Pagkatapos kumain ay maaga na kaming natulog dahil maaga pa kami magigising bukas para sunduin si tita Shiela at tito Pierre sa airport. Hindi na namin hinintay ang Christmas eve dahil bukas naman sa araw ng Christmas gaganapin ang reunion kung saan may makakasama pa kaming ibang tao. Sana nga maging masaya, hindi ko pa naman sila kilala. “Silvina, gumising ka na r’yan,” napabangon na lang ako nang tapikin ako ni mama sa pisngi. Hindi ako nagising sa alarm. Inayos ko na ang higaan ko saka bumaba sa kama. “Wear something nice,” paalala niya at lumabas na siya sa kwarto. Napahikab naman ako, inaantok pa rin pero kailangan ko ng kumilos. Pumasok na ako sa banyo para maligo. Matapos kong magbihis ay bumaba na ako, sinabayan naman ako ni Sergio pababa sa hagdan. Sasama rin siya, maiiwan

