Alam kong naramdaman ng lahat ng nilalang sa mundo ang magkakasunod na lindol dahil sa pagbaba ng mga anghel mula sa langit. Hindi lang ang kanilang presensiya ang nagdala ng kakaibang pakiramdam sa mga nilalang kundi pati na rin ang nabubuhay na galit sa bawat isa sa amin. The humans' worries did not stop me. Hindi ko na hinintay pang pigilan ako ni Ama. Kaagad na akong sumugod papasok sa mansiyon upang alamin ang pinsalang dala ng mga alagad ni Imperius. Saglit akong napatigil sa pagkilos pagkapasok na pagkapasok ko nang makita kung gaano kagulo ang mga kagamitan sa loob ng bahay na karamihan ay wasak na. Tila ako tinarak ng patalim sa dibdib nang makita ang ilang abo na naroroon. Alam kong ang mga anghel na itinalaga sa akin ni Ama ang ilan sa mga naroroon. Damn you, Imperius!

