Kulang ang sabihin na halos magwala si Michael sa naging suhestiyon ko. Ngunit wala akong pakialam sa pagwawala niya at lalong wala akong pakialam kung hindi man siya sang-ayon sa gusto kong mangyari. We need my other family now. At hindi ko kailangan ang pagkakaiba nila sa mga oras na ito. Wala akong pakialam kung mortal silang magkaaway. Kailangan ko ang mga kapangyarihan ng dalawang panig upang matiyak ko ang kaligtasan ng mga mahal ko. Iniwan ko ang magkakapatid na arkanghel na nagtatalo-talo. Kunsabagay, kahit sumama sila sa akin ay hindi rin sila makakapasok sa mundo ng mga Demonyo. Sa isang pagpikit at pagmulat ko nga lamang at nasa loob na ako ng palasyo ni Lolo. Napangiti ako sa aking sarili. I am indeed this powerful right now. At sa bawat paghakbang ko patungo sa trono

