"Michael," basag ni Uriel sa katahimikang bumabalot sa aming lahat. Tiim-bagang namang tinignan ni Michael ang nakababatang kapatid. "Buksan na natin pinto ng buong kapangyarihan ni Yuri. Ito lang ang tanging paraan upang makuha na niya ang mga iyon nang buo at hindi na siya dumaan sa anumang pagsasanay," pagpapaliwanag nito. Napanganga si Ama sabay tingin sa kumpulan ng kanyang mga kapatid. Maging ako ay natigilan. Bubuksan na nila ang mga nakakandado kong kapangyarihan at kakayahan? Napalingon akong muli kay Ama nang sumang-ayon siya sa naging pahayag ng kanyang kapatid. "Tama si Uriel. Kung pagsasama-samahin natin ang ating mga kapangyarihan para mabuksan ang pinto, magagawa natin iyon!" nagmamadali niyang saad. Waring kinukumbinsi niya sa pamamagitan ng mga sinabi niya ang kanya

