CHAPTER 57: INTRAMS PT. 2

1756 Words

Pagkatapos ng cheer dance competition ay sumunod naman ang contest para sa Mr. and Ms. Intrams. Sa auditorium gaganapin kaya bago pa magsimula ay nandito na kami para makaupo sa harapan, kasama ko ang mga kaklase ko habang sila Luiz ay nasa kabilang upuan. Mayamaya pa ay umakyat na ang host sa stage, nagsimula na siyang magsalita kasabay ng music. Habang nagsasalita siya ay nilibot ko muli ang paningin ko, marami ng tao. May nakita na rin akong mga magulang na manonood para sa kanilang anak.  “Ay, nandoon si Vincent, oh?” ani Ira saka tinuro si Luiz na kahilera lang namin. Mabuti na lang hindi siya nakatingin sa’min, abala siyang nakikipag-usap kay Richy. Nakakahiya kasi kapag nakita niya kami lalo na’t pinag-uusapan pa naman siya ng mga kaklase ko, ako na ang mahihiya dahil napakain

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD