Rico’s POV Magiging akin ka rin, Silvina. Sa huli, ako ang mamahalin mo.* Kung hindi ako magugustuhan ni Silvina, pipilitin ko. Totoo namang kaya ko, kaya ko siyang makuha, wala na akong pakialam kung may masasaktan akong ibang tao. Basta sa huli mapapasaakin si Silvina, naniniwala ako na magagawa niya rin akong mahalin balang araw. Sa ngayon, kailangan kong kumilos. Ako muna ang kikilos sa pag-ibig na para sa aming dalawa lang. “How are you feeling, Rico?” tanong ni mama habang kumakain kami ng breakfast, naabutan ko pa siya kaya magkasabay kami ngayon. “I’m fine, Mom. It’s just a f*****g confession,” hindi ko naman napigilang magmura. Napabuntong-hininga siya. “Just a confession? Pero kung maka-react ka, you’re disappointed and mad.” Tuluyan na akong napatingin kay mama. “It

