"Marco, bakit kanina pa tahimik si Yuri? Kanina pa siya hindi umiimik? May naging problema ba? May problema ba siya?" Palihim kong tanong kay Marco na naglalakad sa tabi ko habang pareho naming sinusundan ng tingin si Yuri na malayo na ang agwat sa amin. Mula pa noong isang araw pagdating niya pagkatapos ng halos ilang araw na umalis siya ay hindi na niya kami kinakausap. Nanatili lang siya maghapon sa kuwarto niya. Hindi na nga kami nakakapag-tutorial dahil palagi niyang ipinapasabi kay Marco na ayaw niyang maabala. "Hindi ko pa nga rin siya nakakausap nang matino mula nang manggaling siya sa Mommy niya, Jay," sagot ni Marco. Kababakasan din ng pag-aalala ang boses niya. "Lagi niyang sinasabi na ayaw niyang pag-usapan muna at hayaan ko lang daw siyang mag-isip," dugtong pa niya. "Sa

