol niya sa mga labi ko bago muli iyong hinalikan. Nang maghiwalay kami saglit ay nagkatitigan muna kami bago muling nagdikit ang mga labi naming dalawa.

