“Okay, students! One more time!” Muli kaming kumilos at bumalik na sa aming mga pwesto para sumayaw ulit. Malapit na ring mabuo ang sayaw kaya todo-kami sa pagpa-practice. Gusto na kasing matapos ng choreographer lalo na’t malapit na ang foundation week. Pagkatapos ay pinagpahinga muna kami. Matapos kong magpalit ng damit, bigla naman akong nakaramdam ng p*******t sa ulo. Umiikot na ang paningin ko dahilan para matumba na ako ngunit hindi natuloy dahil may sumalo sa akin. “Dew—” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang unti-unti nang pumikit ang mga mata ko. Pero nasisiguro kong si Rico ang nakasalo sa akin. Paggising ko ay namalayan ko na lang na nakahiga na ako sa kama, mukhang dinala nila ako sa clinic. Napako na lang ang tingin ko kay Rico na hawak-hawak ang kamay ko habang s

