Napakatangkad ang nilalang na nasa harapan ko ngayon. Napakalaki ng kanyang katawan. Tila siya isang mandirigma na hindi pa natatalo sa anumang laban. At ang kanyang kulay dugo na mga sungay, tila sila buhay ng mga espada na handang suwagin ang sinumang makakalaban ng nagmamay-ari sa kanila. Matangkad, malaki ang katawan, at makapangyarihan na ang mag-amang Yuri at Marco ngunit kakaiba ang kapangyarihan na nagsusumingaw ngayon sa nilalang na ito. Hindi pa man ito nagsasalita ngunit nangingilabot na ako, nanginginig na ang aking mga tuhod, at nangangapal na ang aking dila. At bawat hakbang niya papalapit sa akin, ang tanging gusto kong gawin ay ang tumakbo papalayo ngunit paano ko magagawa iyon kung hanggang ngayon ay pigil pa rin ni Angelo ang buong katawan ko. At hanggang ngayon ay kila

