YURI Naiinip na ako habang nakikinig sa palitan ng mga kuro-kuro ng mga arkanghel tungkol sa banta ng presensiya ni Imperius sa mundo. Naririto kami ngayon sa isang mahabang mesa at kaharap namin ng aking ama sina Michael, Gabriel, Jophiel, Ariel, Azrael, Uriel, Chamuel, Zadkiel, Metatron, Raziel, Camael, Haniel, Jeremiel, Sandalphon at Raguel. Sa kanilang lahat, ang aking ama kasama sina Michael at Gabriel ang siyang tumatayong lider nilang lahat. They are considered as the chief Archangels among them all. "Bakit hindi na lang natin sila sugurin at tuluyang burahin sa mundo habang hindi pa sila gumagawa ng mga hakbang para maisakatuparan ang kanilang nga plano? Kung nakinig lamang kayo sa akin noon, hindi na natin ito pinoproblema ngayon!" As usual, Michael was the angry and loud on

