Dumating na rin ang araw na pinakahihintay ng lahat. Foundation week na tinatawag din nilang Intramurals, kung saan ang tanging gagawin mo lamang ay magsaya. Walang klase na magaganap, makikipagtagisan ka ng galing, malaya kang makakasali sa iba’t ibang paligsahan, makakakain ka ng iba’t ibang klase ng pagkain, iba’t ibang booths na maaari mong puntahan at iba pa. Tuluyan na rin naging payapa ang pakiramdam ko rito simula no’ng nagpaalam na sila Camille, naayos na ang isyu naming dalawa. Walang naging problema tungkol sa pagtanggap nila sa parusa kahit na nakipag-away pa ang mga magulang ni Lance, sa huli nanalo naman ang panig namin lalo na’t nand’yan si mama. Pagdating ko sa school parang naging piyesta ulit ang dating ng paaralan. Naririnig ko na rin mula rito sa aking kinatatayuan

