Chapter 18

3036 Words

Dama ko ang lamig na pilit na nanunuot sa aking balat habang tinatahak ko ang daan patungo sa palasyo ng aking Lolo. Kaagad na nagsipagyukuan ang mga demonyong nadaraanan ko. Ang iba pa nga ay nagsisipagtakbuhan palayo. Hindi ko sila masisisi dahil nang huling punta ko rito ay natikman nilang lahat ang poot ko. Iyon ay ang araw na ipinadala sa akin ni Kazel ang video nila ni Jay. Ang duwag kong pinsan ay nagtago sa saya ng kanyang mga magulang nang masunog ang hawak niyang phone na ginamit niya sa pagpapadala ng video sa akin. Dali-dali ko siyang sinundan dito sa impiyerno at dahil pinaghandaan niya maging ang pagsugod ko sa kanya, may mga demonyong sumalubong sa akin at nagtangkang pigilan ako sa paghahanap ko sa kanya. Sa isang kisapmata ay nasunog silang lahat sa isang hudyat lamang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD