NAYA'S POV Akma na akong lalabas. Pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko sa dami ng tanong at bigat ng emosyon. Tumalikod ako, handang tumakbo, makalayo—basta makawala sa eksenang ito. Pero bago pa man ako makalapit sa pinto, isang mainit na kamay ang humawak sa braso ko. “Naya, please don’t go,” mariing sabi ni Nikolai. Namamaos ang boses niya. May paghikbi sa ilalim ng kanyang tinig. “I’ve been waiting for this time… na makapagpaliwanag sa’yo.” Hinila niya ako ng kaunti, paharap sa kanya, at saka siya tumingin sa babae. “..........In front of her.” Napatingin ako sa babae. Nakatayo lang siya roon, tahimik, ngunit ang mga mata niya ay punong-puno ng emosyon. Hindi ko alam kung awa, tuwa, o... pagsisisi. Basta may laman ang tingin niya. Napataas ang kilay ko. Ang isipan ko, mabilis na

